Zacarias 9:1-17

9  Isang proklamasyon: “Ang mensahe ni Jehova ay laban sa lupain ng Hadrac,At ang Damasco ang puntirya* nito+—Dahil ang mata ni Jehova ay nakatingin sa sangkatauhan+At sa lahat ng tribo ng Israel—  2  At laban sa Hamat,+ na malapit sa kaniya,At laban sa Tiro+ at Sidon,+ dahil napakarunong nila.+  3  Ang Tiro ay nagtayo ng balwarte* para sa sarili niya, Nag-imbak siya ng pilak gaya ng alabokAt ng ginto gaya ng alikabok sa mga kalye.+  4  Kukunin ni Jehova ang mga pag-aari niya,*At ibabagsak Niya ang kaniyang hukbo sa dagat;+At tutupukin siya ng apoy.+  5  Makikita ito ng Askelon at matatakot;Makadarama ng matinding paghihirap ang Gaza,Pati ang Ekron, dahil ang inaasahan nito ay mapapahiya. Mawawalan ng hari ang Gaza,At ang Askelon ay hindi paninirahan.+  6  Isang anak sa labas ang titira sa Asdod,At aalisin ko ang kayabangan ng Filisteo.+  7  Aalisin ko sa bibig niya ang mga bagay na nabahiran ng dugoAt ang kasuklam-suklam na mga bagay sa pagitan ng mga ngipin niya,At ang matitira sa kaniya ay para sa ating Diyos;At siya ay magiging gaya ng isang shik* sa Juda,+At ang Ekron, gaya ng Jebusita.+  8  Magkakampo ako sa labas ng bahay ko para bantayan ito,+Para walang makadaan at makabalik;At wala nang tagapag-utos* na dadaan,+Dahil ngayon ay nakita ito* ng sarili kong mga mata.  9  Magsaya ka nang lubos, O anak na babae ng Sion. Sumigaw ka nang may pagbubunyi, O anak na babae ng Jerusalem. Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo.+ Siya ay matuwid, nagliligtas,*Mapagpakumbaba+ at nakasakay sa asno,Sa isang bisiro,* na anak ng babaeng asno.+ 10  Kukunin ko ang karwaheng pandigma mula sa EfraimAt ang kabayo mula sa Jerusalem. Ang panang pandigma ay kukunin. At magpapahayag siya ng kapayapaan sa mga bansa;+Ang pamamahala niya ay magiging mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagatAt mula sa Ilog* hanggang sa mga dulo ng lupa.+ 11  At ikaw, O babae, sa pamamagitan ng dugo para sa iyong tipan,Palalabasin ko ang mga bilanggo mo mula sa hukay na walang tubig.+ 12  Bumalik kayo sa moog, kayong mga bilanggong may pag-asa.+ Ngayon ay sinasabi ko sa iyo,‘O babae, bibigyan kita ng dobleng pagpapala.+ 13  Dahil babaluktutin* ko ang Juda bilang aking búsog. Sa búsog ay ilalagay ko ang Efraim,*At gigisingin ko ang iyong mga anak, O Sion,Laban sa iyong mga anak, O Gresya,At gagawin kitang* gaya ng espada ng mandirigma.’ 14  Si Jehova ay makikita sa ibabaw nila,At ang palaso niya ay hihilagpos na parang kidlat. Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova ay hihihip sa tambuli,+At lulusob siya kasama ng mga buhawi ng timog. 15  Ipagtatanggol sila ni Jehova ng mga hukbo,At lalamunin nila at tatapakan ang mga batong panghilagpos.+ Magsasaya sila at sisigaw na parang nakainom ng alak;At mapupuno silang gaya ng mangkok,Gaya ng mga kanto ng altar.+ 16  Ililigtas sila ni Jehova na kanilang Diyos sa araw na iyonDahil sila ang kaniyang kawan, ang kaniyang bayan;+Sila ay magiging gaya ng mga hiyas ng isang korona* na kumikinang sa ibabaw ng kaniyang lupa.+ 17  Dahil napakabuti niya,+At napakakisig niya! Butil ang magpapalakas sa mga binata,At bagong alak naman sa mga dalaga.”+

Talababa

Lit., “pahingahan.”
O “tanggulan.”
Tiro.
Pinuno ng tribo.
O “maniniil.”
Lumilitaw na tumutukoy sa paghihirap ng bayan niya.
O “lalaking asno.”
O “at matagumpay; at iniligtas.”
Eufrates.
Gaya ng palaso.
Malamang na tumutukoy sa Sion.
Lit., “tatapakan.”
O “diadema.”

Study Notes

Media