Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

TANONG 10

Ano ang Ipinapangako ng Bibliya na Mangyayari sa Hinaharap?

“Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”

Awit 37:29

“Ang lupa ay mananatili magpakailanman.”

Eclesiastes 1:4

“Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at papahirin ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang mga luha sa lahat ng mukha.”

Isaias 25:8

“Sa panahong iyon, madidilat ang mga mata ng bulag, at mabubuksan ang mga tainga ng bingi. Sa panahong iyon, ang pilay ay tatalon gaya ng usa, at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa kagalakan. Bubukal ang tubig sa ilang, at ang mga ilog sa tigang na kapatagan.”

Isaias 35:5, 6

“Papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”

Apocalipsis 21:4

“Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon, at magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito. Hindi sila magtatayo pero iba ang titira, at hindi sila magtatanim pero iba ang kakain. Dahil ang mga araw ng bayan ko ay magiging gaya ng mga araw ng isang puno, at lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay.”

Isaias 65:21, 22