Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TANONG 7

Ano ang Inihula ng Bibliya Tungkol sa Panahon Natin?

“Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian . . . Ang lahat ng ito ay pasimula ng matinding paghihirap.”

Mateo 24:7, 8

“Marami ang magkukunwaring propeta at marami silang maililigaw; at dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.”

Mateo 24:11, 12

“Kapag nakarinig kayo ng ingay ng mga digmaan at ng mga ulat ng digmaan, huwag kayong matakot; kailangang mangyari ang mga ito, pero hindi pa ito ang wakas.”

Marcos 13:7

“Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya at taggutom sa iba’t ibang lugar. Makakakita ang mga tao ng nakakatakot na mga bagay, at magkakaroon ng mga tanda na kitang-kita sa langit.”

Lucas 21:11

“Sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat, walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan, taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos, at mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay.”

2 Timoteo 3:1-5