Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TANONG 6

Ano ang Inihula ng Bibliya Tungkol sa Mesiyas?

HULA

“Ikaw, O Betlehem Eprata, . . . sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala sa Israel.”

Mikas 5:2

KATUPARAN

“Matapos ipanganak si Jesus sa Betlehem ng Judea noong mga araw ng haring si Herodes, ang mga astrologo mula sa Silangan ay dumating sa Jerusalem.”

Mateo 2:1

HULA

“Pinaghahati-hatian nila ang damit ko, at pinagpapalabunutan nila ang kasuotan ko.”

Awit 22:18

KATUPARAN

“Nang si Jesus ay maipako na ng mga sundalo sa tulos, kinuha nila ang balabal niya at hinati sa apat . . . Kinuha rin nila ang damit niya. Pero wala itong dugtungan at hinabi mula sa itaas hanggang sa ibaba. Kaya sinabi nila sa isa’t isa: ‘Huwag natin itong punitin, kundi magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.’”

Juan 19:23, 24

HULA

“Binabantayan niya ang lahat ng kaniyang buto; walang isa man sa mga iyon ang nabali.”

Awit 34:20

KATUPARAN

“Paglapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang mga binti niya.”

Juan 19:33

HULA

“Sinaksak siya dahil sa mga kasalanan namin.”

Isaias 53:5

KATUPARAN

“Sinaksak ng sibat ng isa sa mga sundalo ang tagiliran ni Jesus, at agad na lumabas ang dugo at tubig.”

Juan 19:34

HULA

“Ibinigay nila ang aking kabayaran, 30 pirasong pilak.”

Zacarias 11:12, 13

KATUPARAN

“Pagkatapos, ang isa sa 12 apostol, na tinatawag na Hudas Iscariote, ay nagpunta sa mga punong saserdote at nagsabi: ‘Ano ang ibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip siya?’ Pinangakuan nila siya ng 30 pirasong pilak.”

Mateo 26:14, 15; 27:5