Nehemias 11:1-36

  • Dinagdagan ang nakatira sa Jerusalem (1-36)

11  Ang mga tagapamahala ng bayan ay nakatira sa Jerusalem.+ Pero ang iba pa sa bayan ay nagpalabunutan+ para ang 1 sa bawat 10 ay tumira sa Jerusalem, ang banal na lunsod; ang 9 na iba pa ay nanatili sa kani-kanilang lunsod. 2  At pinuri* ng bayan ang lahat ng lalaking nagboluntaryong tumira sa Jerusalem. 3  At ito ang mga prominenteng lalaki sa nasasakupang distrito* na tumira sa Jerusalem. (Ang lahat ng iba pa sa Israel—ang mga saserdote, mga Levita, mga lingkod sa templo,*+ at mga anak ng mga lingkod ni Solomon+—ay tumira sa iba pang lunsod ng Juda, bawat isa sa sarili niyang lupain sa kaniyang lunsod.+ 4  Tumira sa Jerusalem ang ilan mula sa tribo ni Juda at ni Benjamin.) Mula sa tribo ni Juda ay si Ataias na anak ni Uzias na anak ni Zacarias na anak ni Amarias na anak ni Sepatias na anak ni Mahalalel, na mula sa pamilya ni Perez;+ 5  at si Maaseias na anak ni Baruc na anak ni Colhoze na anak ni Hazaias na anak ni Adaias na anak ni Joiarib na anak ni Zacarias na anak ng Shelanita. 6  Ang lahat ng anak ni Perez na nakatira sa Jerusalem ay 468 malalakas na lalaki. 7  At ang mga ito ang mula sa tribo ni Benjamin: si Sallu+ na anak ni Mesulam na anak ni Joed na anak ni Pedaias na anak ni Kolaias na anak ni Maaseias na anak ni Itiel na anak ni Jesaias, 8  at kasama rin sina Gabai at Salai, 928; 9  at si Joel na anak ni Zicri ang tagapangasiwa nila sa lunsod, at ang ikalawa sa kaniya ay si Juda na anak ni Hasenua. 10  Mula sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jakin,+ 11  si Seraias na anak ni Hilkias na anak ni Mesulam na anak ni Zadok na anak ni Meraiot na anak ni Ahitub+ na iginagalang na lalaki sa bahay* ng tunay na Diyos, 12  at ang mga kapatid nilang naglilingkod sa templo, 822; at si Adaias na anak ni Jeroham na anak ni Pelalias na anak ni Amzi na anak ni Zacarias na anak ni Pasur+ na anak ni Malkias, 13  at ang kaniyang mga kapatid, mga ulo ng angkan, 242; at si Amashai na anak ni Azarel na anak ni Azai na anak ni Mesilemot na anak ni Imer, 14  at ang mga kapatid nilang malalakas at magigiting na lalaki, 128; at ang tagapangasiwa nila ay si Zabdiel, na galing sa prominenteng pamilya. 15  At mula sa mga Levita: si Semaias+ na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hasabias na anak ni Bunni, 16  at sina Sabetai+ at Jozabad,+ na kabilang sa mga ulo ng mga Levita, na nangangasiwa sa mga gawain sa labas ng bahay ng tunay na Diyos; 17  at ang konduktor sa pag-awit na nanguna sa pagbibigay ng papuri sa panahon ng panalangin+ na si Matanias,+ na anak ni Mikas na anak ni Zabdi na anak ni Asap,+ at si Bakbukias na pangalawa kay Matanias, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal na anak ni Jedutun.+ 18  Ang lahat ng Levita sa banal na lunsod ay 284. 19  At ang mga bantay ng pintuang-daan ay si Akub, si Talmon,+ at ang mga kapatid nila, 172. 20  Ang lahat ng iba pa sa Israel, pati sa mga saserdote at sa mga Levita, ay nasa iba pang lunsod ng Juda, bawat isa sa minana niyang lupain. 21  Ang mga lingkod sa templo*+ ay nakatira sa Opel,+ at sina Ziha at Gispa ang nangangasiwa sa mga lingkod sa templo.* 22  Ang tagapangasiwa ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias na anak ni Matanias+ na anak ni Mica, na mula sa pamilya ni Asap na mga mang-aawit; si Uzi ang nangangasiwa sa gawain sa bahay ng tunay na Diyos. 23  At naglabas ng utos ang hari para sa kapakanan ng mga mang-aawit,+ kaya inilalaan ang araw-araw na pangangailangan ng mga ito. 24  At ang tagapayo ng hari* sa bawat bagay na may kinalaman sa bayan ay si Petahias na anak ni Mesezabel na mula sa mga anak ni Zera na anak ni Juda. 25  Ang ilan mula sa tribo ni Juda ay tumira sa Kiriat-arba+ at sa katabing mga nayon nito,* sa Dibon at sa katabing mga nayon nito, sa Jekabzeel+ at sa katabing mga pamayanan nito, 26  sa Jesua, sa Molada,+ sa Bet-pelet,+ 27  sa Hazar-sual,+ sa Beer-sheba at sa katabing mga nayon nito, 28  sa Ziklag,+ sa Mecona at sa katabing mga nayon nito, 29  sa En-rimon,+ sa Zora,+ at sa Jarmut, 30  sa Zanoa,+ sa Adulam, at sa katabing mga pamayanan ng mga ito, sa Lakis+ at sa katabing mga bukid nito, at sa Azeka+ at sa katabing mga nayon nito. Tumira* sila mula sa Beer-sheba hanggang sa Lambak ng Hinom.+ 31  At ang tribo ni Benjamin ay nasa Geba,+ Micmash, Aija, Bethel+ at sa katabing mga nayon nito, 32  Anatot,+ Nob,+ Anania, 33  Hazor, Rama,+ Gitaim, 34  Hadid, Zeboim, Nebalat, 35  Lod, at Ono,+ ang lambak ng mga bihasang manggagawa. 36  At ang ilang grupo ng mga Levita na mula sa Juda ay tumira sa teritoryo ng Benjamin.

Talababa

O “pinagpala.”
Distritong sakop ng Medo-Persia.
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
O “templo.”
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
O “ang nasa tabi ng hari.”
O “sa mga nayong nakadepende rito.”
O “Nagkampo.”