Nehemias 12:1-47
12 Ito ang mga saserdote at mga Levita na sumama kay Zerubabel,+ na anak ni Sealtiel,+ at kay Jesua:+ sina Seraias, Jeremias, Ezra,
2 Amarias, Maluc, Hatus,
3 Secanias, Rehum, Meremot,
4 Ido, Ginetoi, Abias,
5 Mijamin, Maadias, Bilga,
6 Semaias, Joiarib, Jedaias,
7 Sallu, Amok, Hilkias, at Jedaias. Sila ang mga ulo ng mga saserdote at ng kanilang mga kapatid noong panahon ni Jesua.
8 Ang mga Levita ay sina Jesua, Binui, Kadmiel,+ Serebias, Juda, at Matanias.+ Si Matanias at ang mga kapatid niya ang nangasiwa sa pag-awit ng pasasalamat.
9 At ang mga kapatid nilang sina Bakbukias at Uni ay nakatayo sa tapat nila para magbantay.*
10 Naging anak ni Jesua si Joiakim, at naging anak ni Joiakim si Eliasib,+ at naging anak ni Eliasib si Joiada.+
11 At naging anak ni Joiada si Jonatan, at naging anak ni Jonatan si Jadua.
12 Noong panahon ni Joiakim, ito ang mga saserdote at mga ulo ng angkan: kay Seraias,+ si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;
13 kay Ezra,+ si Mesulam; kay Amarias, si Jehohanan;
14 kay Maluki, si Jonatan; kay Sebanias, si Jose;
15 kay Harim,+ si Adna; kay Meraiot, si Helkai;
16 kay Ido, si Zacarias; kay Gineton, si Mesulam;
17 kay Abias,+ si Zicri; kay Miniamin, . . . ;* kay Moadias, si Piltai;
18 kay Bilga,+ si Samua; kay Semaias, si Jehonatan;
19 kay Joiarib, si Matenai; kay Jedaias,+ si Uzi;
20 kay Salai, si Kalai; kay Amok, si Eber;
21 kay Hilkias, si Hasabias; at kay Jedaias, si Netanel.
22 Nakarekord kung sino ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita at mga saserdote mula noong panahon nina Eliasib, Joiada, Johanan, hanggang kay Jadua,+ noong paghahari ni Dario na Persiano.
23 Ang mga Levita na mga ulo ng angkan hanggang sa panahon ni Johanan na anak ni Eliasib ay nakarekord sa aklat ng kasaysayan.
24 Ang mga ulo ng mga Levita ay sina Hasabias, Serebias, at Jesua+ na anak ni Kadmiel,+ at ang mga kapatid nilang bantay ay nakatayo sa tapat nila nang grupo-grupo para magbigay ng papuri at magpasalamat ayon sa mga tagubilin ni David+ na lingkod ng tunay na Diyos.
25 Sina Matanias,+ Bakbukias, Obadias, Mesulam, Talmon, at Akub+ ay mga bantay ng pintuang-daan;+ binabantayan nila ang mga silid-imbakan na malapit sa pintuang-daan ng templo.
26 Naglingkod sila noong panahon ni Joiakim na anak ni Jesua+ na anak ni Jozadak at noong panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra+ na saserdote at tagakopya.*
27 Hinanap nila ang mga Levita sa lahat ng lugar na tinitirhan ng mga ito at tinipon sa Jerusalem para makisaya sa inagurasyon ng pader nito. Umawit sila ng pasasalamat+ at tumugtog ng mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa.
28 At ang mga anak ng mga mang-aawit* ay nagtipon-tipon mula sa distrito,* mula sa buong Jerusalem, mula sa mga pamayanan ng mga Netopatita,+
29 mula sa Bet-gilgal,+ at mula sa mga rehiyon sa palibot ng Geba+ at Azmavet,+ dahil ang mga mang-aawit ay bumuo ng sarili nilang mga pamayanan sa iba’t ibang lugar sa Jerusalem.
30 At pinabanal ng mga saserdote at ng mga Levita ang kanilang sarili, at pinabanal nila ang bayan,+ ang mga pintuang-daan,+ at ang pader.+
31 Pagkatapos, isinama ko ang mga pinuno ng Juda sa ibabaw ng pader. Nag-atas din ako ng dalawang malalaking koro* ng pasasalamat at ng grupong susunod sa bawat koro, at ang isang koro ay lumakad pakanan sa ibabaw ng pader papunta sa Pintuang-Daan ng mga Bunton ng Abo.+
32 Si Hosaias at ang kalahati sa mga pinuno ng Juda ay lumakad kasunod nila,
33 kasama sina Azarias, Ezra, Mesulam,
34 Juda, Benjamin, Semaias, at Jeremias.
35 Kasama rin nila ang ilang anak ng mga saserdote na humihihip ng trumpeta:+ si Zacarias na anak ni Jonatan na anak ni Semaias na anak ni Matanias na anak ni Micaias na anak ni Zacur na anak ni Asap,+
36 at ang mga kapatid niyang sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Netanel, Juda, at Hanani, na tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika na katulad ng ginamit ni David+ na lingkod ng tunay na Diyos; at si Ezra+ na tagakopya* ay nasa unahan nila.
37 Mula sa Pintuang-Daan ng Bukal,+ dumeretso sila at nadaanan ang Hagdanan+ ng Lunsod ni David+ sa paahong bahagi ng pader sa itaas ng Bahay ni David hanggang sa Pintuang-Daan ng Tubig+ sa silangan.
38 Ang isa pang koro ng pasasalamat ay lumakad sa kabilang direksiyon,* at sinundan ko iyon kasama ang isang grupo, sa ibabaw ng pader sa itaas ng Tore ng mga Pugon+ at nagpatuloy hanggang sa Malapad na Pader,+
39 Pintuang-Daan ng Efraim,+ Pintuang-Daan ng Matandang Lunsod,+ Pintuang-Daan ng mga Isda,+ Tore ni Hananel,+ Tore ng Mea, at Pintuang-Daan ng mga Tupa;+ at huminto sila sa Pintuang-Daan ng Bantay.
40 Pagkatapos, nakarating ang dalawang koro ng pasasalamat sa harap ng bahay ng tunay na Diyos; nakarating din ako at ang kalahati sa mga kinatawang opisyal na kasama ko,
41 pati na ang mga saserdoteng sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias, at Hananias, na mga humihihip ng trumpeta,
42 at sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malkias, Elam, at Ezer. At ang mga mang-aawit ay kumanta nang malakas sa pangangasiwa ni Izrahias.
43 Nang araw na iyon, naghandog sila ng maraming hain at nagdiwang+ dahil talagang pinasaya sila ng tunay na Diyos. Nagsaya rin ang mga babae at mga bata,+ kaya ang pagsasaya ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.+
44 Nang araw na iyon, nag-atas ng mga lalaking mangangasiwa sa mga imbakan+ para sa mga abuloy,+ mga unang bunga,+ at mga ikasampu.*+ Mula sa mga bukid ng mga lunsod, titipunin nila sa mga imbakang iyon ang mga bahaging hinihiling ng Kautusan+ para sa mga saserdote at mga Levita,+ dahil ang Juda ay nasisiyahan sa paglilingkod ng mga saserdote at mga Levita.
45 At pinasimulan nilang gampanan ang mga atas sa kanila ng Diyos at ang atas sa pagpapabanal, at gayon din ang ginawa ng mga mang-aawit at mga bantay ng pintuang-daan, ayon sa mga tagubilin ni David at ng anak niyang si Solomon.
46 Dahil noong panahon nina David at Asap, may mga konduktor para sa mga mang-aawit at awit ng papuri at pasasalamat sa Diyos.+
47 At noong panahon ni Zerubabel+ at noong panahon ni Nehemias, ang buong Israel ay nagbibigay ng pagkain sa mga mang-aawit+ at mga bantay ng pintuang-daan+ ayon sa araw-araw na pangangailangan ng mga ito. Nagbubukod din sila ng pagkain para sa mga Levita,+ at ang mga Levita naman para sa mga inapo ni Aaron.
Talababa
^ O posibleng “habang umaawit.”
^ Lumilitaw na may inalis na pangalan dito sa sinaunang mga kopya ng Hebreong Kasulatan.
^ O “eskriba.”
^ O “pompiyang.”
^ O “At ang sinanay na mga mang-aawit.”
^ Distrito sa palibot ng Jordan.
^ O “grupo ng mga mang-aawit.”
^ O “eskriba.”
^ O “sa harap.”
^ O “ikapu.”