PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
‘Alisin Ninyo ang mga Diyos ng mga Banyaga’
Alam ni Jacob na karapat-dapat si Jehova sa bukod-tanging debosyon, kahit hindi pa nagbibigay si Jehova ng batas tungkol sa idolatriya. (Exo 20:3-5) Kaya pagkatapos siyang pabalikin ni Jehova sa Bethel, inutusan ni Jacob ang lahat na alisin ang mga idolo. Inalis ni Jacob ang mga idolo, kasama na ang mga hikaw, na malamang na isinusuot bilang anting-anting. (Gen 35:1-4) Tiyak na natuwa si Jehova sa ginawa ni Jacob.
Paano naman natin maibibigay kay Jehova ang ating bukod-tanging debosyon? Iwasan ang mga bagay na may kaugnayan sa idolatriya o espiritismo. Kasama rito ang mga bagay na may kaugnayan sa okultismo pati na ang pagsusuring mabuti sa mga libangan natin. Kaya tanungin ang sarili: ‘Natutuwa ba ako sa mga aklat o pelikula na may mga bampira, zombie, o kababalaghan? Ang mga libangan ko ba ay may bahid ng mahika, pangkukulam, o sumpa?’ Dapat nating layuan ang mga bagay na kinapopootan ni Jehova.—Aw 97:10.
PANOORIN ANG VIDEO NA “LABANAN NINYO ANG DIYABLO.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Anong problema ang napaharap sa Bible study na si Palesa?
-
Bakit kailangang hingin ang tulong ng mga elder sa ganitong sitwasyon?
-
Kung gusto nating protektahan tayo ni Jehova, anong mga bagay ang dapat nating lubusang alisin?
-
Ano ang ginawa ni Palesa?
-
Sa lugar ninyo, ano ang ilang paraan para maiwasan ang impluwensiya ng mga demonyo?