Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tularan ang Tapat na Pag-ibig ni Jehova

Tularan ang Tapat na Pag-ibig ni Jehova

Si Jehova ang pinakamagandang halimbawa ng tapat na pag-ibig. (Aw 103:11) Ang ganitong pag-ibig ay hindi lang bugso ng damdamin na madaling mawala. Ang tapat na pag-ibig ay malalim at nagtatagal. Ipinakita ito ni Jehova sa mga Israelita sa maraming paraan. Pinalaya niya sila sa pagkaalipin sa Ehipto at dinala sa Lupang Pangako. (Aw 105:42-44) Nakipaglaban siya para sa bayan niya at paulit-ulit silang pinapatawad kapag nagkakasala sila. (Aw 107:19, 20) Kapag ‘pinag-iisipan nating mabuti ang tapat na pag-ibig na ipinapakita ni Jehova,’ napapakilos tayong tularan siya.​—Aw 107:43.

PANOORIN ANG VIDEO NA ‘PAG-ISIPANG MABUTI ANG TAPAT NA PAG-IBIG NA IPINAPAKITA NI JEHOVA.’ PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano natin maipapakita ang tapat na pag-ibig?

  • Bakit kailangan ng pagsasakripisyo sa pagpapakita ng tapat na pag-ibig?