Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kokkinakis v. Greece: Droit réservé

Paikot mula sa itaas sa kaliwa: West Virginia State Board of Education v. Barnette; Kokkinakis v. Greece; Taganrog LRO and Others v. Russia; Cha and Others v. South Korea

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita”

“Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita”

Nang tangkain ng mga kaaway na pahintuin ang muling pagtatayo ng templo, gumawa ng paraan ang mga Israelita para legal na maipagpatuloy ang pagtatayo. (Ezr 5:11-16) Nagsisikap din ang mga Kristiyano sa ngayon na ipagtanggol at legal na maitatag ang mabuting balita. (Fil 1:7) Dahil diyan, bumuo ng Legal Department sa pandaigdig na punong-tanggapan noong 1936. Sa ngayon, inoorganisa ng World Headquarters Legal Department ang pagtatanggol sa gawaing pang-Kaharian sa buong mundo. Paano natulungan ng department na ito ang bayan ng Diyos?

PANOORIN ANG VIDEO NA TOUR SA LEGAL DEPARTMENT SA PANDAIGDIG NA PUNONG-TANGGAPAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa anong legal na mga usapin napaharap ang mga Saksi ni Jehova?

  • Anong mga kaso ang naipanalo natin? Magbigay ng halimbawa

  • Ano ang puwedeng gawin ng bawat isa sa atin para ‘maipagtanggol at legal na maitatag’ ang mabuting balita?

  • Saan sa website natin makikita ang legal na mga usaping may kaugnayan sa bayan ng Diyos at ang listahan ng mga Saksi ni Jehova na nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya?