Ipinahayag ng Tapat na si Job ang Paghihirap ng Kaniyang Kalooban
Si Job ay naghirap, naulila, at nagkaroon ng malubhang sakit, ngunit nanatili siyang tapat. Kaya ginamit ni Satanas ang panghihina ng loob para sirain ang katapatan ni Job. Dumating ang kaniyang tatlong “kasamahan.” Una, kunwari ay nakikiramay sila. Pagkatapos, walang imik silang naupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw, at wala man lang binigkas ni isang salita ng pang-aliw. Ang sumunod na mga pananalita ay puro akusasyon.
Nanatiling tapat si Job kay Jehova sa kabila ng matinding panggigipit
-
Dahil sa matinding pamimighati, nagkaroon si Job ng maling pananaw. Inakala niya na walang pakialam ang Diyos kung mananatili siyang tapat o hindi
-
Dahil sa pagkasira ng loob, hindi na naisip ni Job ang iba pang posibleng dahilan kung bakit siya nagdurusa
-
Kahit nagdadalamhati, binanggit pa rin ni Job sa kaniyang mga tagapag-akusa ang pag-ibig niya kay Jehova