Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 11-15

Nagtitiwala si Job sa Pagkabuhay-Muli

Nagtitiwala si Job sa Pagkabuhay-Muli

Ipinahayag ni Job ang kaniyang pagtitiwala sa kakayahan ng Diyos na buhayin siyang muli

14:7-9, 13-15

  • Ginamit ni Job na halimbawa ang isang puno—marahil punong olibo—para ipakitang nagtitiwala siya sa kakayahan ng Diyos na buhayin siyang muli

  • Dahil ang mga ugat ng punong olibo ay tumatagos nang malalim sa lupa at gumagapang, tumutubo ito uli kahit putól na ang pinakakatawan. Hangga’t buháy ang mga ugat nito, muli itong sisibol

  • Kapag umulan matapos ang matinding tagtuyot, puwedeng mabuhay uli ang tuyong tuod ng olibo at magsibol ng mga “sanga na tulad ng bagong tanim”