PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tanggapin ang Ating mga Bisita
Sa Marso 23, mga 12 milyon o higit pa ang inaasahang dadalo sa Memoryal bilang ating mga bisita. Isang napakagandang patotoo ang matatanggap nila habang ipinaliliwanag ng tagapagsalita ang tungkol sa regalo ni Jehova na pantubos at ilang pagpapala sa hinaharap para sa sangkatauhan! (Isa 11:6-9; 35:5, 6; 65:21-23; Ju 3:16) Gayunman, hindi lang ang tagapagsalita ang magpapatotoo sa espesyal na okasyong iyon. Lahat tayo ay may bahagi sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap sa ating mga bisita. (Ro 15:7) Narito ang ilang mungkahi.
-
Sa halip na umupo na lang at maghintay hanggang sa magsimula ang programa, maging palakaibigan, ngumiti, at batiin ang mga bisita at mga di-aktibo
-
Habang inaasikaso ang mga inanyayahan mo, makipagkilala rin sa iba na maaaring naroon dahil nakatanggap sila ng imbitasyon sa panahon ng kampanya. Anyayahan silang maupo sa tabi mo. Ipagamit ang iyong Bibliya at aklat-awitan sa kanila
-
Pagkatapos ng pahayag, maging handang sagutin ang kanilang mga tanong. Kung limitado lang ang panahon dahil may ibang gagamit ng Kingdom Hall, iiskedyul na dalawin sila pagkatapos ng ilang araw. Kung hindi mo alam kung paano sila makokontak, puwede mong sabihin: “Gusto kong malaman kung ano ang masasabi mo tungkol sa programa. Paano kaya kita makokontak?”