Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 12-16

Nakalimutan ng Israel si Jehova

Nakalimutan ng Israel si Jehova

Binigyan si Jeremias ng isang mahirap na atas na naglalarawan sa determinasyon ni Jehova na magdala ng kapahamakan sa masuwaying Juda at Jerusalem

Kumuha si Jeremias ng isang sinturong lino

13:1, 2

  • Ang sinturon na inilalagay sa balakang ay sumasagisag sa pagkakataon ng bayan ng Diyos na magkaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova

Dinala ni Jeremias ang sinturon sa Ilog Eufrates

13:3-5

  • Itinago niya iyon sa isang awang ng malaking bato, at bumalik siya sa Jerusalem

Bumalik si Jeremias sa Ilog Eufrates para kuning muli ang sinturon

13:6, 7

  • Nasira ang sinturon

Ipinaliwanag ni Jehova ang mga bagay-bagay matapos gawin ni Jeremias ang atas

13:8-11

  • Ang taos-pusong pagsunod ni Jeremias sa isang atas na parang di-mahalaga ay nagpapakita ng pagsisikap ni Jehova na maabot ang puso ng mga tao