Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Turuan ang Estudyante na Maghanda

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Turuan ang Estudyante na Maghanda

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Kapag naghahanda ang mga Bible study, mas madali nilang naiintindihan at natatandaan ang itinuturo natin sa kanila. Dahil dito, mas mabilis silang susulong. Kahit bautisado na sila, kailangan pa rin nilang paghandaan ang mga pulong at ministeryo para ‘patuloy silang makapagbantay.’ (Mat 25:13) Kaya kung alam nila kung paano mag-aral at magkaroon ng magandang rutin sa pag-aaral, makikinabang sila habambuhay. Sa simula pa lang, dapat nating tulungan ang ating mga estudyante na magkaroon ng magandang kaugalian sa pag-aaral ng Bibliya.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Maging mabuting halimbawa. (Ro 2:21) Maghanda para sa bawat pag-aaral habang isinasaisip ang pangangailangan ng estudyante. (km 11/15 3) Ipakita sa kaniya ang publikasyon mo na may salungguhit

  • Pasiglahin siyang maghanda. Kapag regular na ang pag-aaral ninyo, sabihin sa kaniya na bahagi ng pag-aaral ang paghahanda, at ipaliwanag ang mga pakinabang nito. Magbigay ng mga mungkahi kung paano siya makapaglalaan ng panahon sa paghahanda. Ipinagagamit ng ilang guro sa estudyante nila ang kanilang publikasyon na may salungguhit para makita ng estudyante ang pakinabang ng paghahanda. Magbigay ng komendasyon kapag naghanda siya

  • Ipakita sa kaniya kung paano maghahanda. Sa simula pa lang, may ilang guro na gumagamit ng buong sesyon ng pag-aaral para ipakita sa estudyante nila kung paano maghahanda sa pag-aaral