MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Tulungan ang mga Bible Study na Magkaroon ng Malapít na Kaugnayan kay Jehova
Gusto ni Jehova na paglingkuran natin siya dahil mahal natin siya. (Mat 22:37, 38) Ang pag-ibig sa Diyos ang magpapakilos sa mga Bible study na gumawa ng mga pagbabago at manindigan kapag may mga problema. (1Ju 5:3) Ito rin ang magpapakilos sa kanila na magpabautismo.
Tulungan ang mga Bible study mo na makitang mahal sila ni Jehova. Tanungin sila: “Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol kay Jehova?” o “Paano nito ipinapakita na mahal ka ng Diyos?” Tulungan silang makita na personal silang tinutulungan ni Jehova. (2Cr 16:9) Ikuwento mo sa kanila kung paano sinagot ni Jehova ang espesipikong mga panalangin mo, at tulungan sila na makita kung paano rin sinasagot ni Jehova ang mga panalangin nila. Talagang magiging masaya tayo kapag naramdaman ng mga Bible study natin na mahal sila ni Jehova at lalo silang nagiging malapít sa kaniya.
PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA MAGKAROON NG MALAPÍT NA KAUGNAYAN KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Anong problema ang napaharap kay Joy?
-
Paano tinulungan ni Neeta si Joy?
-
Paano nalampasan ni Joy ang problema?