KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Kay Jehova ang Labanan”
Nakabase sa kaalaman at karanasan ang pananampalataya ni David kay Jehova (1Sa 17:36, 37; wp16.5 11 ¶2-3)
Ikinumpara ni David si Goliat kay Jehova, at hindi sa sarili niya (1Sa 17:45-47; wp16.5 11)
Tinulungan ni Jehova si David na manalo sa isang malakas na kaaway (1Sa 17:48-50; wp16.5 12 ¶4; tingnan ang larawan sa pabalat)
Kung minsan, napapaharap tayo sa mga hamon na gaya ng pag-uusig o masamang nakaugalian. Kung sa tingin natin ay napakalaki ng mga problema, tandaan na napakaliit lang ng mga ito kung ikukumpara sa walang-kapantay na kapangyarihan ni Jehova.—Job 42:1, 2.