PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tatlong Paraan Para Maipakitang Nagtitiwala Ka kay Jehova
Natalo ni David si Goliat kasi nagtiwala siya kay Jehova. (1Sa 17:45) Gustong ipakita ni Jehova ang lakas niya alang-alang sa lahat ng lingkod niya. (2Cr 16:9) Paano natin maipapakitang kay Jehova tayo nagtitiwala at hindi sa sarili nating mga karanasan o abilidad? Narito ang tatlong paraan:
-
Laging manalangin. Manalangin hindi lang para humingi ng tawad sa mga pagkakamali kundi para humingi rin ng lakas na malabanan ang tukso. (Mat 6:12, 13) Manalangin hindi lang para pagpalain ni Jehova ang mga desisyon na ginawa mo kundi para bigyan ka rin ng karunungan bago ka gumawa ng desisyon.—San 1:5
-
Regular na basahin at pag-aralan ang Bibliya. Magbasa ng Bibliya araw-araw. (Aw 1:2) Bulay-bulayin ang mga halimbawa sa Bibliya, at isabuhay ang mga natutuhan mo. (San 1:23-25) Maghanda para sa ministeryo at huwag umasa sa mga karanasan mo. Pag-aralan ang mga gagamitin sa pulong para talagang makinabang ka
-
Makipagtulungan sa organisasyon ni Jehova. Alamin ang bagong mga tagubilin ng organisasyon at sundin agad ang mga ito. (Bil 9:17) Makinig sa mga payo at tagubilin ng mga elder.—Heb 13:17
PANOORIN ANG VIDEO NA HUWAG MATAKOT SA PAG-UUSIG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
• Bakit natakot ang mga kapatid?
• Ano ang nakatulong sa kanila na madaig ang takot?