Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Tulungan ang mga Bible Study na Daigin ang Maruruming Bisyo

Tulungan ang mga Bible Study na Daigin ang Maruruming Bisyo

Magiging malapít lang ang isa kay Jehova kung malinis siya sa moral. (1Pe 1:14-16) Habang dinaraig ng isang Bible study ang maruruming bisyo, maiiwasan niya ang problema sa pamilya, kalusugan, at pinansiyal.

Ipaliwanag sa kaniya nang malinaw ang mga moral na pamantayan ni Jehova at kung bakit mabuting sundin ang mga iyon. Tulungan ang Bible study mo na mabago ang pag-iisip niya para masunod niya si Jehova. (Efe 4:22-24) Tiyakin sa kaniya na sa tulong ni Jehova, madadaig niya ang masamang bisyo. (Fil 4:13) Turuan siyang manalangin kapag natutukso siya. Tulungan siyang makita ang mga sitwasyon na puwede siyang malagay sa tukso. Pasiglahin siyang palitan ang bisyo niya ng magagandang gawain. Magiging masaya ka kapag nagbago ang Bible study mo sa tulong ni Jehova.

PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA DAIGIN ANG MARURUMING BISYO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano ipinakita ng mga elder at ni Neeta na may tiwala sila kay Joy?

  • Paano pa tinulungan ni Neeta si Joy?

  • Paano humingi ng tulong si Joy kay Jehova?