Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Turuan ang mga Bible Study na Magkaroon ng Personal na Pag-aaral

Turuan ang mga Bible Study na Magkaroon ng Personal na Pag-aaral

Para masapatan ang espirituwal na pangangailangan ng mga Bible study at sumulong sa pagkamaygulang, hindi sapat ang mga katotohanang itinuturo natin sa kanila. (Mat 5:3; Heb 5:12–6:2) Kailangan din nilang magkaroon ng personal na pag-aaral.

Sa simula pa lang, ipakita na sa Bible study mo kung paano maghahanda para sa bawat pag-aaral ninyo, at pasiglahin siyang gawin iyon. (mwb18.03 6) Himukin siyang manalangin bago siya mag-personal study. Tulungan siyang mag-research gamit ang ating website at iba pang tool. Tulungan siyang maging updated sa jw.org at sa JW Broadcasting®. Unti-unti, turuan siyang basahin ang Bibliya araw-araw, maghanda para sa mga pulong, at mag-research ng sagot sa mga tanong niya. Tulungan siyang bulay-bulayin ang mga natututuhan niya.

PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA MAGKAROON NG PERSONAL NA PAG-AARAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano itinuro ni Neeta kay Joy na ang pag-aaral ay hindi lang basta paghahanap ng mga sagot?

  • Ano ang nakakumbinsi kay Joy na tama ang pamantayan ni Jehova tungkol sa seksuwal na imoralidad?

  • Turuan ang Bible study mo kung paano mag-aaral at kung paano iyon patatagusin sa puso niya

    Ano ang natutuhan ni Joy tungkol sa pagbubulay-bulay?