Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Mungkahi Para Maging Kapaki-pakinabang ang Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan

Mga Mungkahi Para Maging Kapaki-pakinabang ang Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan

Gaya ng iba pang pulong ng kongregasyon, ang pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan ay inilaan ni Jehova para mapasigla tayong magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti sa isa’t isa. (Heb 10:24, 25) Dapat na lima hanggang pitong minuto lang ang haba nito, at kasama na dito ang pagpapartner, pag-aatas ng teritoryo, at panalangin. (Kung may naunang pulong bago nito, dapat na mas maikli pa ito.) Ang mangunguna ay dapat maghanda ng puntong makakatulong sa mga makikibahagi sa ministeryo sa araw na iyon. Halimbawa, kapag Sabado, baka marami sa mga makikibahagi sa ministeryo ang hindi pa ulit nakalabas mula noong nakaraang weekend. Kaya puwedeng talakayin kung ano ang magandang sabihin sa may-bahay. Ano pa ang mga puwedeng talakayin?

  • Sampol na pakikipag-usap mula sa Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong

  • Kung paano gagamitin ang isang balita na alam ng marami para makapagpasimula ng pag-uusap

  • Kung paano sasagutin ang isang karaniwang pagtutol

  • Kung paano tutugon sa isang ateista, ebolusyonista, isang tao na iba ang wika, o isang taong miyembro ng relihiyong hindi karaniwan sa teritoryo ninyo

  • Kung paano gagamitin ang isang feature ng website na jw.org, JW Library® app, o ng Bibliya

  • Kung paano gagamitin ang isang tool mula sa Toolbox sa Pagtuturo

  • Kung paano makikibahagi sa ibang anyo ng ministeryo, gaya ng telephone witnessing, letter writing, public witnessing, pagdalaw-muli, o pagba-Bible study

  • Paalala tungkol sa safety, pakikibagay, mabuting asal, pagiging positibo, at iba pa

  • Isang aralin o video mula sa brosyur na Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo

  • Kung paano papatibayin at tutulungan ang kapartner mo sa ministeryo

  • Isang tekstong may kaugnayan sa ministeryo o isang nakakapagpatibay na karanasan sa ministeryo