Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ESTHER 1-5

Nanindigan si Esther Para sa Bayan ng Diyos

Nanindigan si Esther Para sa Bayan ng Diyos

Nagpakita si Esther ng kahanga-hangang pananampalataya at lakas ng loob nang ipagtanggol niya ang bayan ng Diyos

  • Ang pagharap sa hari nang hindi ipinatatawag ay maaaring mangahulugan ng kamatayan. Hindi inanyayahan ng hari si Esther sa loob ng 30 araw

  • Si Haring Ahasuero, na ipinalalagay na si Jerjes I, ay marahas. Minsan, ipinag-utos niyang hatiin ang katawan ng isang tao at idispley ito bilang babala sa iba. Inalis din niya si Vasti sa pagiging reyna nang hindi ito sumunod sa kaniya

  • Kailangang isiwalat ni Esther na isa siyang Judio at kumbinsihin ang hari na dinaya ito ng pinagkakatiwalaan niyang tagapayo