Nagdusa si Kristo Para sa Atin
“Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao . . . Itinuring namin siya bilang sinalot, sinaktan ng Diyos at pinighati”
-
Si Jesus ay hinamak at pinaratangan ng pamumusong. Naniniwala ang ilan na pinarurusahan siya ng Diyos, na para bang sinasalot siya ng nakapandidiring sakit
“Si Jehova ay nalugod na siilin siya; . . . at sa kaniyang kamay ay magtatagumpay ang kinalulugdan ni Jehova”
-
Tiyak na nagdusa si Jehova nang makita niyang pinapatay ang kaniyang Anak. Pero masidhing kaluguran naman ang nadama niya nang makita niya ang ganap na katapatan ni Jesus. Ang kamatayan ni Jesus ay naging sagot sa hamon ni Satanas tungkol sa katapatan ng mga lingkod ng Diyos at nagdulot ng pagpapala sa mga nagsisisi. Nakatulong ito para matupad ang kalooban ni Jehova