Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tulungan ang Inyong Anak na Magkaroon ng Matibay na Pananampalataya sa Maylikha

Tulungan ang Inyong Anak na Magkaroon ng Matibay na Pananampalataya sa Maylikha

Ang paglalang ay naghahayag ng kaluwalhatian ni Jehova. (Aw 19:1-4; 139:14) Pero itinataguyod ng sanlibutan ni Satanas ang mga teoriya tungkol sa pinagmulan ng buhay na lumalapastangan sa Diyos. (Ro 1:18-25) Ano ang magagawa mo para hindi mag-ugat sa isip at puso ng mga anak mo ang gayong mga turo? Sa murang edad, tulungan mo na silang maglinang ng pananampalataya kay Jehova at maniwalang nagmamalasakit siya sa bawat isa sa kanila. (2Co 10:4, 5; Efe 6:16) Sikaping alamin kung ano ang saloobin nila sa mga natututuhan nila sa paaralan, at gamitin ang iba’t ibang pantulong natin para maabot ang kanilang puso.—Kaw 20:5; San 1:19.

PANOORIN ANG VIDEO NA ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN—PANINIWALA SA DIYOS, AT SAKA SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang sinasabi ng marami tungkol sa paniniwala sa Diyos?

  • Ano ang itinuturo sa eskuwelahan ninyo?

  • Bakit ka naniniwalang umiiral si Jehova?

  • Paano mo matutulungan ang iba na mangatuwirang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay?