Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Magsaya Kayo sa Pag-asa

Magsaya Kayo sa Pag-asa

Ang pag-asa ay parang angkla. (Heb 6:19) Tumutulong ito sa atin na huwag manghina sa espirituwal kapag napapaharap sa mga pagsubok na parang maunos na dagat. (1Ti 1:18, 19) Kabilang sa mga ito ang kabiguan, pagkawala ng ari-arian, matagal na pagkakasakit, pagkamatay ng mahal sa buhay, o iba pang bagay na nakaaapekto sa ating katapatan.

Dahil sa pananampalataya at pag-asa, malinaw nating nakikita ang mga pagpapala sa hinaharap. (2Co 4:16-18; Heb 11:13, 26, 27) Kaya sa langit man o sa lupa ang pag-asa natin, dapat nating patibayin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng regular na pagbubulay-bulay sa mga pangako sa Salita ng Diyos. Kapag nakaranas tayo ng mga pagsubok, mas madali na nating mapananatili ang ating kagalakan.—1Pe 1:6, 7.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGSAYA SA PAG-ASA, AT PAGKATAPOS AY SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit magandang tularan ang halimbawa ni Moises?

  • Ano ang responsibilidad ng isang ulo ng pamilya?

  • Anong mga paksa ang puwede ninyong pag-usapan sa inyong Pampamilyang Pagsamba?

  • Paano makatutulong ang pag-asa para maharap mo ang pagsubok nang may lakas ng loob?

  • Ano ang inaasam-asam mo sa hinaharap?