Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sampol na Presentasyon

Sampol na Presentasyon

GUMISING!

Tanong: Nakaaalarma ang pagdami ng mga tin-edyer na dumaranas ng depresyon. Sa palagay mo, may magagawa ba tayo?

Alok: May ilang mungkahi sa magasing ito kung paano mahaharap ng mga tin-edyer ang depresyon, at kung paano sila matutulungan ng kanilang mga magulang.

ITURO ANG KATOTOHANAN

Tanong: Paano magiging masaya ang pag-aasawa?

Teksto: Efe 5:33

Katotohanan: Nagiging maganda ang pagsasama ng mag-asawa kapag may pag-ibig at respeto sila sa isa’t isa.

THE ORIGIN OF LIFE—FIVE QUESTIONS WORTH ASKING (lf)

Tanong: Pagdating sa mahahalagang tanong gaya ng kung paano nagsimula ang buhay, saan kaya natin dapat ibatay ang ating paniniwala?

Teksto: Heb 11:1

Alok: Napansin mo ba ang pananalitang “malinaw na pagtatanghal ng mga katunayan,” o nakakukumbinsing ebidensiya? Tinatalakay sa brosyur na ito ang limang mahahalagang tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay, at ang ipinakikita ng mga ebidensiya.

GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON

Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.