Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Tanggapin ang Tulong ng mga Kapatid

Tanggapin ang Tulong ng mga Kapatid

Ginagamit ni Jehova ang mga kapatid natin para alalayan tayo. (1Pe 5:9) Matutulungan nila tayo na maharap ang mga hamon sa ministeryo. Halimbawa, malaki ang naitulong kay apostol Pablo nina Aquila at Priscila, Silas, Timoteo, at iba pa.​—Gaw 18:1-5.

Paano ka matutulungan ng mga kapatid sa ministeryo mo? Puwede silang makapagbigay ng mga tip kung paano mo sasagutin ang mga pagtutol, kung paano ka dadalaw-muli, o kung paano ka mag-aalok at magdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Sino sa mga kakongregasyon mo ang makakatulong sa iyo? Lapitan mo siya at humingi ka ng tulong. Siguradong pareho kayong mapapatibay at magiging masaya.​—Fil 1:25.

PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—TANGGAPIN ANG TULONG NI JEHOVA—ATING MGA KAPATID. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano niyaya ni Neeta si Joy na dumalo sa pulong?

  • Bakit dapat tayong magsama ng ibang kapatid sa Bible study natin?

  • Tulong-tulong ang buong kongregasyon sa paggawa ng isang alagad

    Ano ang parehong hilig nina Joy at Tita Abi?

  • Anong skill sa ministeryo ang puwedeng maituro sa iyo ng mga kapatid?