Sino ang Diyos?
Marami ang nagsasabing naniniwala sila sa Diyos. Pero kapag tinanong sila kung sino ang Diyos, iba-iba ang sagot nila. Para sa ilan, ang Diyos ay isang malupit na hukom, na ang gusto lang ay parusahan ang mga tao dahil sa kasalanan nila. Sa iba naman, siya ay laging maibigin at mapagpatawad, anuman ang gawin nila. Naniniwala naman ang iba na malayo ang Diyos at hindi siya interesado sa atin. Dahil sa iba’t ibang paniniwalang ito, baka isipin ng marami na imposible talagang makilala kung sino ang Diyos.
Mahalaga bang malaman kung sino ang Diyos? Oo naman. Kung mas makikilala mo ang Diyos, magkakaroon ng layunin at kahulugan ang buhay mo. (Gawa 17:26-28) Habang mas napapalapít ka sa kaniya, mas iibigin at tutulungan ka niya. (Santiago 4:8) Higit sa lahat, ang pagkakaroon ng tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos ay aakay sa buhay na walang hanggan.—Juan 17:3.
Paano mo makikilala ang Diyos? Isipin ang isang taong kilalang-kilala mo—ang iyong malapít na kaibigan. Paano lumalim ang pagkakaibigan ninyo? Malamang na inalam mo ang kaniyang pangalan, personalidad, mga gusto at di-gusto, mga nagawa na niya at mga plano pa niyang gawin, at iba pa. Naging malapít ka sa kaniya dahil nakilala mo siya.
Makikilala rin natin ang Diyos kung aalamin natin ang sumusunod:
Dinisenyo ang magasing ito para sagutin ang mga tanong na iyan gamit ang Bibliya. Tutulungan ka ng mga artikulo dito na makilala kung sino ang Diyos at makita kung paano makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya.