Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Sino o ano ang Diyablo?

SASABIHIN MO BANG ang Diyablo ay . . .

  • Isang espiritung persona?

  • Isang simbolo ng kasamaan?

  • Guniguni lang ng tao?

ANG SABI NG BIBLIYA

Kinausap at ‘tinukso’ ng Diyablo si Jesus. (Mateo 4:1-4) Kaya ang Diyablo ay hindi guniguni lang, ni isang simbolo ng kasamaan. Isa siyang masamang espiritung persona.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Sa simula, ang Diyablo ay isang banal na anghel, pero “hindi siya nanindigan sa katotohanan.” (Juan 8:44) Nagsinungaling siya at nagrebelde sa Diyos.

  • Ang iba pang anghel ay sumama sa pagrerebelde ni Satanas.—Apocalipsis 12:9.

  • Binubulag, o pinapaniwala, ng Diyablo ang maraming tao na hindi siya umiiral.—2 Corinto 4:4.

Kaya bang kontrolin ng Diyablo ang mga tao?

SINASABI NG ILAN na hindi totoong kayang kontrolin ng Diyablo ang mga tao, samantalang ang iba naman ay natatakot na sapian ng masasamang espiritu. Ano sa palagay mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (1 Juan 5:19) Talagang malaki ang impluwensiya ng Diyablo sa mga tao, pero hindi niya nakokontrol ang bawat tao.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Gumagamit ng pandaraya ang Diyablo para palawakin ang kaniyang impluwensiya.—2 Corinto 11:14.

  • May mga pagkakataong nakokontrol ng masasamang espiritu ang mga tao.—Mateo 12:22.

  • Sa tulong ng Diyos, maaari mong ‘salansangin ang Diyablo.’—Santiago 4:7.