Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kaharian ng Diyos—Ano Ito?

Kaharian ng Diyos—Ano Ito?

Ipinapanalangin ng maraming tao ang pagdating ng Kaharian ng Diyos. Pero naisip mo na ba kung ano ang Kaharian ng Diyos at kung ano ang gagawin nito?

ANG SABI NG BIBLIYA:

  • Ano ang Kaharian ng Diyos?

    Isa itong gobyerno sa langit at si Jesu-Kristo ang Hari.​—Isaias 9:6, 7; Mateo 5:3; Lucas 1:31-33.

  • Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos?

    Wawakasan nito ang lahat ng kasamaan at magdudulot ng walang-hanggang kapayapaan sa lupa.​—Daniel 2:44; Mateo 6:10.

  • Ano ang ibig sabihin ng unahin ang Kaharian?

    Ibig sabihin, kailangan nating suportahan ang Kaharian ng Diyos at magtiwala na ito ang gagamitin ng Diyos para matupad ang kalooban niya sa lupa.​—Mateo 6:33; 13:44.