Ano ang Pag-asa ng mga Patay?
Lahat tayo ay apektado ng kamatayan. Pero ito ba ang wakas ng lahat? Tuluyan na bang makakalimutan ang mga namatay? May pag-asa pa ba silang mabuhay-muli?
ANG SABI NG BIBLIYA:
HINDI NAKAKALIMUTAN ANG MGA NAMATAY
‘Ang lahat ng nasa mga libingan ay mabubuhay-muli.’—Juan 5:28, 29.
Hindi nalilimutan ng Diyos ang mga patay; ang mga nasa alaala niya ay mabubuhay-muli.
MAGKAKAROON NG PAGKABUHAY-MULI SA LUPA
“Bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.”—Gawa 24:15.
Bilyon-bilyon ang bubuhaying muli at may pag-asa silang mabuhay nang payapa magpakailanman.
KAPANI-PANIWALA ANG PAG-ASA SA PAGKABUHAY-MULI
“Binibilang [ng Diyos] ang mga bituin; tinatawag niya sa pangalan ang lahat ng ito.”—Awit 147:4.
Kung tinatawag ng Diyos ang lahat ng bituin ayon sa pangalan ng mga ito, mas kaya niyang alalahanin ang mga taong bubuhayin niyang muli.