Ginagamit Mo Ba Nang Tama ang Iyong Imahinasyon?
ANONG bagay ang tumitimbang nang mahigit lang sa isang kilo pero inilalarawan bilang “ang pinakamasalimuot na bagay na natuklasan natin sa uniberso”? Ang utak ng tao. Talagang kahanga-hanga ito. Habang dumarami ang nalalaman natin tungkol dito, lalong tumitindi ang pagpapahalaga natin sa ‘kamangha-manghang’ mga gawa ni Jehova. (Awit 139:14) Talakayin natin ang isa sa maraming kakayahan ng ating utak—imahinasyon.
Ano ba ang imahinasyon? Binigyang-kahulugan ito ng isang diksyunaryo bilang “ang kakayahan mong makabuo sa iyong isip ng mga larawan o ideya ng mga bagay na bago at kapana-panabik, o mga bagay na hindi mo pa nararanasan.” Batay sa kahulugang iyan, hindi ka ba sasang-ayon na lagi mong nagagamit ang iyong imahinasyon? Halimbawa, kahit hindi mo pa napupuntahan ang isang lugar pero may nabasa ka o nabalitaan tungkol dito, hindi ba kaya mo pa ring ilarawan sa isip mo ang hitsura ng lugar na iyon? Ang totoo, kapag iniisip natin ang isang bagay na hindi natin nakikita, naririnig, nalalasahan, nahihipo, o naaamoy, gumagana ang ating imahinasyon.
Ipinakikita ng Bibliya na tayo ay dinisenyo at nilalang ayon sa larawan ng Diyos. (Gen. 1:26, 27) Hindi ba ipinahihiwatig niyan na si Jehova mismo ay gumagamit ng imahinasyon? Dahil nilalang niya tayo na may ganitong kakayahan, makatuwiran lang na asahan niyang gagamitin natin ito para unawain ang kaniyang kalooban. (Ecles. 3:11) Kaya paano natin magagamit nang tama ang ating imahinasyon, at anong maling paggamit ng imahinasyon ang dapat nating iwasan?
MALING PAGGAMIT NG IMAHINASYON
(1) Pangangarap nang gisíng sa maling panahon o tungkol sa maling mga bagay.
Hindi naman maling mangarap nang gisíng. Sa katunayan, may patunay na kapaki-pakinabang din ito. Pero dahil sinasabi ng Eclesiastes 3:1 na may “panahon . . . para sa bawat pangyayari,” posibleng nakagagawa tayo ng ilang bagay sa maling panahon. Halimbawa, kapag lumilipad ang isip natin sa panahon ng pulong o personal na pag-aaral ng Bibliya, ang imahinasyon ba natin ay nakatutulong o nakasasagabal? Nagbabala mismo si Jesus tungkol sa panganib na maglaro sa isip natin ang maling mga bagay, gaya ng imoral na pagpapantasya. (Mat. 5:28) Ang ilang bagay na iniisip natin ay maaaring ikagalit ni Jehova. Ang imoral na pagpapantasya ay maaaring humantong sa paggawa ng imoralidad. Huwag kailanman hayaang mapalayo ka kay Jehova dahil sa iyong imahinasyon!
(2) Pag-aakalang magdudulot ng seguridad ang materyal na kayamanan.
Ang materyal na mga bagay ay mahalaga at kapaki-pakinabang. Pero kung iniisip nating ito ang magdudulot ng tunay na seguridad at kaligayahan, tiyak na mabibigo tayo. Sinabi ng marunong na si Solomon: “Ang mahahalagang pag-aari ng mayaman ay kaniyang matibay na bayan, at ang mga iyon ay gaya ng pananggalang Kaw. 18:11) Kuning halimbawa ang nangyari nang lumubog sa baha ang mahigit 80 porsiyento ng Maynila sa Pilipinas dahil sa malalakas na buhos ng ulan noong Setyembre 2009. Nakaiwas ba rito ang mga sagana sa materyal na bagay? Isang mayamang lalaki na nawalan ng maraming ari-arian ang nagsabi na walang pinipili ang baha, at nagdulot ito ng “hirap at pagdurusa kapuwa sa mayayaman at sa mahihirap.” Madali ngang isiping magdudulot ng tunay na proteksiyon at seguridad ang materyal na mga bagay. Pero hindi iyon totoo.
na pader sa kaniyang guniguni.” ((3) Pag-aalala sa mga bagay na baka hindi naman mangyari.
Pinayuhan tayo ni Jesus na huwag masyadong “mabalisa.” (Mat. 6:34) Kapag tayo ay laging nababalisa, o nag-aalala, kung ano-ano ang pumapasok sa isip natin. Mapapagod lang tayo sa pag-aalala sa mga problemang iniisip natin, na hindi pa naman nangyayari o hindi talaga mangyayari. Sinabi sa Kasulatan na ang gayong pagkabalisa ay maaaring humantong sa pagkasira ng loob at depresyon pa nga. (Kaw. 12:25) Napakahalaga ngang ikapit ang payo ni Jesus na huwag masyadong mag-alala at harapin ang problema kapag nariyan na.
TAMANG PAGGAMIT NG IMAHINASYON
(1) Isipin ang posibleng panganib at iwasan iyon.
Hinihimok tayo ng Kasulatan na maging matalino at mag-isip nang patiuna. (Kaw. 22:3) Gamit ang ating imahinasyon, puwede nating isipin ang maaaring maging resulta ng mga desisyon bago pa man natin gawin iyon. Halimbawa, kapag naimbitahan ka sa isang okasyon, paano makatutulong ang iyong imahinasyon para makapagdesisyon ka nang tama kung pupunta ka o hindi? Matapos isaalang-alang kung sino ang mga inimbita, kung gaano karami ang pupunta, at kung saan at kailan iyon gaganapin, isipin: ‘Ano kaya ang posibleng mangyari doon?’ Sa tingin mo, magiging nakapagpapatibay kaya ang okasyong iyon at makasusunod sa mga simulain ng Bibliya? Sa ganitong paraan, makikini-kinita mo ang mangyayari sa okasyong iyon. Ang paggamit ng iyong imahinasyon para makapagdesisyon nang tama ay tutulong sa iyo na makaiwas sa mga sitwasyong makasisira sa iyong espirituwalidad.
(2) Praktisin sa isip kung paano haharapin ang mabibigat na problema.
Bahagi rin ng imahinasyon ang “kakayahang harapin ang problema.” Ipagpalagay nang hindi kayo nagkaintindihan ng kakongregasyon mo. Paano mo lalapitan ang kapatid na Kaw. 15:28) Ang gayong pinag-isipang pagharap sa isang mahirap na sitwasyon ay makapagpapanatili ng kapayapaan sa kongregasyon. Iyan ang tamang paggamit ng imahinasyon.
iyon para makipagpayapaan? Maraming dapat isaalang-alang. Paano ba siya makipag-usap? Kailan kaya ang pinakatamang panahon para pag-usapan ninyo ang problema? Anong mga salita at tono ng boses ang pinakamabuting gamitin? Kapag ginamit mo ang iyong imahinasyon, mapapraktis mo sa iyong isip ang iba’t ibang paraan ng pagharap sa sitwasyon at mapipili mo ang pinakamabisa at madali niyang tanggapin. ((3) Pasulungin ang iyong personal na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya.
Napakahalagang magbasa ng Bibliya araw-araw. Pero higit pa riyan ang kailangan. Kailangan nating unawain ang praktikal na mga aral mula sa mga pahina ng Bibliya at maudyukan na ikapit ang mga iyon sa ating buhay. Kailangan nating palalimin ang pagpapahalaga natin sa mga pamantayan ni Jehova sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya. Makatutulong dito ang ating imahinasyon. Paano? Isaalang-alang ang publikasyong Tularan ang Kanilang Pananampalataya. Kapag binabasa natin ang mga ulat sa aklat na ito, pinagagana nito ang ating imahinasyon at nailalarawan natin sa isip ang tagpo at pinagmulan ng bawat karakter sa Bibliya. Tutulungan tayo nitong makita ang mga pangyayari, marinig ang mga tunog, maamoy ang paligid, at maunawaan ang damdamin ng mga karakter. Bilang resulta, makikita natin ang magaganda at nakapagpapatibay na aral mula sa mga ulat ng Bibliya na sa akala natin ay alam na alam na natin. Ang paggamit ng imahinasyon sa ganitong paraan habang binabasa at pinag-aaralan natin ang Bibliya ay tutulong para maging kapaki-pakinabang ito.
(4) Linangin at ipakita ang empatiya.
Ang empatiya ay isang magandang katangian—ang pagkadama sa kirot na nadarama ng iba. Si Jehova at si Jesus ay nagpakita ng empatiya, at dapat lang na tularan natin sila. (Ex. 3:7; Awit 72:13) Paano natin malilinang ang katangiang ito? Ang isang mabisang paraan ay ang paggamit ng ating imahinasyon. Maaaring hindi pa natin nararanasan ang dinaranas ng isang kapananampalataya. Pero puwede mong itanong sa sarili: ‘Kung ako ang nasa gayong sitwasyon, ano kaya ang madarama ko? Ano ang kakailanganin ko?’ Ang paggamit ng imahinasyon para masagot ang mga tanong na iyan ay tutulong sa atin na maging mas madamayin. Oo, mapasusulong natin ang bawat aspekto ng ating pamumuhay bilang Kristiyano, lakip na ang ating ministeryo at pakikitungo sa iba pang Kristiyano, kapag nagpapakita tayo ng empatiya.
(5) Ilarawan sa isip ang magiging buhay sa bagong sanlibutan.
Napakalinaw at detalyado ang pagkakalarawan ng Kasulatan sa magiging buhay natin sa bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos. (Isa. 35:5-7; 65:21-25; Apoc. 21:3, 4) Ang ating mga publikasyon naman ay gumagamit ng magagandang larawan. Bakit kaya? Dahil ang mga larawan ay nakapupukaw ng ating imahinasyon kung kaya parang nakikita natin ang ating sarili na nasisiyahan sa katuparan ng ipinangakong mga pagpapalang ito. Si Jehova, na Maylalang ng imahinasyon, ang higit na nakaaalam kung gaano talaga kaepektibo ang kakayahang iyan. Kapag iniisip natin ang Kaniyang mga pangako gamit ang imahinasyon, lalo tayong makapagtitiwalang matutupad ang mga iyon at makapananatili tayong tapat sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Ibinigay sa atin ni Jehova ang kahanga-hangang kakayahang ito—ang imahinasyon. Talagang makatutulong ito sa atin para lubos siyang mapaglingkuran sa araw-araw. Pahalagahan sana natin ang Tagapagbigay ng napakagandang regalong ito sa pamamagitan ng tamang paggamit dito sa bawat araw.