ARALING ARTIKULO 34
Mag-adjust sa Bagong Atas
“Matuwid ang Diyos, kaya hindi niya lilimutin ang mga ginawa ninyo at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa pangalan niya.”—HEB. 6:10.
AWIT 38 Tutulungan Ka Niya
NILALAMAN *
1-3. Ano ang ilang dahilan kung bakit nagbabago ang atas ng mga nasa buong-panahong paglilingkod?
“PAGKATAPOS ng 21-taóng masayang paglilingkod bilang misyonero, parehong nagkasakit ang mga magulang namin,” ang sabi nina Robert at Mary Jo. “Masaya naman kaming alagaan sila. Pero masakit iwan ang lugar na masyado nang napamahal sa amin.”
2 “Nang malaman naming hindi na kami makakabalik sa atas namin dahil sa aming sakit, napaiyak kami,” ang sabi nina William at Terrie. “Tapós na ang pangarap naming maglingkod kay Jehova sa ibang bansa.”
3 “Alam naming gustong ipasara ng mga mang-uusig ang tanggapang pansangay,” ang sabi ni Aleksey. “Pero nagulat pa rin kami nang mangyari ito at mapilitan kaming umalis sa Bethel.”
4. Ano-anong tanong ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
4 Gayundin, nakatanggap ng bagong atas ang libo-libong nasa buong-panahong paglilingkod, kasama na ang mga Bethelite. * Malamang na mahirap para sa tapat na mga kapatid nating ito na iwan ang atas na napamahal na sa kanila. Ano ang makakatulong sa kanila na makapag-adjust sa pagbabagong ito? Paano mo sila matutulungan? Ang sagot sa mga tanong na ito ay makakatulong sa ating lahat kapag may mga pagbabago rin sa kalagayan natin.
KUNG PAANO HAHARAPIN ANG PAGBABAGO
5. Paano posibleng makaapekto sa atin ang pagbabago ng atas?
5 Naglilingkod man tayo sa field o sa Bethel, napapamahal sa atin ang mga tao at kahit ang mismong lugar na pinaglilingkuran natin. Kaya napakasakit iwan ang atas natin. Nami-miss natin ang mga kapatid, at nag-aalala tayo para sa kanila, lalo na kung kinailangan nating umalis dahil sa pag-uusig. (Mat. 10:23; 2 Cor. 11:28, 29) Gayundin, malamang na mahirap magpunta sa ibang lugar at mag-adjust sa panibagong kultura. Posible ring mahirapan tayo kung babalik tayo sa lugar na pinanggalingan natin. “Hindi na kami sanay sa sarili naming kultura, kahit sa pangangaral sa sarili naming wika,” ang sabi nina Robert at Mary Jo. “Pakiramdam namin dayuhan kami sa sarili naming bansa.” Puwede ring magkaproblema sa pera ang mga nagkaroon ng pagbabago sa atas. Baka masyado silang mag-alala at masiraan ng loob. Ano ang makakatulong sa kanila?
6. Paano tayo mananatiling malapít kay Jehova?
6 Manatiling malapít kay Jehova. (Sant. 4:8) Paano natin ito magagawa? Magtiwalang siya ang “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) “Ibuhos ninyo sa kaniya ang laman ng puso ninyo,” ang sabi ng Awit 62:8. Magagawa ni Jehova “ang mga bagay na di-hamak na nakahihigit sa lahat ng mahihiling o maiisip natin.” (Efe. 3:20) Ibibigay niya hindi lang ang ipinapanalangin natin. Puwede rin niyang gawin ang hindi natin inaasahan at solusyunan ang problema natin sa paraang higit pa sa maiisip natin.
7. (a) Ano ang makakatulong sa atin para manatiling malapít kay Jehova? (b) Ayon sa Hebreo 6:10-12, ano ang resulta kung patuloy tayong maglilingkod kay Jehova nang tapat?
7 Para manatiling malapít kay Jehova, basahin ang Bibliya araw-araw at bulay-bulayin ito. Sinabi ng isang dating misyonero: “Panatilihing regular ang inyong pampamilyang pagsamba at paghahanda sa pulong, gaya ng dati pa ninyong ginagawa bago nagbago ang atas n’yo.” Gayundin, patuloy na maging abala sa pangangaral ng mabuting balita sa bago ninyong kongregasyon. Hindi kalilimutan ni Jehova ang mga nananatiling tapat sa paglilingkod sa kaniya, kahit limitado na lang ang nagagawa nila kumpara sa dati.—Basahin ang Hebreo 6:10-12.
8. Paano makakatulong ang 1 Juan 2:15-17 para mapanatili mong simple ang iyong buhay?
Mat. 13:22) Huwag magpadala sa pressure ng sanlibutan o ng mga kaibigan o kapamilya na nagsasabing kailangan mo ng maraming pera para gumanda ang buhay mo. (Basahin ang 1 Juan 2:15-17.) Magtiwala kay Jehova. Nangangako siyang ilalaan niya ang lahat ng ating espirituwal, emosyonal, at materyal na pangangailangan “sa tamang panahon.”—Heb. 4:16; 13:5, 6.
8 Panatilihing simple ang buhay. Huwag mong hayaang humadlang sa paglilingkod mo kay Jehova ang mga kabalisahan sa sanlibutan ni Satanas. (9. Ayon sa Kawikaan 22:3, 7, bakit mahalagang iwasan ang di-kinakailangang pag-utang, at ano ang makakatulong sa atin na makapagdesisyon nang tama?
9 Iwasang umutang kung hindi kailangan. (Basahin ang Kawikaan 22:3, 7.) Magastos ang lumipat, at puwede kang mabaon sa utang. Para maiwasan ito, huwag mangutang para lang makabili ng mga gamit na hindi naman kailangan. Kapag nasa mahirap tayong sitwasyon, halimbawa, kung nag-aalaga tayo ng maysakit na mahal sa buhay, baka mahirapan tayong magpasiya kung gaano kalaking halaga ang uutangin natin. Sa ganitong sitwasyon, tandaan na ang “panalangin at pagsusumamo” ay makakatulong para makagawa ka ng tamang desisyon. Bilang sagot sa iyong panalangin, bibigyan ka ni Jehova ng kapayapaang ‘magbabantay sa iyong puso at isip.’ Tutulong iyan sa iyo na maging kalmado at makapag-isip nang mabuti.—Fil. 4:6, 7; 1 Ped. 5:7.
10. Paano tayo magkakaroon ng mga bagong kaibigan?
10 Manatiling malapít sa mabubuting kaibigan. Sabihin ang iyong nararamdaman at mga pinagdaraanan sa iyong mga kaibigan, lalo na sa mga nakaranas ng sitwasyon mo. Kapag ginawa mo iyan, gagaan ang pakiramdam mo. (Ecles. 4:9, 10) Siyempre, kaibigan mo pa rin ang mga naging kaibigan mo sa dati mong atas. Pero sa bago mong atas, kailangan mong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Tandaan na para magkaroon ka ng kaibigan, kailangan mong maging palakaibigan. Paano? Ikuwento mo ang magagandang karanasan mo para maramdaman nilang masaya ka sa paglilingkod kay Jehova. Kahit hindi maintindihan ng ilang kapatid kung gaano mo kamahal ang buong-panahong paglilingkod, ang iba ay maaaring matuwa sa iyo at maging kaibigan mo. Pero huwag namang puro sarili mo at mga nagawa mo ang ikuwento mo, at huwag mo rin laging babanggitin ang iyong mga negatibong nararamdaman.
11. Paano ninyo mapapanatiling masaya ang pagsasama ninyong mag-asawa?
11 Kung kinailangan ninyong iwan ang inyong atas dahil nagkasakit ang asawa mo, huwag mo siyang sisihin. At kung ikaw naman ang nagkasakit, huwag kang ma-guilty at mag-isip na binigo Mat. 19:5, 6) Kung iniwan ninyo ang inyong atas dahil nagkaanak kayo nang wala sa plano, tiyakin sa inyong anak na mas mahalaga siya kaysa sa dati ninyong atas. Lagi ninyong sabihin sa kaniya na itinuturing ninyo siyang “gantimpala” mula sa Diyos. (Awit 127:3-5) At ikuwento rin sa kaniya ang magagandang karanasan ninyo noon sa inyong atas. Sa ganitong paraan, mapapatibay ninyo ang inyong anak na gamitin ang buhay niya sa masayang paglilingkod kay Jehova gaya ninyo.
mo ang asawa mo. Tandaan, “isang laman” kayo, at nangako kayo kay Jehova na aalagaan ninyo ang isa’t isa anuman ang mangyari. (KUNG PAANO MAKAKATULONG ANG IBA
12. (a) Paano natin matutulungan ang mga nasa buong-panahong paglilingkod na makapagpatuloy sa kanilang atas? (b) Paano natin sila matutulungang makapag-adjust sa bago nilang atas?
12 Nakakatuwa, maraming kongregasyon at mga indibidwal ang tumutulong sa abot ng kanilang makakaya para makapanatili sa atas ang mga nasa buong-panahong paglilingkod. Pinapatibay nila ang mga ito na magpatuloy sa paglilingkod, nagbibigay sila ng pinansiyal o materyal na tulong, o inaasikaso nila ang kapamilya ng mga ito. (Gal. 6:2) Kung mapunta sa kongregasyon ninyo ang mga nasa buong-panahong paglilingkod dahil sa pagbabago ng atas, huwag isiping nabigo sila sa dati nilang atas o nadisiplina pa nga. * Sa halip, tulungan silang makapag-adjust. Mainit silang tanggapin at komendahan sa mga nagagawa nila, kahit nalilimitahan na sila ng mahinang kalusugan. Kilalanin sila. Marami kang matututuhan sa kanila—sa kanilang kaalaman, pagsasanay, at karanasan.
13. Paano tayo makakatulong sa mga nakakatanggap ng bagong atas?
* At hindi man nila sinasabi, baka nalulungkot din sila dahil nami-miss nila ang kanilang mga kaibigan sa dati nilang atas. Talagang mahihirapan ang kalooban nila kapag nagkasabay-sabay iyan. Panahon ang kailangan para malampasan nila ito.
13 Sa umpisa, ang mga nakatanggap ng bagong atas ay baka mangailangan ng tulong mo sa paghanap ng matitirhan at trabaho, sa transportasyon, at sa iba pa nilang pangangailangan. Baka kailangan din nila ng impormasyon tungkol sa iba pang bagay, gaya ng pagbabayad ng buwis at pagkuha ng insurance. Ang pinakamahalaga, kailangan nila ng pang-unawa, hindi awa. Baka nahihirapan sila sa sakit nila o sa pagkakasakit ng kanilang kapamilya. Baka nagdadalamhati sila sa pagkamatay ng mahal sa buhay.14. Paano nakatulong ang mga kapatid sa isang sister para makapag-adjust sa bago niyang atas?
14 Samantala, makakatulong ang iyong suporta at halimbawa para makapag-adjust sila. “Sa dati kong atas, araw-araw akong nakakapagdaos ng Bible study,” ang sabi ng isang sister na naglingkod nang maraming taon sa ibang bansa. “Sa atas ko ngayon, hindi man lang ako makapagbukas ng Bibliya o makapagpapanood ng video sa ministeryo. Pero isinasama ako ng mga bago kong kakongregasyon sa kanilang pagdalaw-muli at mga Bible study. Kapag nakikita ko ang sigasig at lakas ng loob ng mga kapatid sa pagdaraos ng progresibong pag-aaral sa Bibliya, nagiging positibo ang tingin ko sa teritoryo. Natuto akong makapagpasimula ng pag-uusap sa teritoryo namin. Lahat ng ito ay nakatulong para maging masaya ulit ako.”
PATULOY NA GAWIN ANG IYONG BUONG MAKAKAYA!
15. Paano ka magtatagumpay sa bago mong atas?
15 Puwede kang magtagumpay sa atas mo ngayon. Huwag mong isiping nabigo ka sa dati mong atas at wala ka nang gaanong halaga. Isipin kung paano ka tinutulungan ni Jehova ngayon, at patuloy kang mangaral. Tularan ang Gawa 8:1, 4) Kung patuloy kang mangangaral, magkakaroon ka ng magagandang karanasan sa ministeryo. Halimbawa, ang mga payunir na pinaalis sa isang bansa ay lumipat sa kalapít na bansa na malaki rin ang pangangailangan sa kanilang wika. Sa loob lang ng ilang buwan, mabilis na dumami ang mga miyembro ng mga bagong grupo sa wikang iyon.
tapat na mga Kristiyano noong unang siglo. Kahit nasaan sila, ‘inihahayag nila ang mabuting balita ng salita ng Diyos sa buong lupain.’ (16. Paano ka magkakaroon ng kagalakan sa bago mong atas?
16 “Ang kagalakang nagmumula kay Jehova ang inyong lakas.” (Neh. 8:10, tlb.) Ang kagalakan natin ay pangunahin nang dapat magmula kay Jehova, hindi sa atas natin, gaano man natin ito kamahal. Kaya manatiling malapít kay Jehova at umasa sa kaniyang tulong, karunungan, at patnubay. Tandaan na minahal mo ang dati mong atas dahil ibinigay mo ang iyong buong makakaya para makatulong sa iba. Kaya ibigay mo rin ang iyong buong makakaya sa bago mong atas at tingnan kung paano ka tutulungan ni Jehova na mahalin din ito.—Ecles. 7:10.
17. Ano ang dapat nating tandaan sa atas natin ngayon?
17 Dapat nating tandaan na ang paglilingkod natin kay Jehova ay walang hanggan, pero ang atas natin ngayon ay pansamantala lang. Sa bagong sanlibutan, lahat tayo ay puwedeng magkaroon ng bagong atas. Naniniwala si Aleksey, na binanggit kanina, na ang mga nararanasan niya ngayon ay tutulong sa kaniya na mapaghandaan ang mga pagbabago sa hinaharap. “Alam ko namang totoo si Jehova at ang bagong sanlibutan, pero pakiramdam ko noon, malayo pa rin siya at ang katuparan ng pangako niya,” ang sabi ni Aleksey. “Ngayon, parang nasa harapan ko na si Jehova at napakalapit na ng bagong sanlibutan.” (Gawa 2:25) Anuman ang atas natin, manatiling malapít kay Jehova. Hinding-hindi niya tayo iiwan, kundi tutulungan niya tayong maging masaya sa paggawa ng ating buong makakaya sa paglilingkod sa kaniya—saanman tayo atasan.—Isa. 41:13.
AWIT 90 Patibayin ang Isa’t Isa
^ par. 5 Kung minsan, baka kailangang iwan ng mga kapatid na nasa buong-panahong paglilingkod ang atas nila, o baka makatanggap sila ng bagong atas. Tatalakayin sa artikulong ito ang mga hamong kinakaharap nila at kung ano ang makakatulong sa kanila para makapag-adjust. Tatalakayin din dito ang magagawa ng iba para mapatibay at matulungan sila, pati na ang mga prinsipyong makakatulong sa ating lahat na manatiling masaya kahit may mga pagbabago.
^ par. 4 Bukod diyan, pagtuntong sa isang espesipikong edad, maraming elder ang nagbigay na ng kanilang mga pananagutan sa nakababatang mga elder. Tingnan ang artikulong “Mga May-edad Nang Brother—Pinahahalagahan ni Jehova ang Inyong Katapatan,” sa Ang Bantayan ng Setyembre 2018, at “Panatilihin ang Panloob na Kapayapaan sa Kabila ng mga Pagbabago,” sa Ang Bantayan ng Oktubre 2018.
^ par. 12 Ang mga elder sa pinanggalingang kongregasyon ng mga nasa buong-panahong paglilingkod ay dapat gumawa agad ng liham ng pagpapakilala para makapaglingkod agad ang mga ito bilang payunir, elder, o ministeryal na lingkod.
^ par. 13 Tingnan ang seryeng “Tulong Para sa mga Nagdadalamhati,” sa Gumising! ng 2018, Blg. 3.
^ par. 57 LARAWAN: Kailangang iwan ng mag-asawa ang kanilang atas bilang misyonero sa ibang bansa. Malungkot silang nagpapaalam sa kanilang kongregasyon.
^ par. 59 LARAWAN: Noong makabalik sila sa bansa nila, patuloy na ipinapanalangin ng mag-asawa na tulungan sila ni Jehova na makayanan ang mga hamong kinakaharap nila.
^ par. 61 LARAWAN: Sa tulong ni Jehova, nakabalik sila sa buong-panahong paglilingkod. Ginagamit nila ang wikang natutuhan nila bilang misyonero para makapangaral sa mga dayuhan sa bago nilang teritoryo.