ARALING ARTIKULO 32
Maging Mapagpakumbaba sa Paglakad na Kasama ng Diyos
“Maging mapagpakumbaba sa paglakad na kasama ng iyong Diyos!”—MIK. 6:8.
AWIT 31 Lumakad na Kasama ng Ating Diyos
NILALAMAN *
1. Ano ang sinabi ni David tungkol sa kapakumbabaan ni Jehova?
MASASABI ba talaga nating mapagpakumbaba si Jehova? Oo naman! Sinabi ni David: “Ibinibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan, at nagiging dakila ako dahil sa iyong kapakumbabaan.” (2 Sam. 22:36; Awit 18:35) Posibleng naalala ni David ang araw noong pumunta si propeta Samuel sa bahay ng tatay ni David para pahiran ng langis ang susunod na hari ng Israel. Si David ang bunso sa walong magkakapatid na lalaki; pero siya ang pinili ni Jehova para pumalit kay Haring Saul.—1 Sam. 16:1, 10-13.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
2 Tiyak na sang-ayon si David sa sinabi ng salmista tungkol kay Jehova: “Yumuyuko siya para tumingin sa langit at sa lupa, at ibinabangon niya ang hamak mula sa alabok. Hinahango niya ang dukha . . . para paupuin ito kasama ng mga prominenteng tao.” (Awit 113:6-8) Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilang mahahalagang aral tungkol sa kapakumbabaang ipinakita ni Jehova. Aalamin din natin kung ano ang matututuhan natin kay Haring Saul, kay propeta Daniel, at kay Jesus tungkol sa kapakumbabaan.
ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN SA HALIMBAWA NI JEHOVA?
3. Paano tayo pinapakitunguhan ni Jehova, at ano ang pinapatunayan nito?
3 Pinapatunayan ng pakikitungo ni Jehova sa di-perpektong mga tao na mapagpakumbaba siya. Hindi niya lang tinatanggap ang pagsamba natin, itinuturing niya rin tayong mga kaibigan. (Awit 25:14) Para maging posible ang pakikipagkaibigan kay Jehova, ibinigay niya ang kaniyang Anak bilang hain para sa mga kasalanan natin. Talagang maawain at mapagmalasakit si Jehova!
4. Ano ang ibinigay sa atin ni Jehova, at bakit?
4 Tingnan ang isa pang patunay na mapagpakumbaba si Jehova. Bilang ating Maylalang, puwede sanang nilalang niya tayo nang walang kakayahang pumili ng gusto natin. Pero hindi niya iyon ginawa. Ginawa niya tayo ayon sa kaniyang larawan, at binigyan niya tayo ng kalayaang magpasiya. Gusto niyang maglingkod tayo sa kaniya dahil mahal natin siya at alam natin ang pakinabang ng pagsunod sa kaniya. (Deut. 10:12; Isa. 48:17, 18) Talagang ipinagpapasalamat natin na mapagpakumbaba si Jehova!
5. Paano tayo tinuturuan ni Jehova na maging mapagpakumbaba? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)
5 Sa paraan ng pakikitungo ni Jehova sa atin, tinuturuan niya tayo na maging mapagpakumbaba. Si Jehova ang pinakamatalino sa buong uniberso. Pero tinatanggap niya ang opinyon ng iba. Halimbawa, hinayaan ni Jehova na tumulong sa kaniya ang Anak niya sa paglalang ng lahat ng bagay. (Kaw. 8:27-30; Col. 1:15, 16) At kahit si Jehova ang Makapangyarihan-sa-Lahat, nagtitiwala siya at nagbibigay ng atas sa iba. Halimbawa, inatasan niya si Jesus na maging Hari ng Kaharian at bibigyan niya ng awtoridad ang 144,000 mamamahalang kasama ni Jesus. (Luc. 12:32) Pero siyempre, sinanay muna ni Jehova si Jesus para maging Hari at Mataas na Saserdote. (Heb. 5:8, 9) Sinanay rin niya ang mga kasamang tagapamahala ni Jesus. Pero hindi niya ibinigay ang atas na ito at pagkatapos ay kokontrolin naman ang bawat detalye ng gawain nila. Sa halip, nagtitiwala siyang gagawin nila ang kalooban niya.—Apoc. 5:10.
6-7. Ano ang matututuhan natin sa ating Ama sa langit tungkol sa pagbibigay ng atas sa iba?
Isa. 41:10) Ano pa ang matututuhan kay Jehova ng mga may pananagutan?
6 Kung ang ating Ama sa langit—na hindi nangangailangan ng tulong ng sinuman—ay nag-aatas sa iba, mas kailangan nating gawin iyan! Halimbawa, isa ka bang ulo ng pamilya o isang elder sa kongregasyon? Tularan ang halimbawa ni Jehova sa pamamagitan ng pag-aatas sa iba ng gawain at iwasang pakialaman ang lahat ng detalye ng ginagawa nila. Sa paggawa nito, hindi lang matatapos ang gawain, masasanay mo rin ang iba at matutulungan mo silang magkaroon ng higit na kumpiyansa. (7 Ipinapakita ng Bibliya na interesado si Jehova sa opinyon ng mga anghel. (1 Hari 22:19-22) Mga magulang, paano ninyo matutularan ang halimbawa ni Jehova? Kung angkop, hingin ang opinyon ng inyong mga anak kung paano gagawin ang isang gawain. At kung posible, subukan ang mungkahi nila.
8. Paano pinakitunguhan ni Jehova sina Abraham at Sara?
8 Makikita rin ang kapakumbabaan ni Jehova sa kaniyang pagtitiyaga, o pagtitiis. Halimbawa, matiyagang nakikinig si Jehova kapag nagtatanong ang mga lingkod niya tungkol sa desisyon niya. Nakinig siya kay Abraham noong nagtatanong ito tungkol sa desisyon niyang puksain ang Sodoma at Gomorra. (Gen. 18:22-33) At tandaan kung paano pinakitunguhan ni Jehova ang asawa ni Abraham na si Sara. Hindi siya nasaktan o nagalit nang matawa si Sara sa pangako niya na magkakaanak ito kahit matanda na ito. (Gen. 18:10-14) Sa halip, pinakitunguhan niya si Sara nang may dignidad.
9. Ano ang matututuhan ng mga magulang at elder sa halimbawa ni Jehova?
9 Mga magulang at elder, ano ang matututuhan ninyo sa halimbawa ni Jehova? Ano ang ginagawa ninyo kapag kinuwestiyon ng inyong mga anak o ng ilan sa kongregasyon ang desisyon ninyo? Agad ba ninyong sinasabi na mali sila? O sinisikap ninyong unawain ang pananaw nila? Siguradong makikinabang ang pamilya at kongregasyon kung tutularan ng mga magulang at elder si Jehova. Ngayong natalakay na natin ang tungkol sa kapakumbabaan ni Jehova, talakayin naman natin kung ano ang matututuhan natin sa mga halimbawa sa Bibliya tungkol sa kapakumbabaan.
ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN SA HALIMBAWA NG IBA?
10. Paano ginagamit ni Jehova ang halimbawa ng iba para turuan tayo?
10 Bilang ating “Dakilang Tagapagturo,” nagbigay si Jehova ng mga halimbawa sa Bibliya para turuan tayo. (Isa. 30:20, 21) Natututo tayo kapag pinag-iisipan natin ang mga ulat sa Bibliya tungkol sa mga taong nagpakita ng mga katangiang nagpapasaya sa Diyos, kasama na ang kapakumbabaan. Natututo rin tayo kapag nakikita natin kung ano ang nangyayari sa mga taong hindi nagpapakita ng ganoong mga katangian.—Awit 37:37; 1 Cor. 10:11.
11. Ano ang matututuhan natin sa masamang halimbawa ni Saul?
11 Pag-isipan ang nangyari kay Haring Saul. Mapagpakumbaba siya noong una. Alam niya ang mga limitasyon niya, at nag-alangan pa nga siyang tumanggap ng higit na responsibilidad. (1 Sam. 9:21; 10:20-22) Pero di-nagtagal matapos siyang maging hari, naging pangahas siya. Minsan, naubusan siya ng pasensiya sa paghihintay kay propeta Samuel. Imbes na magtiwalang kikilos si Jehova para sa kaniyang bayan, naghandog si Saul ng haing sinusunog kahit hindi siya awtorisadong gawin iyon. Dahil dito, naiwala ni Saul ang pagsang-ayon ni Jehova, pati na ang pagiging hari. (1 Sam. 13:8-14) Maipapakita nating marunong tayo kung iiwasan nating maging pangahas.
12. Paano nagpakita ng kapakumbabaan si Daniel?
12 Di-gaya ni Saul, mabuting halimbawa si propeta Daniel. Sa buong buhay ni Daniel, nanatili siyang mapagpakumbaba at lagi siyang umaasa kay Jehova. Halimbawa, nang gamitin siya ni Jehova para ibigay ang kahulugan ng panaginip ni Nabucodonosor, hindi sinabi ni Daniel na galing sa kaniya iyon. Sa halip, ibinigay niya ang lahat ng kaluwalhatian at papuri kay Jehova. (Dan. 2:26-28) Ano ang matututuhan natin dito? Kung nagugustuhan ng mga kapatid ang mga pahayag natin o kung may magaganda tayong karanasan sa ministeryo, dapat nating ibigay ang lahat ng papuri kay Jehova. Dapat nating kilalanin na hindi natin magagawa ang mga ito kung wala ang tulong ni Jehova. (Fil. 4:13) Sa paggawa nito, tinutularan din natin ang magandang halimbawa ni Jesus. Paano?
13. Sa sinabi ni Jesus sa Juan 5:19, 30, ano ang matututuhan natin tungkol sa kapakumbabaan?
13 Perpektong Anak ng Diyos si Jesus, pero umaasa siya kay Jehova. (Basahin ang Juan 5:19, 30.) Hindi niya sinubukang agawin ang awtoridad ng kaniyang Ama sa langit. Sinasabi sa Filipos 2:6 na “hindi niya inisip na mang-agaw ng posisyon, o maging kapantay ng Diyos.” Bilang mapagpakumbabang Anak, alam ni Jesus ang limitasyon niya at kinikilala niya ang awtoridad ng kaniyang Ama.
14. Ano ang ginawa ni Jesus nang hilingan siyang ibigay ang isang bagay na hindi sakop ng awtoridad niya?
14 Pag-isipan ang ginawa ni Jesus nang lapitan siya ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan kasama ang kanilang ina. Hiniling nila ang isang pribilehiyo na hindi sakop ng awtoridad ni Jesus. Agad na sinabi ni Jesus na ang kaniyang Ama sa langit lang ang makakapagpasiya kung sino ang uupo sa kanan at kaliwa niya sa Kaharian. (Mat. 20:20-23) Kinilala ni Jesus ang limitasyon niya. Mapagpakumbaba siya. Hindi siya kailanman lumampas sa awtoridad na ibinigay sa kaniya ni Jehova. (Juan 12:49) Paano natin matutularan ang magandang halimbawa ni Jesus?
15-16. Paano natin masusunod ang payo sa 1 Corinto 4:6?
15 Matutularan natin ang kapakumbabaan ni Jesus kung susundin natin ang payo sa 1 Corinto 4:6. Ang sabi: “Huwag higitan ang mga bagay na nasusulat.” Kaya kapag may humingi sa atin ng payo, hindi natin ipipilit ang sarili nating opinyon o basta na lang magsasalita nang hindi muna nag-iisip. Sa halip, dapat nating gamitin ang mga payo sa Bibliya at sa ating salig-Bibliyang mga publikasyon. Sa paggawa nito, kinikilala natin ang limitasyon natin. Naipapakita rin natin na nakakahigit ang “matuwid na mga batas” ni Jehova.—Apoc. 15:3, 4.
16 Bukod sa pagpaparangal kay Jehova, may iba pa tayong dahilan para maging mapagpakumbaba. Talakayin naman natin ngayon kung paano makakatulong ang kapakumbabaan para maging masaya tayo at makasundo natin ang iba.
KUNG BAKIT MAGANDANG MAGING MAPAGPAKUMBABA
17. Bakit masaya ang mga mapagpakumbaba?
17 Kung mapagpakumbaba tayo, malamang na maging masaya tayo. Bakit? Kapag kinikilala natin ang ating limitasyon, magiging masaya tayo kasi ipagpapasalamat natin ang anumang tulong na matatanggap natin. Pag-isipan ang nangyari noong pagalingin ni Jesus ang 10 ketongin. Isa lang sa kanila ang bumalik para pasalamatan si Jesus—alam niya kasing hindi niya kayang pagalingin ang sarili niya. Ipinagpasalamat ng mapagpakumbabang lalaking ito ang tulong Luc. 17:11-19.
na natanggap niya at niluwalhati niya ang Diyos.—18. Paano makakatulong ang kapakumbabaan para makasundo natin ang iba? (Roma 12:10)
18 Ang taong mapagpakumbaba ay madaling makasundo ng iba, at mas malamang na magkaroon siya ng malalapít na kaibigan. Bakit? Masaya siya dahil may magagandang katangian ang iba, at nagtitiwala siya sa kanila. Natutuwa rin siya kapag nagagampanan ng iba ang atas nila, at kinokomendahan niya sila agad at pinagpapakitaan ng paggalang.—Basahin ang Roma 12:10.
19. Bakit dapat nating iwasang maging mapagmataas?
19 Sa kabaligtaran, hiráp magbigay ng komendasyon ang mga mapagmataas; gusto kasi nilang sila ang mabigyan ng komendasyon. Malamang na madalas nilang ikumpara ang sarili nila sa iba at lagi silang nakikipagkompetensiya. Imbes na magsanay at ipagkatiwala sa iba ang trabaho, malamang na iniisip nila, “Mas maganda ang kakalabasan ng trabaho kung ako mismo ang gagawa nito.” Ang mga mapagmataas ay madalas na ambisyoso at mainggitin. (Gal. 5:26) Madalas silang nawawalan ng kaibigan. Kapag napapansin natin na nagiging mapagmataas na tayo, dapat nating ipanalangin kay Jehova na tulungan tayong ‘baguhin ang ating pag-iisip’ para hindi na lumala ang masamang ugaling ito.—Roma 12:2.
20. Bakit dapat tayong maging mapagpakumbaba?
20 Talagang ipinagpapasalamat natin ang magandang halimbawa ni Jehova! Kitang-kita natin ang kapakumbabaan niya sa pakikitungo sa mga lingkod niya, at gusto natin siyang tularan. Gusto rin nating tularan ang magagandang halimbawa sa Bibliya ng mga taong mapagpakumbabang lumakad na kasama ng Diyos. Lagi sana nating ibigay kay Jehova ang karangalan at kaluwalhatiang nararapat sa kaniya. (Apoc. 4:11) Sa paggawa nito, magiging kaibigan tayo ni Jehova magpakailanman dahil mahal niya ang mga mapagpakumbaba.
AWIT 123 Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan
^ par. 5 Ang mga mapagpakumbaba ay maawain at mapagmalasakit. Kaya tama lang na sabihin nating mapagpakumbaba si Jehova. Sa artikulong ito, matututo tayo tungkol sa halimbawa ng kapakumbabaan ni Jehova. Aalamin din natin kung ano ang matututuhan natin kay Haring Saul, kay propeta Daniel, at kay Jesus tungkol sa kapakumbabaan.
^ par. 58 LARAWAN: Sinasanay ng elder ang kabataang brother sa pag-aasikaso ng teritoryo ng kongregasyon. Pagkatapos, ipinagkatiwala na ng elder sa kabataang brother ang atas.
^ par. 62 LARAWAN: Tinatanong ng sister ang isang elder kung puwede ba siyang dumalo sa isang kasal na gagawin sa simbahan. Hindi nagbigay ang elder ng sarili niyang opinyon; ipinakita niya sa sister ang ilang prinsipyo sa Bibliya.