ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL Hulyo 2018
Ang mga araling artikulo sa isyung ito ay para sa Setyembre 3-30, 2018.
KUSANG-LOOB NILANG INIHANDOG ANG KANILANG SARILI
Kusang-Loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili—Sa Myanmar
Bakit iniwan ng maraming Saksi ni Jehova ang kanilang bansa at tumulong sa espirituwal na pag-aani sa Myanmar?
Kaninong Pagkilala ang Hinahangad Mo?
Ano ang matututuhan natin sa pagkilalang ibinibigay ng Diyos sa tapat na mga lingkod niya?
Kanino Nakatingin ang Iyong mga Mata?
May mahalagang aral tayong matututuhan sa malaking pagkakamali ni Moises.
“Sino ang Nasa Panig ni Jehova?”
Ipinakikita ng ulat ng Bibliya tungkol kina Cain, Solomon, Moises, at Aaron kung bakit isang katalinuhan ang pumanig kay Jehova.
Tayo ay kay Jehova
Paano natin mapasasalamatan si Jehova sa pagbibigay niya sa atin ng pagkakataong magkaroon ng kaugnayan sa kaniya?
Maging Mahabagin sa “Lahat ng Uri ng mga Tao”
Tularan ang pananaw ni Jehova sa pagiging mahabagin sa pamamagitan ng pag-alam sa pangangailangan ng iba at pagtulong sa abot ng iyong makakaya.
Gawing Mas Makabuluhan at Kasiya-siya ang Pag-aaral Mo ng Bibliya
Puwede kang makatuklas ng espirituwal na mga hiyas.
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Kapag ang isang lalaki at babae na hindi mag-asawa ay nagpalipas ng gabi nang silang dalawa lang at walang makatuwirang dahilan, nakagawa ba sila ng malubhang kasalanan?