ARALING ARTIKULO 28
Huwag Makipagkompetensiya—Itaguyod ang Kapayapaan
“Huwag tayong maging mapagmataas, huwag tayong makipagkompetensiya sa isa’t isa, at huwag nating kainggitan ang isa’t isa.”—GAL. 5:26.
AWIT 101 Naglilingkod Nang May Pagkakaisa
NILALAMAN *
1. Ano ang puwedeng maging epekto ng pakikipagkompetensiya?
SA NGAYON, marami ang mahilig makipagkompetensiya. Baka gumawa ng paraan ang isang negosyante para masabotahe ang negosyo ng mga kalaban niya. Baka sadyain ng isang atleta na ma-injure ang kalaban niya para lang manalo. Baka mandaya ang isang estudyante sa entrance exam para lang makapasok sa isang sikat na unibersidad. Bilang mga Kristiyano, alam natin na mali ang mga ito at ang mga ito ay “gawa ng laman.” (Gal. 5:19-21) Pero posible bang nakikipagkompetensiya ang ilang kapatid sa loob ng kongregasyon nang hindi nila namamalayan? Mahalagang masagot iyan dahil nakakaapekto sa pagkakaisa ng mga kapatid ang pakikipagkompetensiya.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
2 Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang di-magagandang katangian na puwedeng mauwi sa pakikipagkompetensiya sa mga kapatid. Pag-uusapan din natin ang halimbawa ng tapat na mga lingkod ni Jehova noong panahon ng Bibliya na hindi nakipagkompetensiya. Pag-usapan muna natin kung paano natin masusuri ang motibo natin.
SURIIN ANG MOTIBO MO
3. Ano ang mga dapat nating itanong sa ating sarili?
3 Magandang suriin paminsan-minsan ang motibo natin. Tanungin ang sarili: ‘Ikinukumpara ko ba ang sarili ko sa iba para makitang mas nakakahigit ako sa kanila? Kaya ko ba pinagbubutihan ang mga ginagawa ko sa kongregasyon, kasi gusto kong patunayan na ako ang pinakamagaling o mas magaling ako sa iba? O gusto ko lang talagang ibigay ang buong makakaya
ko para kay Jehova?’ Bakit dapat nating itanong ang mga ito? Pansinin ang sinasabi ng Bibliya.4. Batay sa Galacia 6:3, 4, bakit hindi natin dapat ikumpara ang sarili natin sa iba?
4 Pinapayuhan tayo ng Bibliya na huwag ikumpara ang sarili sa iba. (Basahin ang Galacia 6:3, 4.) Bakit? Kapag iniisip kasi natin na mas magaling tayo kaysa sa mga kapatid, baka lumaki ang ulo natin. Kapag ikinumpara naman natin ang ating sarili sa mas magagaling sa atin, baka lumiit ang tingin natin sa ating sarili. Kaya hindi katinuan ng pag-iisip na ikumpara natin ang ating sarili sa iba. (Roma 12:3) Sinabi ng sister na si Katerina, * na taga-Greece: “Dati, lagi kong ikinukumpara ang sarili ko sa iba na mas maganda, mas mahusay sa ministeryo, at mas maraming kaibigan. Bumaba tuloy ang tingin ko sa sarili ko.” Dapat nating tandaan na inilapit tayo ni Jehova sa kaniya, hindi dahil maganda tayo, mahusay magsalita, o popular, kundi dahil handa tayong mahalin siya at makinig sa Anak niya.—Juan 6:44; 1 Cor. 1:26-31.
5. Ano ang natutuhan mo sa karanasan ng brother na si Hyun?
5 Puwede rin nating itanong, ‘Kilala ba akong mapagpayapa, o madalas akong may hindi nakakasundo?’ Tingnan ang karanasan ng brother na si Hyun, na taga-South Korea. Karibal ang tingin niya noon sa mga may pribilehiyo sa kongregasyon. Sinabi niya, “Madalas kong pinupuna ang mga brother na ito at kinokontra ang sinasabi nila.” Kaya ano ang nangyari? “Dahil sa ugali ko, naapektuhan ang pagkakaisa ng kongregasyon,” ang sabi niya. Tinulungan si Hyun ng ilang kaibigan niya na makita kung ano ang problema niya. Nagbago si Hyun, at ngayon, isa na siyang mahusay na elder. Kung nakikita nating may tendensiya tayong makipagkompetensiya sa halip na itaguyod ang kapayapaan, dapat tayong magbago agad.
HUWAG MAGING MAPAGMATAAS AT MAINGGITIN
6. Batay sa Galacia 5:26, anong di-magagandang katangian ang puwedeng mauwi sa pakikipagkompetensiya?
6 Basahin ang Galacia 5:26. Anong di-magagandang katangian ang puwedeng mauwi sa pakikipagkompetensiya? Ang isa ay pagmamataas. Ang mapagmataas na tao ay mayabang at makasarili. Ang isa pang pangit na katangian ay pagiging mainggitin. Kapag nainggit ang isang tao, pinag-iinteresan niya kung ano ang mayroon ang iba. Gusto rin niyang makuha iyon at mawala sa taong kinaiinggitan niya. Ang totoo, kinapopootan niya ang kinaiinggitan niya. Tiyak na gusto nating iwasan ang masasamang katangiang ito na parang nakakahawang sakit!
7. Ano ang masamang epekto ng pagiging mapagmataas at mainggitin? Ilarawan.
7 Ang pagmamataas at pagiging mainggitin ay parang mga dumi sa gasolina ng eroplano. Makakalipad naman ang eroplano, pero dahil bumabara ang mga duming ito sa daanan ng gasolina, puwedeng magkaproblema ang makina ng eroplano at bumagsak ito. Sa katulad na paraan, baka makapaglingkod din kay Jehova ang isa. Pero kung ginagawa niya iyon dahil sa pagmamataas at inggit, di-magtatagal at babagsak din siya. (Kaw. 16:18) Titigil siya sa paglilingkod kay Jehova at maipapahamak niya ang sarili niya at ang iba. Kaya paano natin maiiwasang maging mapagmataas at mainggitin?
8. Paano natin maiiwasang maging mapagmataas?
8 Maiiwasan nating maging mapagmataas kung tatandaan natin ang payo ni apostol Fil. 2:3) Kung itinuturing nating nakatataas sa atin ang iba, hindi tayo makikipagkompetensiya sa mas mahuhusay at mas maabilidad kaysa sa atin. Magiging masaya pa nga tayo para sa kanila, lalo na kung ginagamit nila ang mga talento at abilidad nila para purihin si Jehova. Kung sinusunod naman ng mahuhusay na kapatid natin ang payo ni Pablo, magpopokus sila sa magagandang katangian na nagugustuhan nila sa atin. Kaya maitataguyod nating lahat ang kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon.
Pablo sa mga taga-Filipos: “Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil sa galit o pagmamataas. Sa halip, maging mapagpakumbaba at ituring ang iba na nakatataas sa inyo.” (9. Paano natin makokontrol ang tendensiya nating mainggit?
9 Makokontrol natin ang tendensiyang mainggit kung magiging mapagpakumbaba tayo at kikilalaning may limitasyon tayo. Kung mapagpakumbaba tayo, hindi natin sisikaping patunayan na mas marami tayong talento o kayang gawin kaysa sa iba. Sa halip, aalamin natin kung ano ang puwede nating matutuhan sa mas mahuhusay kaysa sa atin. Halimbawa, kung mahusay magpahayag ang isang brother sa kongregasyon, baka puwede mo siyang tanungin kung paano siya naghahanda ng pahayag. Kung masarap magluto ang isang sister, baka puwede mo siyang tanungin kung paano mo pa mapapasarap ang luto mo. Kung wala namang gaanong kaibigan ang isang kabataang Kristiyano, baka puwede siyang humingi ng payo sa iba na maraming kaibigan. Kung gagawin natin ang mga ito, maiiwasan nating mainggit at mapapasulong pa natin ang mga kakayahan natin.
MATUTO MULA SA MGA HALIMBAWA SA BIBLIYA
10. Ano ang naging problema ni Gideon?
10 Tingnan ang nangyari kay Gideon, na mula sa tribo ni Manases, at sa mga lalaki mula sa tribo ni Efraim. Sa tulong ni Jehova, nanalo sa isang labanan si Gideon at ang 300 mandirigma niya na puwede sana nilang ipagmalaki. Pero sa halip na makisaya kay Gideon, nakipag-away ang mga lalaki ng Efraim sa kaniya. Parang nasaktan kasi ang pride nila Huk. 8:1.
dahil hindi sila tinawag agad ni Gideon para sumamang makipaglaban sa mga kaaway ng Diyos. Dahil masyado nilang iniisip ang karangalan ng tribo nila, hindi nila nakita kung ano ang mas mahalaga—naparangalan ni Gideon ang pangalan ni Jehova at naprotektahan ang bayan Niya.—11. Paano hinarap ni Gideon ang mga lalaki ng Efraim?
11 Nagpakumbaba si Gideon at sinabi sa mga lalaki ng Efraim: “Ano ba ang nagawa ko kung ikukumpara sa nagawa ninyo?” Pagkatapos, sinabi niya kung paano pinagpala ni Jehova ang Efraim. Kaya “huminahon sila.” (Huk. 8:2, 3) Handa si Gideon na lunukin ang pride niya para manatiling payapa ang bayan ng Diyos.
12. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ng mga Efraimita at ni Gideon?
12 Ano ang matututuhan natin sa ulat na ito? Mula sa halimbawa ng mga Efraimita, matututuhan natin na hindi natin dapat unahin ang karangalan natin kaysa sa karangalan ni Jehova. Kung tayo ay ulo ng pamilya o elder, may matututuhan tayo kay Gideon. Kung may nainis sa atin dahil sa ginawa natin, dapat nating intindihin kung bakit siya nainis. Puwede rin nating banggitin sa kaniya ang magagandang bagay na nagawa niya. Kailangan dito ang kapakumbabaan, lalo na kung siya naman talaga ang mali. Pero mas mahalaga ang kapayapaan kaysa sa pride natin.
13. Ano ang naging problema ni Hana, at paano niya nakayanan ito?
13 Tingnan din ang halimbawa ni Hana. Asawa siya ng Levitang si Elkana, na mahal na mahal siya. Pero may iba pang asawa si Elkana, si Penina. Mas mahal ni Elkana si Hana kaysa kay Penina; kaya lang, “si Penina ay nagkaroon ng mga anak, pero si Hana ay walang anak.” Dahil diyan, ‘laging iniinsulto ni Penina si Hana para pasamain ang loob niya.’ Ano ang naramdaman ni Hana? Sa sobrang sama ng loob niya, “umiiyak siya at hindi kumakain.” (1 Sam. 1:2, 6, 7) Pero wala tayong mababasa na gumanti si Hana kay Penina. Sa halip, ibinuhos niya kay Jehova ang laman ng puso niya at nagtiwalang itatama ni Jehova ang mga bagay-bagay. Nagbago ba ang pagtrato ni Penina kay Hana? Walang sinasabi ang Bibliya. Pero ang alam natin, naging payapa ulit ang kalooban ni Hana. “Nawala na ang lungkot sa mukha niya.”—1 Sam. 1:10, 18.
14. Ano ang matututuhan natin kay Hana?
14 Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Hana? Kung may makipagkompetensiya sa iyo, alalahanin na ikaw ang may kontrol sa sitwasyon. Huwag mong patulan. Huwag gumanti ng masama para sa masama, kundi sikaping makipagpayapaan sa kaniya. (Roma 12:17-21) Kung hindi man siya magbago, napanatili mo namang payapa ang kalooban mo.
15. Ano ang pagkakapareho nina Apolos at Pablo?
15 Tingnan naman natin ang matututuhan
natin sa alagad na si Apolos at kay apostol Pablo. Pareho silang maraming alam sa Kasulatan. Pareho din silang prominente at mahusay na guro. At pareho silang maraming natulungang maging alagad. Pero hindi nila itinuring na karibal ang isa’t isa.16. Ano ang masasabi natin tungkol kay Apolos?
16 Si Apolos ay “katutubo ng Alejandria,” na sentro ng edukasyon noong unang siglo. Mahusay siyang tagapagsalita at “maraming alam sa Kasulatan.” (Gawa 18:24) Noong nasa Corinto si Apolos, ipinakita ng ilan sa kongregasyon na mas gusto nila siya kaysa sa ibang kapatid na lalaki, kasama na si Pablo. (1 Cor. 1:12, 13) Hinayaan ba ni Apolos na maapektuhan nito ang pagkakaisa ng kongregasyon? Tiyak na hindi. Ang totoo, pinakiusapan pa nga ni Pablo si Apolos na bumalik sa Corinto pagkalipas ng ilang panahon. (1 Cor. 16:12) Hindi iyon gagawin ni Pablo kung naramdaman niyang pinagwawatak-watak ni Apolos ang kongregasyon. Maliwanag, ginamit ni Apolos ang kakayahan niya sa mabuting paraan—para ipangaral ang mabuting balita at patibayin ang mga kapatid. Sigurado din tayong mapagpakumbaba si Apolos. Halimbawa, wala tayong mababasa na sumama ang loob niya noong “ipinaliwanag sa kaniya nang mas malinaw [nina Aquila at Priscila] ang daan ng Diyos.”—Gawa 18:24-28.
17. Paano itinaguyod ni Pablo ang kapayapaan?
17 Alam ni apostol Pablo ang magagandang nagawa ni Apolos. Pero hindi niya naramdaman na nasasapawan siya nito. Makikita sa ipinayo ni Pablo sa kongregasyon sa Corinto na mapagpakumbaba siya, makatuwiran, at kinikilala niya ang limitasyon niya. Sa halip na matuwa kapag sinasabi ng iba, “Kay Pablo ako,” ibinigay niya sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo ang lahat ng karangalan.—1 Cor. 3:3-6.
18. Batay sa 1 Corinto 4:6, 7, ano ang matututuhan natin sa halimbawa nina Apolos at Pablo?
18 Ano ang matututuhan natin sa halimbawa nina Apolos at Pablo? Baka pinagbubuti natin ang paglilingkod natin kay Jehova at marami tayong natutulungang mabautismuhan. Pero alam natin na nagagawa lang natin iyon dahil sa pagpapala ni Jehova. Natutuhan din natin sa halimbawa nina Apolos at Pablo na kapag mas marami tayong pribilehiyo, mas marami tayong pagkakataon na itaguyod ang kapayapaan. Laking pasasalamat natin kapag itinataguyod ng mga inatasang brother ang kapayapaan at pagkakaisa! Ginagawa nila ito kapag ibinabatay nila sa Salita ng Diyos ang mga payo nila. Hindi rin nila ipinopokus sa kanila ang atensiyon ng kongregasyon, kundi sa ating huwaran, kay Kristo Jesus.—Basahin ang19. Ano ang magagawa ng bawat isa sa atin? (Tingnan din ang kahong “ Huwag Pagmulan ng Kompetisyon.”)
19 Lahat tayo ay may kani-kaniyang bigay-Diyos na talento o abilidad. Magagamit natin ito “sa paglilingkod sa isa’t isa.” (1 Ped. 4:10) Baka para sa atin, maliit lang ang nagagawa natin. Pero ang maliliit na bagay na nagtataguyod ng kapayapaan ay parang maliliit na tahi na bumubuo sa isang damit. Sana’y pagsikapan natin na alisin ang anumang bahid ng pakikipagkompetensiya. Maging determinado tayo na gawin ang lahat para itaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon.—Efe. 4:3.
AWIT 80 “Tikman at Tingnan ang Kabutihan ni Jehova”
^ par. 5 Madaling mabasag ang isang palayok kapag may maliliit na lamat ito. Ganiyan din ang kongregasyon. Madali itong magkakawatak-watak kung makikipagkompetensiya sa isa’t isa ang mga kapatid. Kung hindi matatag at hindi nagkakaisa ang kongregasyon, hindi ito magiging isang mapayapang lugar para sa pagsamba sa Diyos. Tatalakayin sa artikulong ito kung bakit dapat nating iwasang makipagkompetensiya at kung ano ang magagawa natin para maitaguyod ang kapayapaan sa kongregasyon.
^ par. 4 Binago ang mga pangalan.