ARALING ARTIKULO 26
Makakatulong Ka Ba sa Paggawa ng Alagad?
“Ibinibigay sa inyo [ng Diyos] ang pagnanais at lakas para kumilos.”—FIL. 2:13.
AWIT 64 May-kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani
NILALAMAN *
1. Ano ang ginawa ni Jehova para sa iyo?
PAANO ka naging Saksi ni Jehova? Una, narinig mo ang “mabuting balita”—baka mula sa magulang mo, katrabaho o kaeskuwela, o baka may nagbahay-bahay sa inyo na Saksi. (Mar. 13:10) Pagkatapos, may matiyagang nag-Bible study sa iyo. Habang nag-i-study ka, natutuhan mong mahalin si Jehova at nalaman mong mahal ka niya. Inakay ka ni Jehova sa katotohanan, at ngayong alagad ka na ni Jesu-Kristo, may pag-asa ka nang mabuhay magpakailanman. (Juan 6:44) Tiyak na nagpapasalamat ka kay Jehova dahil may ginamit siya para ituro sa iyo ang katotohanan at dahil tinanggap ka niya bilang lingkod niya.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
2 Ngayong alam na natin ang katotohanan, may pribilehiyo tayong tulungan ang iba para makasama natin sa daang papunta sa buhay. Baka madali lang para sa atin ang magbahay-bahay, pero nahihirapan tayong mag-alok ng Bible study at magturo. Ganiyan ba ang nararamdaman mo? Kung oo, makakatulong sa iyo ang ilang mungkahi sa artikulong ito. Tatalakayin natin kung bakit tayo tumutulong sa paggawa ng alagad. Pag-uusapan din natin kung paano natin haharapin ang mga hamon na pumipigil sa atin na magdaos ng Bible study. Pero pag-usapan muna natin kung bakit hindi lang tayo dapat maging mángangarál ng mabuting balita kundi mga tagapagturo din.
INUTUSAN TAYO NI JESUS NA MANGARAL AT MAGTURO
3. Bakit tayo nangangaral?
3 Noong nasa lupa si Jesus, binigyan niya ang mga tagasunod niya ng isang utos na may dalawang bahagi. Una, sinabi Mat. 10:7; Luc. 8:1) Halimbawa, itinuro ni Jesus ang dapat gawin kapag tinanggihan o tinanggap ng mga tao ang mensahe ng Kaharian. (Luc. 9:2-5) Inihula rin niya kung magiging gaano kalawak ang pangangaral at sinabing ang mga tagasunod niya ay ‘mangangaral sa lahat ng bansa.’ (Mat. 24:14; Gawa 1:8) Anuman ang reaksiyon ng mga tao, dapat ipangaral ng mga alagad ang tungkol sa Kaharian ng Diyos at ang gagawin nito.
niya na ipangaral nila ang mabuting balita ng Kaharian, at ipinakita niya kung paano nila iyon gagawin. (4. Ayon sa Mateo 28:18-20, ano pa ang dapat nating gawin bukod sa pangangaral?
4 Ano ang ikalawang bahagi ng utos ni Jesus? Sinabi niya sa mga tagasunod niya na ituro sa mga tao na tuparin ang lahat ng iniutos niya. Pero noong unang siglo lang ba dapat mangaral at magturo ang mga Kristiyano, gaya ng sinasabi ng iba? Hindi. Ipinakita ni Jesus na ang mahalagang gawaing ito ay magpapatuloy sa panahon natin, “hanggang sa katapusan ng sistemang ito.” (Basahin ang Mateo 28:18-20.) Malamang na iniutos ito ni Jesus noong nagpakita siya sa mahigit 500 alagad niya. (1 Cor. 15:6) At sa pagsisiwalat na ibinigay niya kay Juan, malinaw na ipinakita ni Jesus na lahat ng alagad niya ay inaasahang tutulong sa iba na matuto tungkol kay Jehova.—Apoc. 22:17.
5. Ayon sa 1 Corinto 3:6-9, paano ipinakita ni Pablo na magkaugnay ang pangangaral at pagtuturo?
5 Ipinakita ni apostol Pablo na ang paggawa ng alagad ay parang pagtatanim. Pero hindi lang tayo basta nagtatanim ng binhi. Ipinaalala niya sa mga taga-Corinto: “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig . . . Kayo ang bukid ng Diyos na sinasaka niya.” (Basahin ang 1 Corinto 3:6-9.) Bilang manggagawa sa “bukid ng Diyos,” hindi lang tayo basta nagtatanim ng mga binhi, dinidiligan din natin ang mga iyon at regular na sinusuri kung lumalago ang mga itinanim natin. (Juan 4:35) Pero alam natin na ang Diyos ang nagpapalago sa mga iyon.
6. Ano ang dapat nating gawin bilang tagapagturo?
6 Hinahanap natin ang mga “nakaayon sa buhay na walang hanggan.” (Gawa 13:48) Para maging alagad sila, dapat natin silang tulungan na (1) maintindihan, (2) tanggapin, at (3) isabuhay ang mga natututuhan nila sa Bibliya. (Juan 17:3; Col. 2:6, 7; 1 Tes. 2:13) Makakatulong sa Bible study ang lahat sa kongregasyon kung magpapakita sila ng pag-ibig sa kaniya at ipaparamdam na welcome siya kapag dumadalo siya sa pulong. (Juan 13:35) Baka kailangan din ng tagapagturo na maging mas matiyaga para matulungan ang Bible study na mabago ang mga paniniwala o kaugalian nito na “matibay ang pagkakatatag.” (2 Cor. 10:4, 5) Baka kailangang gabayan nang maraming buwan ang Bible study bago siya maging kuwalipikadong magpabautismo. Pero sulit ang lahat ng pagsisikap.
GUMAGAWA TAYO NG ALAGAD DAHIL SA PAG-IBIG
7. Bakit tayo nangangaral at gumagawa ng alagad?
7 Bakit tayo nangangaral at gumagawa ng alagad? Una, dahil mahal natin si Jehova. Kapag ginagawa mo ang buong makakaya mo para masunod ang utos na mangaral at gumawa ng alagad, ipinapakita mong mahal mo ang Diyos. (1 Juan 5:3) Pag-isipan ito: Dahil sa pag-ibig mo kay Jehova, nangangaral ka na sa bahay-bahay. Naging madali ba iyon para sa iyo? Siguro hindi. Kinabahan ka ba noong una kang magbahay-bahay? Sigurado iyon! Pero dahil alam mong iyon ang utos ni Jesus, sumunod ka. At unti-unti, naging madali na para sa iyo ang mangaral. Kumusta naman ang pagba-Bible study? Baka iniisip mo pa lang ito, kinakabahan ka na. Pero kung ipapanalangin mo kay Jehova na huwag kang kabahan at magkaroon ka ng lakas ng loob na mag-alok ng Bible study, matutulungan ka niya na maging mas determinadong gumawa ng alagad.
8. Ayon sa Marcos 6:34, ano ang isa pang dahilan kung bakit tayo nagtuturo sa iba?
8 Ikalawa, mahal natin ang kapuwa natin kaya itinuturo natin sa kanila ang katotohanan. Minsan, pagod na pagod sa pangangaral si Jesus at ang mga alagad niya. Kailangan nilang makapagpahinga, pero sinundan sila ng mga tao. Naawa si Jesus sa mga taong iyon, kaya tinuruan niya sila ng “maraming bagay.” (Basahin ang Marcos 6:34.) Nagturo pa rin siya kahit pagód na siya. Bakit? Inilagay ni Jesus ang sarili niya sa sitwasyon ng mga taong iyon. Naintindihan niya na nagdurusa sila at nawawalan ng pag-asa, kaya gusto niyang tulungan sila. Ganiyan din ang kalagayan ng mga tao ngayon. Baka parang masaya sila at kontento. Pero ang totoo, gaya sila ng mga tupa na naliligaw at walang pastol. Sinabi ni apostol Pablo na ang ganitong mga tao ay hindi nakakakilala sa Diyos at walang pag-asa. (Efe. 2:12) Sila ay nasa “daang papunta sa pagkapuksa”! (Mat. 7:13) Kapag naiisip natin na kailangang-kailangan ng mga tao sa teritoryo natin na makilala ang Diyos, napapakilos tayo ng pag-ibig at awa na tulungan sila. At ang pinakamagandang maitutulong natin sa kanila ay ang alukin sila na mag-Bible study.
9. Ayon sa Filipos 2:13, paano tayo matutulungan ni Jehova?
9 Baka nag-aalangan kang mag-alok ng Bible study dahil alam mong malaking panahon ang kailangan nito. Bakit hindi mo sabihin kay Jehova ang nararamdaman mo? Ipanalangin sa kaniya na tulungan kang magkaroon ng pagnanais, o kagustuhan, na makahanap ng tuturuan sa Bibliya. (Basahin ang Filipos 2:13.) Tinitiyak sa atin ni apostol Juan na sasagutin ng Diyos ang mga panalangin na ayon sa kalooban Niya. (1 Juan 5:14, 15) Kaya tiyak na tutulungan ka ni Jehova na magkaroon ng kagustuhan na tumulong sa paggawa ng alagad.
HARAPIN ANG IBA PANG HAMON
10-11. Bakit tayo nag-aalangan kung minsan na magdaos ng Bible study?
10 Gustong-gusto nating gumawa ng alagad pero baka nahihirapan tayo dahil may mga hamon. Pag-usapan natin ang ilan sa mga hamon at kung paano natin haharapin ang mga iyon.
11 Baka nalilimitahan tayo. Halimbawa, may-edad na o mahina ang kalusugan ng ilang kapatid. Ganiyan ba ang kalagayan mo? Kung oo, pag-isipan ang isa sa mga natutuhan natin sa COVID-19 pandemic. Makakapag-study pala tayo gamit ang mga gadyet natin at kahit nasa bahay lang tayo! Bukod diyan, may ilang gustong mag-Bible study pero hindi available sa panahong nangangaral ang mga kapatid. Baka maagang-maaga o gabing-gabi sila puwede. Makakapag-adjust ka ba para tulungan sila? Gabi noong tinuruan ni Jesus si Nicodemo, ang oras na pinili ni Nicodemo.—Juan 3:1, 2.
12. Ano ang makakapagbigay sa atin ng kumpiyansa na puwede tayong maging epektibong tagapagturo?
12 Baka wala tayong kumpiyansa sa kakayahan nating mag-Bible study. Baka iniisip natin na kulang pa ang alam natin o hindi pa 2 Cor. 3:5) Ikalawa, si Jesus na binigyan ng ‘lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa’ ang mismong nag-utos na magturo ka. (Mat. 28:18) Ikatlo, makakaasa kang tutulungan ka ng iba. Umasa si Jesus sa itinuro ng kaniyang Ama na sasabihin niya, at puwede mo ring gawin iyan. (Juan 8:28; 12:49) Puwede ka ring magpatulong sa tagapangasiwa ng grupo ninyo sa paglilingkod o kaya ay sa isang makaranasang payunir o kapatid para makapagpasimula at makapagdaos ng Bible study. Makakatulong din kung sasama ka sa pagba-Bible study nila.
tayo ganoon kahusay magturo. Kung ganiyan ang iniisip mo, pag-usapan natin ang tatlong makakapagbigay sa iyo ng kumpiyansa. Una, para kay Jehova, kuwalipikado kang magturo sa iba. (13. Bakit kailangan nating mag-adjust?
13 Baka nahihirapan tayong mag-adjust sa mga bagong paraan at tool. Nagbago na ang paraan ng pagba-Bible study natin ngayon. Ang ginagamit na natin ay ang publikasyong Masayang Buhay Magpakailanman. Ibang-iba ang paghahanda at paraan ng pagtuturo na kailangan dito. Mas kaunting parapo ang binabasa at mas nakakapag-usap ang tagapagturo at ang Bible study. Mas marami ding video at electronic tool gaya ng JW Library® ang ginagamit natin sa pagtuturo. Kung nahihirapan kang gamitin ang mga tool na ito, magpatulong sa iba. Madalas, ayaw na nating baguhin ang nakasanayan natin. Kaya nahihirapan tayong mag-adjust sa mga pagbabago. Pero sa tulong ni Jehova at ng iba, magiging mas madali sa iyo na mag-adjust at lalo kang gaganahang mag-study. Gaya ng sinabi ng isang payunir, sa bagong paraang ito, “nag-e-enjoy ang Bible study at ang tagapagturo.”
14. Ano ang dapat nating tandaan kung walang gaanong nakikinig sa teritoryo natin, at paano tayo napapatibay ng 1 Corinto 3:6, 7?
14 Baka mahirap makakuha ng Bible study sa teritoryo natin. Baka hindi interesado o ayaw talagang makinig ng mga tao sa mensahe natin. Ano ang makakatulong sa atin para hindi tayo masiraan ng loob? Tandaan na puwedeng biglang magbago ang kalagayan ng mga tao at baka maisip ng mga dating hindi interesado na kailangan nila ang Diyos. (Mat. 5:3) May ilan na hindi tumatanggap noon ng babasahin natin ang nagba-Bible study na ngayon. Alam din natin na si Jehova ang Panginoon ng pag-aani. (Mat. 9:38) Gusto niya na patuloy tayong magtanim at magdilig, at siya na ang bahalang magpalago. (1 Cor. 3:6, 7) At kahit wala tayong Bible study ngayon, nakakapagpatibay malaman na ginagantimpalaan tayo ni Jehova dahil sa mga pagsisikap natin at hindi dahil sa mga resulta nito! *
MAGING MASAYA SA PAGGAWA NG ALAGAD
15. Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nagpa-Bible study ang isa at isinabuhay ang mga natututuhan niya?
15 Tuwang-tuwa si Jehova kapag tinanggap ng isa ang katotohanan at sinasabi niya ito sa iba. (Kaw. 23:15, 16) Siguradong napakasaya ni Jehova habang nakikita niya ang nangyayari ngayon! Halimbawa, nitong 2020 taon ng paglilingkod, kahit na pandemic, 7,705,765 ang naidaos na Bible study at 241,994 ang nag-alay ng kanilang sarili kay Jehova at nagpabautismo. Ang mga bagong alagad naman na ito ay magkaka-Bible study rin at gagawa ng mas marami pang alagad. (Luc. ) Talagang napapasaya natin si Jehova kapag tumutulong tayo sa paggawa ng alagad. 6:40
16. Ano ang magandang maging goal natin?
16 Hindi madali ang paggawa ng alagad. Pero sa tulong ni Jehova, may magagawa tayo para maturuan ang mga tao na ibigin ang ating Ama sa langit. Puwede ba nating gawing goal na makapagpasimula at magkaroon ng kahit isang Bible study? Baka magulat tayo sa magiging resulta kung palagi tayong mag-aalok ng Bible study basta’t posible. Siguradong pagpapalain ni Jehova ang mga pagsisikap natin.
17. Ano ang mararamdaman natin kapag nagka-Bible study tayo?
17 Napakalaking pribilehiyo na ipangaral at ituro ang katotohanan sa iba! Napakasaya natin kapag ginagawa natin ito. Iyan ang naramdaman ni apostol Pablo, na maraming natulungan sa Tesalonica na maging alagad: “Sa panahon ng presensiya ng Panginoong Jesus, sino ba ang aming pag-asa o kagalakan o ipagmamalaking korona? Hindi ba kayo? Kayo ang aming kaluwalhatian at kagalakan.” (1 Tes. 2:19, 20; Gawa 17:1-4) Ganiyan din ang nararamdaman ng marami sa ngayon. Isa na rito si Stéphanie. Marami silang natulungan ng asawa niya na magpabautismo. Sinabi niya, “Wala nang mas sasaya pa sa pagtulong sa iba na ialay ang kanilang sarili kay Jehova.”
AWIT 57 Mangaral sa Lahat ng Uri ng Tao
^ par. 5 Binigyan tayo ni Jehova ng pribilehiyong mangaral sa iba, pero dapat din nating ituro sa kanila na tuparin ang lahat ng iniutos ni Jesus. Bakit gusto nating turuan ang iba? Ano ang mga hamon kapag nangangaral at nagtuturo tayo? At paano natin haharapin ang mga iyon? Sasagutin sa artikulong ito ang mga tanong na iyan.
^ par. 14 Para malaman ang papel natin sa paggawa ng alagad, tingnan ang artikulong “May Maitutulong ang Lahat Para Magpabautismo ang mga Bible Study” sa Marso 2021 isyu ng Bantayan.
^ par. 53 LARAWAN: Tingnan kung paano binabago ng pagba-Bible study ang buhay ng isang tao: Sa umpisa, parang walang direksiyon ang buhay ng lalaki at hindi niya kilala si Jehova. Pagkatapos, napangaralan siya ng mga Saksi at nagpa-Bible study. Dahil sa mga natutuhan niya, nag-alay siya at nagpabautismo. Di-nagtagal, tumutulong na rin siya sa paggawa ng alagad. Nang bandang huli, masayang-masaya na silang lahat sa Paraiso.