Manampalataya—Magdesisyon Nang Tama!
“Patuloy [na] humingi nang may pananampalataya, na walang anumang pag-aalinlangan.”—SANT. 1:6.
1. Ano ang nakaapekto sa pagdedesisyon ni Cain, at ano ang resulta nito?
KAILANGANG pumili si Cain: Daigin ang kaniyang negatibong emosyon o magpadaig dito. Anuman ang desisyon niya, makaaapekto ito sa buong buhay niya. Alam mo ang pinili ni Cain; at hindi siya naging matalino sa pagpili. Dahil dito, namatay ang tapat na kapatid niyang si Abel. At naapektuhan ng desisyon ni Cain ang kaugnayan niya sa kaniyang Maylikha.—Gen. 4:3-16.
2. Bakit napakahalagang maging matalino sa pagdedesisyon?
2 Napapaharap din tayo sa mga pagpili at pagpapasiya, at hindi naman laging buhay ang nakataya rito. Pero may malaking epekto sa atin ang marami sa ating mga desisyon at pagpili. Kaya kung matalino tayo sa pagpapasiya, magkakaroon tayo ng mapayapang buhay sa halip na mapunô ito ng kaguluhan, alitan, at kabiguan.—Kaw. 14:8.
3. (a) Para makagawa ng tamang desisyon, kanino at saan tayo dapat manampalataya? (b) Anong mga tanong ang tatalakayin natin?
3 Ano ang tutulong para makagawa tayo ng matatalinong desisyon? Kailangan nating manampalataya sa Diyos at huwag mag-alinlangan na gusto at kaya niya tayong tulungan. Dapat din tayong manampalataya sa Salita ni Jehova at sa paraan ng Santiago 1:5-8.) Habang napapalapít tayo sa kaniya at lumalalim ang pag-ibig natin sa kaniyang Salita, nagtitiwala tayo sa kaniyang pagpapasiya. Kaya magiging kaugalian na nating sumangguni muna sa Salita ng Diyos bago magdesisyon. Pero paano natin mapasusulong ang ating kakayahang magdesisyon? At kailangan ba nating panindigan ang mga pasiya natin anuman ang mangyari?
paggawa niya ng mga bagay-bagay, na nagtitiwala sa kaniyang kinasihang payo. (Basahin angBAHAGI NG BUHAY ANG PAGGAWA NG DESISYON
4. Anong pagpili ang napaharap kay Adan, at ano ang mga resulta nito?
4 Sa simula pa lang ng kasaysayan, ang mga lalaki at babae ay kailangan nang gumawa ng mahahalagang desisyon. Kailangang pumili si Adan kung kanino siya makikinig—sa kaniyang Maylikha o kay Eva. Nagpasiya naman siya, pero ano ang tingin mo sa desisyon niya? Dahil sa impluwensiya ng kaniyang asawa, maling-mali ang pagpiling nagawa ni Adan. Kaya naiwala niya ang buhay sa Paraiso, at nang maglaon, ang mismong buhay niya. Pero simula pa lang iyon ng masasaklap na resulta. Hanggang ngayon, pinagdurusahan pa rin natin ang desisyon ni Adan.
5. Ano ang dapat na maging pananaw natin sa paggawa ng desisyon?
5 Inaakala ng ilan na mas magaan ang buhay kung hindi natin kailangang gumawa ng mga desisyon. Ganiyan din ba ang iniisip mo? Tandaan, hindi nilikha ni Jehova ang mga tao na parang robot, na walang kakayahang mag-isip at magdesisyon. Ang totoo, tinuturuan tayo ng Bibliya kung paano makagagawa ng matatalinong desisyon. Gusto ni Jehova na gumawa tayo ng mga desisyon, pero hindi naman para mapahamak tayo. Tingnan natin ang ilang katibayan nito.
6, 7. Anong pagpili ang napaharap sa mga Israelita noon, at bakit nahirapan silang magdesisyon nang tama? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
6 Noong nakatira na sila sa Lupang Pangako, kailangang gumawa ang mga Israelita ng isang simple pero napakahalagang pagpili: Sambahin si Jehova o maglingkod sa ibang (mga) diyos. (Basahin ang Josue 24:15.) Mukhang napakadali ng desisyong iyon. Pero buhay nila ang nakataya rito. Noong panahon ng mga Hukom, paulit-ulit na gumawa ng maling desisyon ang mga Israelita. Tinalikuran nila si Jehova at sumamba sa huwad na mga diyos. (Huk. 2:3, 11-23) Nang maglaon, kinailangang magpasiya ang bayan ng Diyos. Sinabi ni propeta Elias ang mapagpipilian: Maglingkod kay Jehova o sa huwad na diyos na si Baal. (1 Hari 18:21) Sinaway ni Elias ang bayan dahil hindi sila makapagpasiya. Baka isipin mong madali lang naman ang desisyong iyon dahil laging tama at kapaki-pakinabang ang maglingkod kay Jehova. Sa katunayan, walang makatuwirang tao ang maaakit na sumamba kay Baal. Pero ang mga Israelitang iyon ay “iika-ika sa dalawang magkaibang opinyon.” Kaya pinasigla sila ni Elias na piliin ang nakahihigit na paraan ng pagsamba—ang pagsamba kay Jehova.
7 Bakit kaya nahirapan ang mga Israelitang iyon na gumawa ng tamang desisyon? Una, halos wala na silang pananampalataya kay Jehova at ayaw nilang makinig sa kaniya. Wala silang pundasyon ng tumpak na kaalaman o makadiyos na karunungan; hindi rin sila nagtitiwala kay Jehova. Kung mayroon sana silang tumpak na kaalaman, makagagawa sila ng matatalinong desisyon. (Awit 25:12) Isa pa, hinayaan nila ang iba na impluwensiyahan sila o magdesisyon pa nga para sa kanila. Naimpluwensiyahan ng mga taong hindi sumasamba kay Jehova ang pag-iisip ng mga Israelita, kung kaya naudyukan silang tularan ang mga paganong iyon. Matagal nang nagbabala si Jehova tungkol sa bagay na ito.—Ex. 23:2.
DAPAT BANG IPAUBAYA SA IBA ANG PAGDEDESISYON?
8. Anong mahalagang aral tungkol sa paggawa ng desisyon ang matututuhan natin sa kasaysayan ng Israel?
8 Malinaw ang aral sa mga halimbawang nabanggit. Tayo ang dapat gumawa ng mga desisyon natin, at ang matalinong pagpapasiya ay salig sa malalim na kaalaman sa Kasulatan. Ipinaaalaala ng Galacia 6:5: “Ang bawat isa ay magdadala ng kaniyang sariling pasan.” Hindi natin dapat ipaubaya sa iba ang pananagutan sa paggawa ng mga desisyon. Sa halip, dapat nating alamin kung ano ang tama sa paningin ng Diyos at gawin ito.
9. Bakit mapanganib na hayaang iba ang magpasiya para sa atin?
9 Pero baka matukso tayong ipasa sa iba ang paggawa ng desisyon. Dahil sa panggigipit ng mga kasama, baka mali ang maging desisyon natin. (Kaw. 1:10, 15) Pero gaano man katindi ang panggigipit ng iba, pananagutan pa rin nating sundin ang ating budhing sinanay sa Bibliya. Sa maraming kaso, kapag hinayaan nating iba ang magdesisyon para sa atin, ang totoo, ipinapasiya nating sumunod sa kanila. Nagpasiya nga tayo, pero posibleng ikapahamak natin ito.
10. Ano ang babala ni Pablo sa mga taga-Galacia?
10 Binabalaan ni apostol Pablo ang mga taga-Galacia sa panganib ng pagpapahintulot sa iba na magdesisyon para sa kanila. (Basahin ang Galacia 4:17.) May ilan sa kongregasyon na gustong magdesisyon para sa iba para ilayo ang mga ito sa mga apostol. Bakit? Ang mga makasariling iyon ay naghahangad na maging prominente. Lumampas sila sa tamang hangganan at hindi nila nirespeto ang pananagutan ng mga kapuwa Kristiyano na gumawa ng sariling pagpapasiya.
11. Paano natin matutulungan ang iba sa paggawa nila ng personal na mga desisyon?
11 Iginalang ni Pablo ang karapatang magdesisyon ng kaniyang mga kapatid, at 2 Corinto 1:24.) Sa ngayon, kapag nagbibigay ng payo tungkol sa personal na pagpapasiya, dapat tularan ng mga elder si Pablo. Masaya silang nagbabahagi ng salig-Bibliyang impormasyon sa kawan. Pero dapat nilang hayaan ang mga kapatid na gumawa ng sariling desisyon. Tama lang ito dahil ang mga indibiduwal na iyon ang mananagot sa mga resulta ng kanilang pasiya. Ito ang mahalagang aral: Puwede tayong tumulong sa iba at itawag-pansin ang mga simulain at payo sa Kasulatan. Pero karapatan at pananagutan pa rin nila na gumawa ng sariling pasiya. Kapag nagdesisyon sila nang tama, makikinabang sila. Maliwanag, hindi natin dapat isipin na awtorisado tayong magdesisyon para sa ating mga kapatid.
nagpakita siya ng magandang halimbawa. (Basahin angKAPAG NANANAIG ANG EMOSYON
12, 13. Bakit mapanganib na basta na lang sundin ang ating puso kapag galít tayo o pinanghihinaan ng loob?
12 May isang sikat na kasabihan: Sundin mo ang puso mo. Pero mapanganib iyan at hindi rin makakasulatan. Binabalaan tayo ng Bibliya na huwag hayaang manaig ang ating di-sakdal na puso o emosyon kapag gumagawa ng desisyon. (Kaw. 28:26) Ipinakikita rin ng mga ulat sa Bibliya ang masasaklap na resulta ng pagsunod sa puso. Bakit? Dahil “ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at mapanganib.” (Jer. 3:17; 13:10; 17:9; 1 Hari 11:9) Kaya ano ang puwedeng mangyari kung basta na lang natin susundin ang ating puso?
13 Mahalaga ang puso ng isang Kristiyano dahil inuutusan tayong ibigin si Jehova nang ating buong puso at ibigin ang ating kapuwa gaya ng ating sarili. (Mat. 22:37-39) Pero ipinakikita ng mga tekstong binanggit sa nakaraang parapo na mapanganib kung hahayaan nating diktahan ng ating emosyon ang ating pag-iisip at pagkilos. Halimbawa, ano kaya ang mangyayari kung magdedesisyon tayo habang galít? Kung nagawa na natin iyan, alam natin ang sagot. (Kaw. 14:17; 29:22) O makagagawa kaya tayo ng mahusay na desisyon kung pinanghihinaan tayo ng loob? (Bil. 32:6-12; Kaw. 24:10) Tandaan, ipinakikita ng Salita ng Diyos na isang karunungan ang maging “alipin . . . ng kautusan ng Diyos.” (Roma 7:25) Maliwanag, madadaya tayo ng ating emosyon kung hahayaan natin itong manaig kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon.
KAPAG KAILANGANG MAGBAGO NG ISIP
14. Bakit masasabing angkop kung minsan na magbago ng desisyon?
14 Dapat tayong gumawa ng matatalinong desisyon. Pero hindi ito nangangahulugan na paninindigan na natin ang bawat pasiya natin. May mga pagkakataong kailangan nating pag-isipang muli ang isang desisyon at baka baguhin pa nga ito. Tingnan ang halimbawa ni Jehova may kinalaman sa mga Ninevita noong panahon ni Jonas. “Nakita ng tunay na Diyos ang kanilang mga gawa, na tinalikuran nila ang kanilang masamang lakad; sa gayon ay ikinalungkot ng tunay na Diyos ang kapahamakan na sinalita niyang pangyayarihin sa kanila; at hindi niya iyon pinangyari.” (Jon. 3:10) Nang makita niyang nagsisisi ang mga Ninevita, binago ni Jehova ang kaniyang pasiya. Naging makatuwiran, mapagpakumbaba, at mahabagin siya. Isa pa, hindi kumikilos ang Diyos dahil sa silakbo ng galit, na madalas mangyari sa maraming tao.
15. Ano ang maaaring umakay sa atin na magbago ng desisyon?
15 Kung minsan, makabubuting pag-isipan nating muli ang ating pagpili at desisyon. 1 Hari 21:20, 21, 27-29; 2 Hari 20:1-5) O baka may nalaman tayong bagong impormasyon. Halimbawa, pilipit ang unang impormasyon na ibinigay kay Haring David tungkol sa apo ni Saul na si Mepiboset. Nang malaman ni David ang totoo, binago niya ang kaniyang desisyon. (2 Sam. 16:3, 4; 19:24-29) Kung minsan, katalinuhan ding baguhin ang ating pasiya.
Posibleng dahil ito sa nagbagong mga kalagayan. May mga pagkakataong binago ni Jehova ang kaniyang pasiya nang magbago ang mga sitwasyon. (16. (a) Ano ang ilang payo para makagawa ng matatalinong desisyon? (b) Ano ang dapat na maging pananaw natin sa mga desisyong nagawa na natin?
16 Pinapayuhan tayo ng Salita ng Diyos na huwag magpadalos-dalos kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon. (Kaw. 21:5) Kapag naglalaan tayo ng panahon para timbang-timbangin ang lahat ng anggulo at impormasyong kaugnay ng isang desisyon, malamang na magtagumpay tayo. (1 Tes. 5:21) Bago magdesisyon, ang ulo ng pamilya ay dapat munang magsaliksik sa Kasulatan at sa ating mga publikasyon, at isaalang-alang din ang opinyon at pananaw ng mga kapamilya niya. Alalahanin na hinimok ng Diyos si Abraham na pakinggan ang sasabihin ng kaniyang asawa. (Gen. 21:9-12) Dapat ding maglaan ng panahon ang mga elder sa pagsasaliksik. At kung makatuwiran sila at mapagpakumbaba, hindi sila matatakot na mapahiya kung may malaman silang bago at kaugnay na impormasyon na puwedeng magpabago sa kanilang desisyon. Kung angkop, dapat na handa silang magbago ng isip at pasiya, at dapat nating tularan ang kanilang halimbawa. Magdudulot ito ng kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon.—Gawa 6:1-4.
ISAGAWA ANG DESISYON
17. Paano tayo mas magiging matagumpay sa pagdedesisyon?
17 May mga desisyong mas mabibigat kaysa sa iba, na nangangailangan ng higit na panahon para pag-isipan at ipanalangin. Halimbawa, ang ilang Kristiyano ay napapaharap sa pagpapasiya kung mag-aasawa sila at kung sino ang pipiliin nila. Ang isa pang seryosong desisyon na puwedeng umakay sa maraming pagpapala ay kung paano at kailan papasok sa buong-panahong ministeryo. Sa ganitong mga sitwasyon, mahalagang magtiwala na maglalaan si Jehova ng patnubay. (Kaw. 1:5) Kaya kailangan nating alamin ang payo ng Bibliya at manalangin kay Jehova. Tandaan din na maibibigay ni Jehova ang mga katangiang kailangan natin para makapagdesisyon kaayon ng kaniyang kalooban. Kapag napapaharap sa mahahalagang pagpapasiya, ugaliing itanong: ‘Makikita ba sa desisyong ito na mahal ko si Jehova? Magdudulot ba ito ng kagalakan at kapayapaan sa pamilya ko? Makikita ba rito na matiisin at mabait ako?’
18. Bakit inaasahan ni Jehova na tayo ang gagawa ng ating sariling desisyon?
18 Hindi tayo pinipilit ni Jehova na ibigin siya at paglingkuran. Tayo ang dapat magpasiya. Dahil binigyan niya tayo ng malayang kalooban, nirerespeto niya ang pananagutan at karapatan nating ‘piliin para sa ating sarili’ kung paglilingkuran natin siya. (Jos. 24:15; Ecles. 5:4) Pero inaasahan niyang isasagawa natin ang mga desisyong ginawa natin batay sa kaniyang patnubay. Kung mananampalataya tayo sa mga simulain ni Jehova at sa paraan ng paggawa niya ng mga bagay-bagay, makapagdedesisyon tayo nang tama at mapatutunayan nating matatag tayo sa lahat ng ating daan.—Sant. 1:5-8; 4:8.