Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PANANALITA SA BIBLIYA

“Pinatawad Niya ang mga Kasalanan Noon”

“Pinatawad Niya ang mga Kasalanan Noon”

Mapapatawad lang ang mga kasalanan natin dahil sa haing pantubos na binayaran ni Jesus sa pamamagitan ng dugo niya. (Efe. 1:7) Pero sinasabi ng Bibliya na bago pa ibigay ni Jesus ang pantubos, “pinatawad [na ng Diyos] ang mga kasalanan noon habang nagtitimpi siya.” (Roma 3:25) Nang gawin ito ni Jehova, paano pa rin niya napanatili ang pamantayan niya ng katarungan?

Para kay Jehova, mula nang ipangako niya na magkakaroon ng isang “supling” na magliligtas sa mga taong may pananampalataya, parang naibayad na rin ang pantubos. (Gen. 3:15; 22:18) Siguradong-sigurado ang Diyos na kusang ibibigay ng kaisa-isa niyang Anak ang pantubos sa takdang panahon. (Gal. 4:4; Heb. 10:​7-10) Noong nasa lupa si Jesus bilang kinatawan ng Diyos, may awtoridad siya na magpatawad ng mga kasalanan. Nagawa niya iyon kasi alam niya na ihahandog niya ang kaniyang sarili para matubos ang mga may pananampalataya.​—Mat. 9:​2-6.