ARALING ARTIKULO 46
Lakasan Mo ang Loob Mo—Tutulungan Ka ni Jehova
“Hinding-hindi kita iiwan, at hinding-hindi kita pababayaan.”—HEB. 13:5.
AWIT 55 Huwag Matakot sa Kanila!
NILALAMAN *
1. Ano ang makakatulong sa atin kapag pakiramdam natin ay nag-iisa tayo o napapabigatan ng mga problema? (Awit 118:5-7)
MINSAN ba, pakiramdam mo, nag-iisa ka at walang tumutulong sa iyo sa problema mo? Naranasan din iyan ng marami, pati na ng tapat na mga lingkod ni Jehova. (1 Hari 19:14) Kapag nangyari iyan sa iyo, tandaan ang pangako ni Jehova: “Hinding-hindi kita iiwan, at hinding-hindi kita pababayaan.” Kaya masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot.” (Heb. 13:5, 6) Isinulat iyan ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Judea noong mga 61 C.E. Ipinapaalala niyan sa atin ang binabanggit sa Awit 118:5-7.—Basahin.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito, at bakit?
2 Gaya ng salmista, alam ni Pablo na tutulungan siya ni Jehova dahil maraming beses na niyang naranasan iyon. Halimbawa, mahigit dalawang taon bago niya isulat ang liham niya sa mga Hebreo, nakaligtas si Pablo sa napakalakas na bagyo habang naglalayag. (Gawa 27:4, 15, 20) Sa paglalakbay na iyon at bago nito, tinulungan ni Jehova si Pablo sa iba’t ibang paraan. Tatalakayin natin ang tatlo sa mga ito. Tumulong si Jehova sa pamamagitan ni Jesus at ng mga anghel, ng mga nasa awtoridad, at ng mga kapananampalataya. Sa pagrerepaso sa buhay ni Pablo, lalong titibay ang pagtitiwala natin sa pangako ng Diyos na sasagutin Niya ang ating paghingi ng tulong.
TULONG MULA KAY JESUS AT SA MGA ANGHEL
3. Ano ang posibleng naisip ni Pablo, at bakit?
3 Nangailangan si Pablo ng tulong. Noong mga 56 C.E., kinaladkad siya ng mga tao palabas ng templo sa Jerusalem at Gawa 21:30-32; 22:30; 23:6-10) Noong panahong iyon, baka naisip ni Pablo, ‘Hanggang kailan ko kaya ito makakayanan?’
pinagtangkaang patayin. Kinabukasan, nang dalhin si Pablo sa Sanedrin, muntik na siyang mapatay ng mga kaaway niya. (4. Paano ginamit ni Jehova si Jesus para tulungan si Pablo?
4 Anong tulong ang natanggap ni Pablo? Nang sumunod na gabi, matapos arestuhin si Pablo, tumayo sa tabi niya si Jesus, ang “Panginoon,” at nagsabi: “Lakasan mo ang loob mo! Dahil kung paanong lubusan kang nagpapatotoo tungkol sa akin sa Jerusalem, gayon ka rin magpapatotoo sa Roma.” (Gawa 23:11) Siguradong napatibay si Pablo! Kinomendahan ni Jesus si Pablo dahil nagpatotoo ito sa Jerusalem. At nangako siyang ligtas na makakarating si Pablo sa Roma, kung saan magpapatotoo din ito. Dahil sa pangakong iyon, siguradong napanatag si Pablo gaya ng isang batang yakap ng kaniyang ama.
5. Paano ginamit ni Jehova ang isang anghel para tulungan si Pablo? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)
5 Ano pang problema ang hinarap ni Pablo? Mga dalawang taon matapos ang mga nangyari sa Jerusalem, nakaranas si Pablo ng malakas na bagyo habang naglalayag papuntang Italya. Naisip ng mga tripulante at pasahero na mamamatay na sila. Pero hindi natakot si Pablo. Bakit? Sinabi niya sa kanila: “Ngayong gabi, ang Diyos na nagmamay-ari sa akin at pinaglilingkuran ko ay nagsugo ng isang anghel, at sinabi nito: ‘Huwag kang matakot, Pablo. Tatayo ka sa harap ni Cesar, at ililigtas ng Diyos ang lahat ng kasama mo sa barko.’” Ginamit ni Jehova ang isang anghel para ulitin ang pangakong ibinigay Niya kay Pablo sa pamamagitan ni Jesus. At nakarating nga si Pablo sa Roma.—Gawa 27:20-25; 28:16.
6. Ano ang ipinangako ni Jesus sa atin, at bakit ito nakakapagpatibay?
6 Anong tulong ang natatanggap natin? Gaya ng ginawa ni Jesus kay Pablo, tutulungan din niya tayo. Halimbawa, nangako si Jesus sa lahat ng tagasunod niya: “Makakasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa katapusan ng sistemang ito.” (Mat. 28:20) Nakakapagpatibay iyan sa atin. Bakit? Kasi may mga araw na nakakaranas tayo ng mabibigat na problema. Halimbawa, kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay, kailangan nating tiisin ang sakit, hindi lang nang ilang araw kundi malamang, nang maraming taon. Ang iba ay nahihirapan dahil sa pagtanda. Pinaglalabanan naman ng iba ang depresyon. Pero nakakapagtiis tayo dahil alam natin na kasama natin si Jesus sa “lahat ng araw,” kahit na sa pinakamahihirap na panahon ng ating buhay.—Mat. 11:28-30.
7. Ayon sa Apocalipsis 14:6, paano tayo tinutulungan ni Jehova sa ngayon?
Heb. 1:7, 14) Halimbawa, tinutulungan tayo at pinapatnubayan ng mga anghel habang nangangaral ng ‘mabuting balita tungkol sa Kaharian’ sa mga tao ng “bawat bansa at tribo at wika.”—Mat. 24:13, 14; basahin ang Apocalipsis 14:6.
7 Tinitiyak sa atin ng Bibliya na ginagamit ni Jehova ang mga anghel para tulungan tayo. (TULONG MULA SA MGA NASA AWTORIDAD
8. Paano ginamit ni Jehova ang kumandante ng militar para tulungan si Pablo?
8 Anong tulong ang natanggap ni Pablo? Noong 56 C.E., tiniyak ni Jesus kay Pablo na makakarating siya sa Roma. Pero nagplano ang ilang Judio sa Jerusalem na tambangan si Pablo para patayin. Nang malaman ng Romanong kumandante ng militar na si Claudio Lisias ang plano nila, tinulungan niya si Pablo. Agad niyang pinapunta si Pablo—kasama ang maraming sundalo—sa Cesarea at pinadaan sa ruta na mga 105 kilometro mula sa Jerusalem. Sa Cesarea, ipinag-utos ni Gobernador Felix na “ibilanggo [si Pablo] sa palasyo ni Herodes.” Ligtas na si Pablo sa mga gustong pumatay sa kaniya.—Gawa 23:12-35.
9. Paano tinulungan ni Gobernador Festo si Pablo?
9 Makalipas ang dalawang taon, nasa bilangguan pa rin si Pablo sa Cesarea. Pinalitan na ni Festo si Felix sa pagiging gobernador. Nakiusap ang mga Judio kay Festo na dalhin si Pablo sa Jerusalem para litisin, pero tumanggi si Festo. Posibleng alam na ng gobernador ang plano ng mga Judio na “tambangan sa daan si Pablo para patayin.”—Gawa 24:27–25:5.
10. Ano ang sinabi ni Gobernador Festo nang sabihin ni Pablo na gusto niyang umapela kay Cesar?
10 Nang maglaon, nilitis si Pablo sa Cesarea. “Dahil gusto ni Festo na makuha ang pabor ng mga Judio, sinabi niya kay Pablo: ‘Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem para doon kita hatulan?’” Alam ni Pablo na posibleng mapatay siya sa Jerusalem, at alam din niya ang gagawin para hindi siya mapahamak—ang pumunta sa Roma—at maipagpatuloy ang pangangaral. Sinabi niya: “Umaapela ako kay Cesar!” Matapos kausapin ni Festo ang mga tagapayo niya, sinabi niya kay Pablo: “Kay Cesar ka umapela, kay Cesar ka pupunta.” Dahil sa desisyon ni Festo, nailigtas si Pablo sa mga kaaway nito. Malapit nang pumunta si Pablo sa Roma—malayo sa mga Judio na gustong pumatay sa kaniya.—Gawa 25:6-12.
11. Anong nakakapagpatibay na sinabi ni Isaias ang posibleng pinag-isipan ni Pablo?
11 Habang hinihintay ni Pablo ang kaniyang paglalayag papuntang Italya, posibleng pinag-isipan niya ang babala ni propeta Isaias sa mga kumakalaban kay Jehova: “Bumuo kayo ng plano, pero mabibigo iyon! Sabihin ninyo ang gusto ninyo, pero hindi iyon mangyayari, dahil sumasaamin ang Diyos!” (Isa. 8:10) Alam ni Pablo na tutulungan siya ng Diyos, at napatibay siya nito na harapin ang mga problemang darating.
12. Paano pinakitunguhan ni Julio si Pablo, at ano ang posibleng nadama ni Pablo dahil dito?
12 Noong 58 C.E., naglayag si Pablo papuntang Italya. Dahil bilanggo siya, binantayan siya ng Romanong opisyal ng hukbo na si Julio. Kaya may awtoridad si Julio na gawing miserable o maalwan ang buhay ni Pablo. Paano ginamit ni Julio ang awtoridad niya? Kinabukasan, nang dumaong sila, “naging Gawa 27:1-3, 42-44.
mabait si Julio kay Pablo at hinayaan siyang makipagkita sa mga kaibigan niya.” May pagkakataon pa ngang iniligtas ni Julio ang buhay ni Pablo. Paano? Gusto ng mga sundalo na patayin ang lahat ng bilanggo sa barko, pero pinigilan sila ni Julio. Bakit? ‘Gusto niyang madala nang ligtas si Pablo.’ Posibleng nadama ni Pablo na ginagamit ni Jehova ang mabait na opisyal na ito para tulungan at protektahan siya.—13. Paano puwedeng gamitin ni Jehova ang mga nasa awtoridad?
13 Anong tulong ang natatanggap natin? Kung naaayon sa layunin ni Jehova, puwede niyang gamitin ang kaniyang makapangyarihang banal na espiritu para gawin ng mga nasa awtoridad ang kalooban niya. Isinulat ni Haring Solomon: “Ang puso ng hari ay gaya ng dumadaloy na tubig sa kamay ni Jehova. Ibinabaling Niya iyon saanman Niya gustuhin.” (Kaw. 21:1) Ano ang ibig sabihin nito? Puwedeng maghukay ang mga tao ng kanal para mabago ang daloy ng tubig papunta sa direksiyong gusto nila. Sa katulad na paraan, puwedeng gamitin ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu para mabago ang isip ng mga tagapamahala at gawin nila ang kalooban niya. Kapag nangyari iyan, ang mga nasa awtoridad ay makakagawa ng desisyong pabor sa bayan ng Diyos.—Ihambing ang Ezra 7:21, 25, 26.
14. Gaya ng mababasa sa Gawa 12:5, sino-sino ang puwede nating ipanalangin?
14 Ano ang puwede nating gawin? Puwede nating ipanalangin ‘ang mga hari at ang lahat ng nasa awtoridad’ na gagawa ng mga desisyong makakaapekto sa ating buhay at ministeryong Kristiyano. (1 Tim. 2:1, 2, tlb.; Neh. 1:11) Gaya ng ginawa ng unang-siglong mga Kristiyano, puwede rin nating marubdob na ipanalangin ang mga kapatid nating nakabilanggo. (Basahin ang Gawa 12:5; Heb. 13:3) Puwede rin nating ipanalangin ang mga guwardiya sa bilangguan na nagbabantay sa mga kapatid natin. Puwede tayong makiusap kay Jehova na impluwensiyahan niya ang isip ng gayong mga tao para maging gaya sila ni Julio at ‘maging mabait’ sa mga kapatid nating nakabilanggo.—Gawa 27:3.
TULONG MULA SA MGA KAPANANAMPALATAYA
15-16. Paano ginamit ni Jehova sina Aristarco at Lucas para tulungan si Pablo?
15 Anong tulong ang natanggap ni Pablo? Sa paglalakbay ni Pablo papuntang Roma,
maraming beses na ginamit ni Jehova ang mga kapananampalataya ni Pablo para tulungan ito. Pag-usapan natin ang ilang halimbawa.16 Sumama kay Pablo ang dalawang tapat na kaibigan niya, sina Aristarco at Lucas, papuntang Roma. * Isinapanganib nila ang buhay nila para kay Pablo, dahil lumilitaw na hindi naman sila pinangakuan ni Jesus na ligtas silang makakarating sa Roma. Saka lang nila nalaman na maliligtas sila noong naglalayag na sila at bumabagyo. Kaya nang sumakay ng barko sa Cesarea sina Aristarco at Lucas, siguradong nanalangin si Pablo kay Jehova para magpasalamat sa tulong na inilaan Niya sa pamamagitan ng dalawang kapananampalatayang ito na malakas ang loob.—Gawa 27:1, 2, 20-25.
17. Paano ginamit ni Jehova ang mga kapananampalataya ni Pablo para tulungan siya?
17 Sa paglalakbay ni Pablo, maraming beses siyang natulungan ng mga kapananampalataya niya. Halimbawa, nang dumaong sila sa lunsod ng Sidon, hinayaan ni Julio si Pablo na “makipagkita sa mga kaibigan niya at maasikaso ng mga ito.” At pagdating ni Pablo at ng mga kaibigan niya sa lunsod ng Puteoli, ‘may nakita silang mga kapatid at hiniling ng mga ito na manatili sila roon nang pitong araw.’ Habang inaasikaso ng mga kapatid doon ang mga pangangailangan ni Pablo at ng mga kaibigan niya, siguradong natuwa at napatibay ang mga kapatid sa mga karanasang ikinuwento ni Pablo. (Ihambing ang Gawa 15:2, 3.) Matapos ang nakakapagpatibay na samahan, ipinagpatuloy ni Pablo at ng mga kaibigan niya ang paglalakbay.—Gawa 27:3; 28:13, 14.
18. Bakit pinasalamatan ni Pablo ang Diyos, at bakit siya nagkaroon ng lakas ng loob?
18 Habang papunta si Pablo sa Roma, siguradong naalala niya ang isinulat niya sa kongregasyon sa lunsod na iyon tatlong taon na ang nakakaraan: “Maraming taon ko nang inaasam na makapunta sa inyo.” Roma 15:23) Pero hindi niya akalaing bilanggo siyang pupunta roon. Siguradong napatibay siya nang makita niya ang mga kapatid sa Roma na naghihintay sa daan para salubungin siya! “Nang makita sila ni Pablo, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang loob niya.” (Gawa 28:15) Pansinin na pinasalamatan ni Pablo ang Diyos nang makita niya ang mga kapatid. Bakit? Dahil nadama ulit ni Pablo na ginagamit ni Jehova ang mga kapananampalataya niya para tulungan siya.
(19. Ayon sa 1 Pedro 4:10, paano tayo puwedeng gamitin ni Jehova para tulungan ang mga nangangailangan?
19 Ano ang puwede nating gawin? May kilala ka bang mga kapatid sa kongregasyon na nahihirapan dahil sa sakit o iba pang problema? O baka namatayan sila ng mahal sa buhay. Kung may alam tayong kapatid na nangangailangan, puwede tayong manalangin kay Jehova na tulungan tayong makapagsabi o makagawa ng kabaitan sa taong iyon. Malay mo, iyon pala ang pampatibay na kailangan ng ating kapatid. (Basahin ang 1 Pedro 4:10.) * Kapag ginawa natin iyon, lalo siyang magtitiwala sa pangako ni Jehova: “Hinding-hindi kita iiwan, at hinding-hindi kita pababayaan.” Nakakatuwa iyon, hindi ba?
20. Bakit natin masasabi: “Si Jehova ang tumutulong sa akin”?
20 Gaya ni Pablo at ng mga kaibigan niya, may pinagdadaanan din tayong mga problema. Pero malakas ang loob natin na harapin ang mga iyon dahil alam nating kasama natin si Jehova. Ginagamit niya si Jesus at ang mga anghel para tulungan tayo. Kung naaayon sa layunin niya, puwede rin niyang gamitin ang mga nasa awtoridad para tulungan tayo. At gaya ng nararanasan natin, ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu para pakilusin ang mga lingkod niya na tulungan ang mga kapatid na nangangailangan. Kaya gaya ni Pablo, masasabi rin natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”—Heb. 13:6.
AWIT 38 Tutulungan Ka Niya
^ par. 5 Tatalakayin sa artikulong ito ang tatlong paraan kung paano tinulungan ni Jehova si apostol Pablo na maharap ang mahihirap na sitwasyon. Kapag nirepaso natin kung paano tinulungan ni Jehova ang mga lingkod niya noon, lalo tayong magtitiwala na tutulungan tayo ni Jehova sa mga problema natin.
^ par. 16 Dati nang nakasama ni Pablo sa paglalakbay sina Aristarco at Lucas. Hindi rin nila iniwan si Pablo noong nabilanggo siya sa Roma.—Gawa 16:10-12; 20:4; Col. 4:10, 14.
^ par. 19 Tingnan ang Bantayan, Enero 15, 2009, p. 13-14, par. 5-9.