ARALING ARTIKULO 42
Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
“Laging bigyang-pansin ang sarili mo at ang itinuturo mo.”—1 TIM. 4:16.
AWIT 77 Liwanag sa Mundong Madilim
NILALAMAN *
1. Paano natin nalamang nagliligtas-buhay ang paggawa ng alagad?
NAGLILIGTAS-BUHAY ang paggawa ng alagad! Paano natin nalaman? Nang ibigay ni Jesus ang utos sa Mateo 28:19, 20, sinabi niya: “Humayo kayo at gumawa ng mga alagad . . . , na binabautismuhan sila.” Gaano ba kahalaga ang bautismo? Kailangang-kailangan ito para makaligtas. Ang kandidato sa bautismo ay dapat na naniniwalang naging posible lang ang kaligtasan dahil namatay si Jesus at binuhay-muli. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni apostol Pedro sa mga kapuwa niya Kristiyano: “Ang bautismo . . . ay nagliligtas din ngayon sa inyo . . . sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo.” (1 Ped. 3:21) Kaya kapag nabautismuhan ang isa, may pag-asa na siyang maligtas.
2. Ayon sa 2 Timoteo 4:1, 2, dapat na maging anong uri tayo ng tagapagturo?
2 Para makagawa ng mga alagad, dapat na ‘mahusay tayo sa pagtuturo.’ (Basahin ang 2 Timoteo 4:1, 2.) Bakit? Kasi iniutos ni Jesus: ‘Humayo kayo at gumawa ng mga alagad, na tinuturuan sila.’ Sinabi ni apostol Pablo na “ibigay mo ang buong makakaya mo” sa gawaing iyon, “dahil sa paggawa nito ay maililigtas mo ang iyong sarili at ang mga nakikinig sa iyo.” Kaya tama lang na sabihin ni Pablo: “Laging bigyang-pansin . . . ang itinuturo mo.” (1 Tim. 4:16) Dahil kailangan nating magturo para makagawa ng alagad, gusto nating ibigay ang ating buong makakaya sa pagtuturo.
3. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito tungkol sa pagba-Bible study?
3 Milyon-milyon ang regular nating tinuturuan ng katotohanan sa Bibliya. Pero gaya ng binanggit sa naunang artikulo,
gusto nating malaman kung paano natin matutulungan ang mas marami sa kanila na maging bautisadong alagad ni Jesu-Kristo. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang lima pang bagay na kailangang gawin ng mga tagapagturo para matulungan ang Bible study nila na sumulong at magpabautismo.HAYAANG BIBLIYA ANG MAGTURO
4. Bakit dapat na may pagpipigil sa sarili ang tagapagturo kapag nagba-Bible study? (Tingnan din ang talababa.)
4 Gustong-gusto natin ang itinuturo natin mula sa Salita ng Diyos. Kaya baka hindi natin mapigilang magsalita nang magsalita tungkol dito. Pero ang conductor ng Pag-aaral sa Bantayan, Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya, o Bible study ay hindi dapat masyadong maraming sinasabi. Para Bibliya mismo ang magturo, dapat pigilan ng tagapagturo ang sarili niya at huwag sabihin ang lahat ng alam niya tungkol sa isang teksto o paksa. * (Juan 16:12) Ikumpara ang alam mo sa Bibliya noong bautismuhan ka sa alam mo ngayon. Malamang na mga pangunahing turo lang ang alam mo noon. (Heb. 6:1) Mga taon ang lumipas bago mo natutuhan ang mga alam mo ngayon, kaya huwag ituro sa Bible study mo ang lahat ng alam mo sa isang upuan lang.
5. (a) Kaayon ng 1 Tesalonica 2:13, ano ang gusto nating maintindihan ng Bible study natin? (b) Paano natin mapapasigla ang Bible study na sabihin sa iba ang natututuhan niya?
5 Gusto nating maintindihan ng Bible study na galing sa Bibliya ang natututuhan niya. (Basahin ang 1 Tesalonica 2:13.) Paano natin iyan magagawa? Pasiglahin ang Bible study na sabihin sa iba ang natututuhan niya. Imbes na laging ikaw ang nagpapaliwanag ng teksto, hilingin na siya naman ang magpaliwanag sa iyo. Tulungan ang study mo na makita kung paano nakakatulong sa kaniya ang Bibliya. Gumamit ng mga tanong para masabi ng study mo ang iniisip at nararamdaman niya tungkol sa mga tekstong binabasa. (Luc. 10:25-28) Halimbawa, tanungin siya: “Paano nakatulong sa iyo ang tekstong ito para makita ang isang katangian ni Jehova?” “Paano makakatulong sa iyo ang katotohanang ito sa Bibliya?” “Ano ang masasabi mo sa natutuhan mo ngayon?” (Kaw. 20:5) Ang pinakamahalaga ay hindi kung gaano karami ang alam ng study mo, kundi kung gaano niya pinapahalagahan at isinasabuhay ang natututuhan niya.
6. Bakit makakabuting magsama ng makaranasang tagapagturo sa pagba-Bible study?
Gawa 18:24-26.) Puwede mo ring itanong sa makaranasang kapatid kung sa tingin niya ay naiintindihan ng Bible study mo ang pinag-aaralan. Puwede mo ring pakisuyuan ang kapatid na iyon na siya ang magturo sa study mo kung mawawala ka nang isang linggo o higit pa. Kaya magiging regular ang pag-aaral at maididiin sa study mo kung gaano ito kahalaga. Huwag isipin na ikaw ang “may-ari” sa study mo at walang ibang puwedeng magturo sa kaniya. Ang gusto mo ay ang pinakamabuti para sa study mo para marami pa siyang matutuhan.
6 Nasubukan mo na bang magsama ng makaranasang mga kapatid sa pagba-Bible study? Puwede mo silang tanungin kung ano ang masasabi nila sa paraan mo ng pagtuturo at kung mahusay mong nagagamit ang Bibliya. Kung gusto mong maging mahusay na tagapagturo, dapat kang maging mapagpakumbaba. (Ihambing angMAGTURO NANG MAY SIGLA AT KOMBIKSIYON
7. Ano ang makakatulong para mas pahalagahan ng Bible study mo ang natututuhan niya?
7 Dapat na maging masigla ang paraan ng pagtuturo mo para makita ng Bible study mo na mahalaga sa iyo ang katotohanan at kumbinsido ka rito. (1 Tes. 1:5) Kung gagawin mo iyan, malamang na mas pahalagahan niya ang natututuhan niya. Baka puwede mong ikuwento kung paano nakatulong sa iyo ang pagsunod sa mga prinsipyo sa Bibliya para makita niyang makakatulong din sa kaniya ang pagsunod dito.
8. Ano pa ang puwede mong gawin para matulungan ang Bible study mo, at bakit?
8 Kapag nagba-Bible study kayo, ikuwento ang karanasan ng mga kapatid na kapareho niya ang problema at kung paano nila ito nalampasan. Puwede kang magsama ng kakongregasyon mo na makakatulong sa kaniya. O puwede kang maghanap ng nakakapagpatibay na mga karanasan sa jw.org sa seryeng “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay.” * Ang gayong mga artikulo at video ay makakatulong sa study mo na makitang makakabuti sa kaniya ang pagsunod sa mga prinsipyo sa Bibliya.
9. Paano mo mapapasigla ang Bible study mo na ikuwento sa mga kapamilya at kaibigan niya ang natututuhan niya?
9 Kung may asawa ang study mo, nagba-Bible study rin ba ito? Kung hindi, yayain ito Juan 1:40-45) Paano? Puwede mo siyang tanungin: “Paano mo ipapaliwanag ang turong ito sa kapamilya mo?” o “Anong teksto ang gagamitin mo para maipaliwanag ito sa kaibigan mo?” Sa paggawa nito, sinasanay mo siyang maging tagapagturo. At kapag kuwalipikado na siya, puwede na siyang sumama sa ministeryo bilang di-bautisadong mamamahayag. Puwede mo siyang tanungin kung may kakilala siyang gustong mag-Bible study. Kung mayroon, kontakin ito agad at alukan ng Bible study. Ipapanood dito ang videong Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya? *
na sumama sa pag-aaral ninyo. Pasiglahin ang Bible study mo na ikuwento sa mga kapamilya at kaibigan niya ang natututuhan niya. (PASIGLAHIN ANG BIBLE STUDY MO NA MAKIPAGKAIBIGAN SA KONGREGASYON
10. Gaya ng sinasabi sa 1 Tesalonica 2:7, 8, paano matutularan ng isang tagapagturo si Pablo?
10 Dapat na may malasakit ang mga tagapagturo sa mga Bible study nila. Puwede natin silang maging mga kapatid sa kongregasyon. (Basahin ang 1 Tesalonica 2:7, 8.) Hindi madali para sa kanila na iwan ang mga kaibigan nila sa sanlibutan at gawin ang lahat ng kinakailangang pagbabago para paglingkuran si Jehova. Tulungan natin silang makahanap ng tunay na mga kaibigan sa kongregasyon. Kaibiganin ang study mo. Paglaanan siya ng panahon kahit hindi iskedyul ng pag-aaral ninyo. Puwede mo siyang tawagan, i-text, o dalawin para ipakitang talagang nagmamalasakit ka sa kaniya.
11. Ano ang gusto nating maramdaman ng Bible study natin kapag kasama niya ang kongregasyon, at bakit?
11 May mga nagsasabi: “Tulong-tulong ang buong nayon sa pagpapalaki ng isang bata.” Kaya masasabi rin natin: “Tulong-tulong ang buong kongregasyon sa paggawa ng isang alagad.” Kaya ipinapakilala ng mahuhusay na tagapagturo ang Bible study nila sa mga kapatid sa kongregasyon. Mag-e-enjoy siya kasama nila. Makakatulong sila sa kaniya na mas mapalapít kay Jehova. At mapapatibay rin nila siya kapag may problema. Gusto nating maramdaman ng study na welcome siya sa kongregasyon at bahagi siya ng ating pamilya. Gusto nating maramdaman niya ang pag-ibig at pagmamalasakit ng mga kapatid sa isa’t isa. Sa gayon, magiging mas madali para sa kaniya na itigil ang pakikipagsamahan sa mga hindi umiibig kay Jehova. (Kaw. 13:20) At kung iwan siya ng mga dati niyang kaibigan, alam niya na mayroon siyang tunay na mga kaibigan sa organisasyon ni Jehova.—Mar. 10:29, 30; 1 Ped. 4:4.
IDIIN ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AALAY AT BAUTISMO
12. Bakit dapat nating ipakipag-usap sa Bible study ang Kristiyanong pag-aalay at bautismo?
12 Lagi mong ipakipag-usap ang Kristiyanong pag-aalay at bautismo. Ang tunguhin kasi natin sa pagba-Bible study ay para matulungan ang isang tao na maging bautisadong alagad. Kapag ilang buwan na siyang regular na nagba-Bible study at lalo na kung dumadalo na siya sa pulong, dapat na maunawaan niya na nagba-Bible study kayo para matulungan siyang maging Saksi ni Jehova.
13. Ano ang mga kailangang gawin ng Bible study para sumulong at magpabautismo?
13 Unti-unti, puwedeng sumulong ang Bible study mo at magpabautismo! Una, kailangan niyang makilala at mahalin si Jehova at manampalataya sa Kaniya. (Juan 3:16; 17:3) Pagkatapos, makikipagkaibigan siya kay Jehova at sa mga kapatid sa kongregasyon. (Heb. 10:24, 25; Sant. 4:8) Sumunod, pagsisisihan niya ang masasamang ginawa niya at ititigil na ito. (Gawa 3:19) Samantala, mapapakilos siya ng pananampalataya na sabihin sa iba ang natututuhan niya. (2 Cor. 4:13) Panghuli, iaalay niya ang sarili niya kay Jehova at sasagisagan ito ng bautismo. (1 Ped. 3:21; 4:2) Napakasayang araw nito para sa lahat! Kapag unti-unti niyang nagagawa ang mga iyon, bigyan siya ng taimtim na komendasyon. At patibayin siya na patuloy na sumulong.
SURIIN SA PANA-PANAHON ANG PAGSULONG NG BIBLE STUDY
14. Paano susuriin ng tagapagturo ang pagsulong ng Bible study?
14 Kailangan nating maging matiyaga kapag tinutulungan ang Bible study na sumulong at magpabautismo. Pero kailangan din nating malaman kung talaga ngang gusto niyang maglingkod sa Diyos na Jehova. Nakikita mo ba na nagsisikap siyang sundin ang mga utos ni Jesus? O gusto lang niyang matuto tungkol sa Bibliya?
15. Paano malalaman ng tagapagturo na sumusulong ang Bible study niya?
15 Regular na suriin ang pagsulong ng Bible study mo. Halimbawa, sinasabi ba niya kung gaano niya kamahal si Jehova? Nananalangin ba siya kay Jehova? (Awit 116:1, 2) Nag-e-enjoy ba siya sa pagbabasa ng Bibliya? (Awit 119:97) Regular ba siyang dumadalo sa pulong? (Awit 22:22) Gumagawa ba siya ng pagbabago sa buhay niya? (Awit 119:112) Sinasabi ba niya sa mga kapamilya at kaibigan niya ang natututuhan niya? (Awit 9:1) Higit sa lahat, gusto ba niyang maging Saksi ni Jehova? (Awit 40:8) Kung hindi nagagawa ng study mo ang alinman sa mga ito, mataktika siyang tanungin kung bakit. Pagkatapos, kausapin siya; maging prangka, pero sikapin pa ring maging mabait. *
16. Kailan mo dapat ihinto ang pakikipag-aral sa Bible study mo?
16 Sa pana-panahon, suriin kung dapat mo pang ipagpatuloy ang pakikipag-aral sa Bible study mo. Tanungin ang sarili: ‘Lagi ba siyang hindi naghahanda para sa pag-aaral? Ayaw ba niyang dumalo sa pulong? May mga bisyo pa ba siya? Miyembro pa ba siya ng huwad na relihiyon?’ Kung oo ang sagot sa mga iyan, parang tinuturuan mong lumangoy ang isang taong ayaw namang mabasâ! Kung hindi pinapahalagahan ng study mo ang natututuhan niya at hindi siya gumagawa ng mga pagbabago, bakit mo pa ipagpapatuloy ang pakikipag-aral sa kaniya?
17. Ayon sa 1 Timoteo 4:16, ano ang dapat gawin ng lahat ng tagapagturo ng Bibliya?
17 Napakahalaga sa atin ng paggawa ng alagad, at gusto nating tulungan ang mga Bible study na sumulong at magpabautismo. Kaya hinahayaan nating Bibliya ang magturo, at nagtuturo tayo nang may sigla at kombiksiyon. Pinapasigla natin ang study na makipagkaibigan sa kongregasyon. Idinidiin natin ang kahalagahan ng pag-aalay at bautismo, at sinusuri natin sa pana-panahon ang pagsulong ng study. (Tingnan ang kahong “ Ang Kailangang Gawin ng Tagapagturo.”) Masaya tayo na may bahagi tayo sa nagliligtas-buhay na gawaing ito! Magawa sana natin ang lahat para matulungan ang mga Bible study na sumulong at magpabautismo.
AWIT 79 Turuan Mo Silang Maging Matatag
^ par. 5 Kapag nagba-Bible study tayo, pribilehiyo nating tulungan ang mga tao na mag-isip at gumawi sa paraang gusto ni Jehova. May iba pang mungkahi sa artikulong ito kung paano pa natin mapapahusay ang ating kakayahang magturo.
^ par. 4 Tingnan ang artikulong “Mga Dapat Iwasan Kapag Nagdaraos ng Pag-aaral sa Bibliya” sa Setyembre 2016 na isyu ng Workbook sa Buhay at Ministeryo.
^ par. 8 Magpunta sa TUNGKOL SA AMIN > MGA KARANASAN.
^ par. 9 Sa JW Library®, magpunta sa MEDIA > AMING PULONG AT MINISTERYO > PANTULONG SA MINISTERYO.
^ par. 15 Tingnan ang mga artikulong “Ang Pagmamahal at Pagpapahalaga kay Jehova ay Umaakay sa Bautismo” at “Handa Ka Na Bang Magpabautismo?” sa Marso 2020 na isyu ng Bantayan.
^ par. 77 LARAWAN: Pagkatapos ng Bible study, tinutulungan ng makaranasang sister ang tagapagturo na makitang hindi siya dapat salita nang salita sa panahon ng pag-aaral.
^ par. 79 LARAWAN: Sa pag-aaral, natutuhan ng Bible study kung paano magiging mas mabuting asawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mister niya ang natutuhan niya.
^ par. 81 LARAWAN: Nag-e-enjoy ang Bible study at ang mister niya sa bahay ng isang kapatid na nakilala niya sa Kingdom Hall.