Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Taong Espirituwal?
“Ipagkaloob nawa sa inyo ng Diyos . . . na magkaroon sa gitna ninyo ng gayunding pangkaisipang saloobin na tinaglay ni Kristo Jesus.”—ROMA 15:5.
1, 2. (a) Ano ang pananaw ng marami tungkol sa espirituwalidad? (b) Anong mahahalagang tanong tungkol sa espirituwalidad ang tatalakayin natin?
“BILANG taong espirituwal, naging mas masaya ako, at dahil dito, nakakayanan ko ang mga hamon sa araw-araw,” ang sabi ng isang sister sa Canada. Isang brother naman sa Brazil ang nagsabi, “Napakasaya ng 23-taóng pagsasama namin ng misis ko—buti na lang, nagsikap kaming maging palaisip sa espirituwal.” At sinabi ng isang brother sa Pilipinas, “Nakatulong ang pagiging taong espirituwal para magkaroon ako ng kapayapaan ng isip at para mapasulong ko ang pakikitungo ko sa mga kapatid na iba’t iba ang pinagmulan.”
2 Ipinakikita ng mga komentong ito na kapaki-pakinabang ang pagiging palaisip sa espirituwal. Kaya maitatanong natin, ‘Paano ako susulong bilang taong espirituwal para maranasan ko nang lubusan ang mga pakinabang na iyon?’ Pero bago sagutin iyan, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga taong espirituwal. Sa artikulong ito, sasagutin natin ang tatlong mahahalagang tanong. (1) Ano ang ibig sabihin ng pagiging taong espirituwal? (2) Kaninong mga halimbawa ang tutulong sa atin para sumulong ang ating espirituwalidad? (3) Paano
makatutulong ang pagkakaroon natin ng “pag-iisip ni Kristo” para maging taong espirituwal?ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGIGING TAONG ESPIRITUWAL?
3. Paano ipinakikita ng Bibliya ang pagkakaiba ng taong pisikal at ng taong espirituwal?
3 Tinutulungan tayo ni apostol Pablo na maunawaan kung ano ang isang taong espirituwal. Ipinakita niya ang pagkakaiba ng “taong espirituwal” sa isang “taong pisikal.” (Basahin ang 1 Corinto 2:14-16.) Ano iyon? Binanggit niya na “ang isang taong pisikal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya mapag-aalaman ang mga ito.” Sa kabaligtaran, “ang taong espirituwal ay talagang nagsusuri sa lahat ng bagay” at taglay niya ang “pag-iisip ni Kristo.” Pinasisigla tayo ni Pablo na maging taong espirituwal. Ano pa ang pagkakaiba ng taong pisikal at ng taong espirituwal?
4, 5. Ano ang pagkakakilanlan ng isang taong pisikal?
4 Tingnan muna natin kung paano mag-isip ang isang taong pisikal. Ang mundong ito ay nakapokus sa laman. Tinutukoy ni Pablo ang ganitong takbo ng kaisipan bilang “ang espiritu na kumikilos ngayon sa mga anak ng pagsuway.” (Efe. 2:2) Iniimpluwensiyahan ng espiritung iyan ang mga tao na basta sumunod na lang sa karamihan at magpokus sa laman. Dahil dito, ginagawa ng nakararami ang sa tingin nila ay tama at wala silang pakialam sa mga pamantayan ng Diyos. Ang taong pisikal ay may makalamang kaisipan at labis na nababahala sa kaniyang katayuan sa lipunan, sa materyal na mga bagay, at sa kaniyang personal na mga karapatan.
5 Ano pa ang pagkakakilanlan ng isang taong pisikal? Ginagawa niya ang alinman sa “mga gawa ng laman.” (Gal. 5:19-21) Sa unang liham ni Pablo sa kongregasyon ng Corinto, binanggit niya ang ilang pagkakakilanlan ng mga may makalamang kaisipan. Kasama rito ang pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagtatalo-talo, pagdedemandahan, kawalang-galang sa pagkaulo, at pagmamalabis sa pagkain at pag-inom. Ang taong may makalamang kaisipan ay mahina at bumibigay sa tukso. (Kaw. 7:21, 22) Isinulat ni Judas na may mga manghihina at ‘mawawalan ng espirituwalidad.’—Jud. 18, 19.
6. Ano ang pagkakakilanlan ng isang taong espirituwal?
6 Kaya ano ang ibig sabihin ng pagiging “taong espirituwal”? Ang taong espirituwal ay nakapokus sa kaugnayan niya sa Diyos, di-gaya ng taong pisikal. Ang mga palaisip sa espirituwal ay nagsisikap na ‘maging mga tagatulad sa Diyos.’ (Efe. 5:1) Kaya sinisikap nilang alamin ang kaisipan ni Jehova at tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang pananaw. Totoong-totoo ang Diyos sa kanila. Di-tulad ng mga may makalamang kaisipan, iniaayon nila ang kanilang pamumuhay sa mga pamantayan ni Jehova. (Awit 119:33; 143:10) Sa halip na magpokus sa mga gawa ng laman, sinisikap ipakita ng mga palaisip sa espirituwal ang “bunga ng espiritu.” (Gal. 5:22, 23) Para mas maintindihan natin ang ibig sabihin ng pagiging palaisip sa espirituwal, pag-isipan ang paghahambing na ito: Ang isang taong mahusay sa negosyo ay masasabing “business-minded.” Kaya naman, ang taong tunay na nagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay ay “spiritually-minded.”
7. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga taong palaisip sa espirituwal?
7 Maganda ang binabanggit ng Bibliya tungkol sa mga taong palaisip sa espirituwal. Sinasabi ng Mateo 5:3: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng langit ay sa kanila.” Sa Roma 8:6, mababasa natin ang kapakinabangan ng pagiging palaisip sa espirituwal: “Ang pagsasaisip ng laman ay nangangahulugan ng kamatayan, ngunit ang pagsasaisip ng espiritu ay nangangahulugan ng buhay at kapayapaan.” Kung magpopokus tayo sa espirituwal na mga bagay, magkakaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos at sa ating sarili. May pag-asa rin tayong mabuhay nang walang hanggan sa hinaharap.
8. Bakit mahalaga ang pagsisikap para magkaroon tayo ng espirituwalidad at maingatan ito?
8 Pero mapanganib ang panahon natin ngayon. Dahil laganap ang makalamang kaisipan, kailangan nating puspusang magsikap na magkaroon ng espirituwalidad at maingatan ito. Kung hindi natin pupunuin ng kaisipan ni Jehova ang ating isip, papasok dito ang maruming “hangin” ng sanlibutan. Paano natin maiiwasan iyan? At paano tayo susulong sa espirituwal?
MATUTO SA MABUBUTING HALIMBAWA
9. (a) Ano ang makatutulong para sumulong tayo sa espirituwal? (b) Kaninong mga halimbawa ang tatalakayin natin?
9 Matututo ang bata kung oobserbahan niya at tutularan ang magandang halimbawa ng mga magulang niya. Sa katulad na paraan, susulong tayo kung oobserbahan natin at tutularan ang mga may matatag na espirituwalidad. Nagsisilbi namang babalang halimbawa sa atin ang mga taong may makalamang kaisipan. (1 Cor. 3:1-4) Naglalaman ang Bibliya ng mabubuti at masasamang halimbawa. Pero dahil ang tunguhin natin ay maging mga taong espirituwal, tingnan natin ang ilang halimbawang matutularan natin—sina Jacob, Maria, at Jesus.
10. Paano ipinakita ni Jacob na isa siyang taong espirituwal?
10 Una, pag-usapan natin ang halimbawa ni Jacob. Gaya ng marami sa atin, hindi rin naging madali ang buhay niya. Kinailangan niyang pagtiisan ang kapatid niyang si Esau, na may makalamang kaisipan at nagbabalak na patayin siya. Isa pa, paulit-ulit din siyang dinaya ng kaniyang biyenang lalaki. Pero kahit napalilibutan siya ng mga taong “pisikal,” nanatiling matatag si Jacob bilang taong espirituwal. Nanampalataya siya sa pangakong ibinigay kay Abraham kung kaya pinangalagaan Gen. 28:10-15) Sa salita at gawa, pinatunayan ni Jacob na isinapuso niya ang kalooban at mga pamantayan ng Diyos. Halimbawa, nang madama niyang nanganganib ang buhay niya dahil kay Esau, nanalangin si Jacob sa Diyos: “Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo . . . Ikaw ang nagsabi, ‘Walang pagsalang gagawan kita ng mabuti at gagawin kong tulad ng mga butil ng buhangin sa dagat ang iyong binhi.’” (Gen. 32:6-12) Oo, nanampalataya si Jacob sa mga pangako ni Jehova sa kaniya at sa kaniyang mga ninuno at gusto niyang kumilos kaayon ng kalooban at layunin ng Diyos.
niyang mabuti ang kaniyang pamilya na magkakaroon ng mahalagang papel sa layunin ni Jehova. (11. Bakit natin masasabi na taong espirituwal si Maria?
11 Tingnan natin ang isa pang halimbawa, si Maria. Bakit kaya si Maria ang pinili ni Jehova na maging ina ni Jesus? Siguradong dahil palaisip siya sa espirituwal. Kitang-kita ito sa mga kapahayagan niya ng papuri sa Diyos nang dumalaw siya sa bahay ng mga kamag-anak niyang sina Zacarias at Elisabet. (Basahin ang Lucas 1:46-55.) Makikita sa mga pananalita niya na mahal na mahal niya ang Salita ng Diyos at alam na alam niya ang Hebreong Kasulatan. (Gen. 30:13; 1 Sam. 2:1-10; Mal. 3:12) Pansinin din na kahit mag-asawa na sila ni Jose, hindi sila nagtalik bago isilang si Jesus. Ano ang ipinakikita nito? Na mas mahalaga sa kanila ang kalooban ni Jehova kaysa sa kanilang sariling pagnanasa. (Mat. 1:25) Sa paglipas ng panahon, inobserbahang mabuti ni Maria ang mga pangyayari sa buhay ni Jesus at pinakinggan ang karunungang itinuturo nito. “Pinakaingatan [din ni Maria] ang lahat ng mga pananalitang ito sa kaniyang puso.” (Luc. 2:51) Interesadong-interesado siya sa layunin ng Diyos may kinalaman sa Mesiyas. Matutularan natin si Maria kung magiging pangunahin sa ating buhay ang kalooban ng Diyos.
12. (a) Paano tinularan ni Jesus ang kaniyang Ama? (b) Paano natin matutularan ang halimbawa ni Jesus? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
12 Pero sa lahat ng taong nabuhay, si Jesus ang pinakamahusay na halimbawa ng pagiging taong espirituwal. Sa buong buhay niya at ministeryo, pinatunayan niya na gusto niyang tularan ang kaniyang Ama, si Jehova. Tinularan niya ang pag-iisip, damdamin, at pagkilos ni Jehova at namuhay kaayon ng kalooban at mga pamantayan ng Diyos. (Juan 8:29; 14:9; 15:10) Halimbawa, pansinin ang pagkakapareho ng habag na nadama ni Jehova ayon sa ulat ni propeta Isaias at ng habag na ipinakita ni Jesus ayon naman sa Ebanghelyo na iniulat ni Marcos. (Basahin ang Isaias 63:9; Marcos 6:34.) Gaya ni Jesus, nagmamalasakit ba tayo sa mga nangangailangan ng tulong? Nagsikap din si Jesus sa pangangaral at pagtuturo ng mabuting balita. (Luc. 4:43) Ang gayong pagmamalasakit at pagtulong ay tanda ng pagiging taong espirituwal.
13, 14. (a) Ano ang matututuhan natin sa mga kapatid na palaisip sa espirituwal? (b) Maglahad ng halimbawa.
13 Sa ngayon, marami ring mahuhusay na halimbawa ng mga taong espirituwal, na may tulad-Kristong personalidad. Kitang-kita mo ang sigasig nila sa ministeryo, ang kanilang pagkamapagpatuloy, pagmamalasakit, at iba pang magagandang katangian. Tulad natin, may mga kahinaan din silang pinagtatagumpayan, pero sinisikap nilang linangin ang makadiyos na mga katangiang iyon. Si Rachel, isang sister sa Brazil, ay nagsabi: “Dati, mahilig akong sumunod sa fashion, kaya hindi ako mahinhing manamit. Pero nang malaman ko ang katotohanan, sinikap kong maging taong espirituwal. Hindi madaling gumawa ng pagbabago, pero naging mas masaya at makabuluhan ang buhay ko.”
14 Iba naman ang naging pagsubok kay Reylene, isang sister sa Pilipinas. Kahit nasa Mateo 6:33, 34. Sinabi niya: “Sigurado akong pangangalagaan ako ni Jehova.” Malamang na may mabubuting halimbawa rin sa inyong kongregasyon. Gusto nating gayahin ang halimbawa nila habang tinutularan nila si Kristo.—1 Cor. 11:1; 2 Tes. 3:7.
katotohanan na siya, nagpokus siya sa pagkuha ng mataas na edukasyon at magandang trabaho para umasenso sa buhay. Sinabi niya: “Nawalan ako ng gana sa espirituwal na mga tunguhin ko. Pero na-realize ko na may kulang sa buhay ko, isang bagay na mas importante pa kaysa sa trabaho ko. Kaya ibinaling ko ang pokus ko sa paglilingkod kay Jehova.” Mula noon, si Reylene ay naging halimbawa ng pananampalataya sa pangako ni Jehova saTAGLAYIN ANG “PAG-IISIP NI KRISTO”
15, 16. (a) Para maging gaya ni Kristo, ano ang kailangan nating gawin? (b) Ano ang makatutulong para lalo tayong maging pamilyar sa “pag-iisip ni Kristo”?
15 Paano natin matutularan si Kristo bilang indibiduwal? Sinasabi sa 1 Corinto 2:16 na dapat nating taglayin ang “pag-iisip ni Kristo.” Binabanggit naman sa Roma 15:5 na dapat tayong magkaroon ng “gayunding pangkaisipang saloobin na tinaglay ni Kristo Jesus.” Kaya para matularan si Kristo, kailangan nating alamin ang kaniyang paraan ng pag-iisip, kilalanin nang lubos ang kaniyang personalidad, at sundan ang kaniyang mga yapak. Nakapokus ang pag-iisip ni Jesus sa kaniyang kaugnayan sa Diyos. Kaya kapag tinutularan natin si Jesus, mas nagiging katulad tayo ni Jehova. Dahil dito, napakahalaga para sa atin na matutuhan kung paano mag-isip na gaya ni Jesus.
16 Paano natin ito magagawa? Nakita ng mga alagad ni Jesus ang kaniyang mga himala, narinig siyang magturo, namasdan kung paano siya nakitungo sa lahat ng uri ng tao, at naobserbahan kung paano niya ikinapit ang makadiyos na mga simulain. Sinabi nila: “Kami ay mga saksi sa lahat ng mga bagay na ginawa niya.” (Gawa 10:39) Pero hindi natin personal na nakikita si Jesus. Mabuti na lang, maibiging inilaan ni Jehova ang mga ulat ng Ebanghelyo para maging buháy na buháy sa isip natin ang personalidad ni Jesus. Habang binabasa natin at binubulay-bulay ang mga aklat ng Bibliya na Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, lalo tayong nagiging pamilyar sa pag-iisip ni Kristo. Kaya ‘maingat nating masusundan ang kaniyang mga yapak’ at ‘maisasakbat ang disposisyon ng kaisipan’ na gaya ng tinaglay ni Kristo.—1 Ped. 2:21; 4:1.
17. Paano makabubuti sa atin kung mag-iisip tayong gaya ni Kristo?
17 Paano makabubuti sa atin kung mag-iisip tayong gaya ni Kristo? Kung paanong ang masustansiyang pagkain ay nakapagpapalusog ng katawan, lalakas din ang ating espirituwalidad kung pupunuin natin ang ating isip ng kaisipan ni Kristo. Unti-unti nating nalalaman kung ano ang gagawin ni Kristo sa iba’t ibang sitwasyon. Sa gayon, makagagawa tayo ng mga desisyong sinasang-ayunan ng Diyos, na magbibigay sa atin ng malinis na budhi. Hindi ba mabubuting dahilan ito para “ibihis [natin] ang Panginoong Jesu-Kristo”?—Roma 13:14.
18. Ano ang natutuhan mo sa pagtalakay natin tungkol sa pagiging taong espirituwal?
18 Natalakay natin kung ano ang ibig sabihin ng pagiging taong espirituwal. Nakita rin natin na matututo tayo sa mabubuting halimbawa ng mga taong palaisip sa espirituwal. At natutuhan natin na makabubuti sa atin ang pagkakaroon ng “pag-iisip ni Kristo” para sumulong tayo bilang taong espirituwal. Pero may mga dapat pa tayong matutuhan. Halimbawa, paano natin masusuri kung gaano katatag ang ating espirituwalidad? Ano pa ang magagawa natin para mapasulong ito? At ano ang epekto ng ating espirituwalidad sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? Sasagutin iyan ng susunod na artikulo.