STUDY PROJECT
Magpakita ng Lakas ng Loob Kapag Pine-pressure
Basahin ang Jeremias 38:1-13 para malaman kung paano nagpakita ng lakas ng loob ang propetang si Jeremias at ang mataas na opisyal na si Ebed-melec.
Pag-isipan ang konteksto. Paano nagpakita si Jeremias ng lakas ng loob para sabihin sa mga tao ang hatol ni Jehova? (Jer. 27:12-14; 28:15-17; 37:6-10) Ano ang naging reaksiyon nila?—Jer. 37:15, 16.
Pag-aralan. Ano ang gusto ng mga tao na gawin ni Jeremias? (jr 26-27 ¶20-22) Tingnan kung paano ginagamit ang mga imbakan ng tubig noong panahon ng Bibliya. (it-1 1073-1074) Ano kaya ang naramdaman ni Jeremias noong nasa maputik na imbakan ng tubig siya? Bakit kaya natakot si Ebed-melec?—w12 5/1 31 ¶2-3.
Hanapin ang mga aral. Pag-isipan:
-
‘Ano ang itinuturo ng ulat na ito tungkol sa proteksiyong ibinibigay ni Jehova sa mga tapat sa kaniya?’ (Awit 97:10; Jer. 39:15-18)
-
‘Kailan ako dapat magpakita ng lakas ng loob?’
-
‘Ano ang mga puwede kong gawin para magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang tama kapag pine-pressure ako ng iba?’ (w11 3/1 30) a