ARALING ARTIKULO 39
“Nakita Ko ang Isang Malaking Pulutong”
“Nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, . . . na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero.”—APOC. 7:9.
AWIT 60 Buhay Nila ang Nakataya
NILALAMAN *
1. Ano ang kalagayan ni apostol Juan sa pagtatapos ng unang siglo C.E.?
SA PAGTATAPOS ng unang siglo C.E., napakahirap ng kalagayan ni apostol Juan. Matanda na siya at isang bihag sa isla ng Patmos, at malamang na siya na lang ang natitirang apostol. (Apoc. 1:9) Alam niyang inililigaw ng mga kaaway ang mga kongregasyon at nagiging dahilan ito ng pagkakabaha-bahagi. Parang tuluyan nang mauubos noon ang mga tunay na Kristiyano.—Jud. 4; Apoc. 2:15, 20; 3:1, 17.
2. Ayon sa Apocalipsis 7:9-14, anong kapana-panabik na pangitain ang nakita ni Juan? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)
2 Sa mahirap na kalagayang ito, nakakita si Juan ng isang kapana-panabik na pangitain. Doon, sinasabihan ang mga anghel na hawakang mahigpit ang mapaminsalang mga hangin ng malaking kapighatian hanggang sa pangwakas na pagtatatak sa isang grupo ng mga alipin. (Apoc. 7:1-3) Ang grupong iyan ay binubuo ng 144,000 mamamahala sa langit kasama ni Jesus. (Luc. 12:32; Apoc. 7:4) Pagkatapos, binanggit ni Juan ang isa pang grupo, isang napakalaking grupo kung kaya nasabi niya: “Nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika, na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero.” (Basahin ang Apocalipsis 7:9-14.) Isipin na lang kung gaano kasaya si Juan nang malaman niyang napakaraming taong sasamba sa Diyos sa tamang paraan!
3. (a) Bakit mapapatibay ng pangitain ni Juan ang ating pananampalataya? (b) Ano ang matututuhan natin sa artikulong ito?
3 Tiyak na napatibay ng pangitaing iyan ang pananampalataya ni Juan. Pero mas mapapatibay nito ang ating pananampalataya dahil natutupad na sa panahon natin ang pangitaing iyan! Nakikita natin ang pagtitipon sa milyon-milyon na may pag-asang
makaligtas sa malaking kapighatian at mabuhay magpakailanman sa lupa. Sa artikulong ito, matututuhan natin kung paano isiniwalat ni Jehova ang pagkakakilanlan ng malaking pulutong mahigit 80 taon na ang nakakaraan. Pagkatapos, tatalakayin natin ang dalawang bagay tungkol sa pulutong na ito: (1) napakaraming kabilang dito at (2) magmumula sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga miyembro nito. Tiyak na mapapatibay niyan ang pananampalataya ng lahat ng gustong mapabilang sa pinagpalang grupong ito.SAAN TITIRA ANG MALAKING PULUTONG?
4. Anong katotohanan sa Bibliya ang hindi naintindihan ng Sangkakristiyanuhan, at paano naiiba ang mga Estudyante ng Bibliya?
4 Karaniwan nang hindi itinuturo ng Sangkakristiyanuhan ang katotohanan sa Bibliya na ang mga masunuring tao ay mabubuhay magpakailanman sa lupa. (2 Cor. 4:3, 4) Sa ngayon, itinuturo ng karamihan ng relihiyon sa Sangkakristiyanuhan na ang lahat ng mabuting tao ay pupunta sa langit kapag namatay sila. Pero iba naman ang itinuturo ng maliit na grupo ng mga Estudyante ng Bibliya na naglalathala na ng Watch Tower mula pa noong 1879. Naintindihan nilang ibabalik ng Diyos ang Paraiso sa lupa at na milyon-milyong masunuring tao ang mabubuhay dito sa lupa—hindi sa langit. Pero hindi agad naging malinaw sa kanila kung sino ang mga masunuring ito.—Mat. 6:10.
5. Ano ang naunawaan ng mga Estudyante ng Bibliya tungkol sa 144,000?
5 Siyempre pa, naunawaan din ng mga Estudyante ng Bibliya sa pag-aaral nila ng Kasulatan na may mga ‘bibilhin mula sa lupa’ para mamahala sa langit kasama ni Jesus. (Apoc. 14:3) Ang grupong iyan ay bubuoin ng 144,000 masisigasig at nakaalay na mga Kristiyanong naglingkod sa Diyos nang tapat habang nasa lupa. Kumusta naman ang malaking pulutong?
6. Ano ang inakala ng mga Estudyante ng Bibliya tungkol sa malaking pulutong?
6 Sa pangitain ni Juan, nakita niya ang grupong iyon na “nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero.” (Apoc. 7:9) Dahil diyan, inakala ng mga Estudyante ng Bibliya na gaya ng 144,000, ang malaking pulutong ay titira sa langit. Kung parehong titira sa langit ang dalawang grupong iyan, paano sila nagkaiba? Inisip ng mga Estudyante ng Bibliya na ang malaking pulutong ay binubuo ng mga Kristiyanong hindi lubos na naging masunurin sa Diyos noong nasa lupa sila. Kahit malinis naman ang pamumuhay nila, baka ang ilan sa kanila ay kabilang pa rin sa Sangkakristiyanuhan. Inisip ng mga Estudyante ng Bibliya na ang kasigasigang ipinapakita ng mga iyon ay hindi sapat para mamahala silang kasama ni Jesus. Dahil hindi ganoon kasidhi ang pag-ibig nila sa Diyos, sila ay nasa harap lang ng trono sa langit at hindi nakaupo sa mga trono.
7. Ayon sa mga Estudyante ng Bibliya, sino ang titira sa lupa sa panahon ng Milenyo, at ano ang paniniwala ng mga Estudyante ng Bibliya tungkol sa tapat na mga lingkod na nabuhay bago ang Kristo?
7 Kung gayon, sino ang titira sa lupa? Naniniwala ang mga Estudyante ng Bibliya na kapag natipon na sa langit ang 144,000 at ang malaking pulutong, milyon-milyong iba pa ang mabubuhay sa lupa para makinabang sa Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo. Hindi inaasahan noon ng mga Estudyante ng Bibliya na maglilingkod kay Jehova ang milyon-milyong iyon bago magsimula ang Paghahari ni Kristo. Sa halip, inisip nila na ang grupong iyon ay tuturuan tungkol kay Jehova sa panahon ng Milenyo. Pagkatapos, ang mga susunod sa pamantayan ni Jehova ay gagantimpalaan ng buhay na walang hanggan sa lupa, at ang mga magrerebelde naman ay pupuksain. Inisip din ng mga Estudyante ng Bibliya na Awit 45:16.
posibleng ang ilang maglilingkod sa panahong iyon bilang “matataas na opisyal” sa lupa—kasama na ang tapat na mga lingkod na nabuhay bago ang Kristo—ay gagantimpalaang mabuhay sa langit pagkatapos ng Milenyo.—8. Anong tatlong grupo ang iniisip noon ng mga Estudyante ng Bibliya na may bahagi sa layunin ng Diyos?
8 Kung gayon, iniisip ng mga Estudyante ng Bibliya na may tatlong grupo: (1) ang 144,000, na mamamahala sa langit kasama ni Jesus; (2) ang malaking pulutong ng mga Kristiyanong kulang sa sigasig, na tatayo sa harap ng trono ni Jesus sa langit; at (3) ang milyon-milyong tao na tuturuan sa lupa tungkol kay Jehova sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo. * Pero sa takdang panahon ni Jehova, mas naging malinaw sa kanila ang bagay na iyan.—Kaw. 4:18.
MAS LUMIWANAG ANG KATOTOHANAN
9. (a) Paano makakatayo ang malaking pulutong na nasa lupa “sa harap ng trono at sa harap ng Kordero”? (b) Bakit makatuwiran ang paglilinaw na ito sa Apocalipsis 7:9?
9 Noong 1935, naging malinaw kung sino ang malaking pulutong sa pangitain ni Juan. Naintindihan ng mga Saksi ni Jehova na hindi kailangang literal na nasa langit ang malaking pulutong para makatayo “sa harap ng trono at sa harap ng Kordero.” Sa halip, makasagisag ito. Kahit nandito sila sa lupa, ang malaking pulutong ay makakatayo “sa harap ng trono” sa pamamagitan ng pagkilala sa awtoridad ni Jehova at pagpapasakop sa kaniyang soberanya. (Isa. 66:1) Makakatayo sila “sa harap ng Kordero” sa pamamagitan ng pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Sinasabi rin sa Mateo 25:31, 32 na “ang lahat ng bansa”—kasama na ang masasama—ay “titipunin sa harap” ni Jesus na nasa kaniyang maluwalhating trono. Maliwanag, ang lahat ng bansang ito ay wala sa langit, kundi nasa lupa. Makatuwiran ang paglilinaw na ito. Naging maliwanag kung bakit hindi sinasabi ng Bibliya na dadalhin sa langit ang malaking pulutong. Isang grupo lang ang pinangakuan ng buhay na walang hanggan sa langit—ang 144,000 ‘mamamahala sa lupa bilang mga hari’ kasama ni Jesus.—Apoc. 5:10.
10. Bakit kailangang kilalanin ng malaking pulutong si Jehova at sambahin siya bago ang Milenyo?
10 Mula noong 1935, naunawaan na ng mga Saksi ni Jehova na ang malaking pulutong sa pangitain ni Juan ay binubuo ng isang grupo ng tapat na mga Kristiyanong may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa. Para makaligtas sa malaking kapighatian, dapat muna nilang kilalanin si Jehova at sambahin siya bago magsimula ang Milenyo. Kailangan nilang makapagpakita ng matibay na pananampalataya para “makaligtas . . . mula sa lahat ng ito na kailangang maganap” bago ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo.—Luc. 21:34-36.
11. Bakit inakala ng ilang Estudyante ng Bibliya na may dadalhin sa langit pagkatapos ng Milenyo?
11 Paano naman ang paniniwalang dadalhin sa langit ang ilang tapat na lingkod sa lupa pagkatapos ng Milenyo? Iyan ang ipinahiwatig sa Pebrero 15, 1913, isyu ng The Watch Tower. Baka ikatuwiran ng isa, ‘Paano mangyayaring sa lupa lang titira ang tapat na mga lingkod noon na binuhay-muli, samantalang ang mga Kristiyanong di-gaanong tapat ay gagantimpalaan ng buhay sa langit?’ Nagkaroon ng ganiyang kaisipan ang ilan dahil sa dalawang maling akala: (1) na ang malaking pulutong ay titira sa langit at (2) na ang malaking pulutong ay bubuoin ng di-gaanong masisigasig na Kristiyano.
12-13. Ano ang alam ng mga pinahiran at ng malaking pulutong tungkol sa kanilang gantimpala?
Apoc. 7:10, 14) Bukod diyan, itinuturo ng Bibliya na ang mga bubuhaying muli tungo sa langit ay tatanggap ng “isang bagay na mas mabuti” kaysa sa tatanggapin ng tapat na mga lingkod noon. (Heb. 11:40) Kaya sinimulan ng mga kapatid ang masigasig na pag-aanyaya sa mga tao na maglingkod kay Jehova para magkaroon ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa.
12 Pero gaya ng nakita natin, mula 1935, malinaw na sa mga Saksi ni Jehova na ang makakaligtas sa Armagedon ay ang malaking pulutong sa pangitain ni Juan. ‘Sila ang mga lalabas mula sa malaking kapighatian’ dito mismo sa lupa, at patuloy silang sisigaw nang malakas: “Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono, at sa Kordero.” (13 Masayang-masaya ang malaking pulutong sa kanilang pag-asa. Nauunawaan nilang si Jehova ang nagpapasiya kung saan siya paglilingkuran ng kaniyang tapat na mga mananamba, kung sa langit o sa lupa. Alam ng mga pinahiran at ng malaking pulutong na naging posible lang ang gantimpala nila dahil sa walang-kapantay na kabaitan ni Jehova nang ibigay niya si Jesu-Kristo bilang haing pantubos.—Roma 3:24.
NAPAKARAMING KABILANG DITO
14. Pagkaraan ng 1935, bakit marami pa rin ang nagtatanong kung paano matutupad ang hula tungkol sa malaking pulutong?
14 Matapos maging malinaw ang pagkaunawa ng bayan ng Diyos noong 1935, marami pa rin ang nagtatanong kung paano darami ang mga may pag-asang mabuhay sa lupa. Halimbawa, 12 taóng gulang noon si Ronald Parkin nang linawin ang pagkakakilanlan ng malaking pulutong. “Nang panahong iyon,” ang sabi niya, “mga 56,000 lang ang mamamahayag sa buong mundo at marami sa kanila, o baka halos lahat sila, ay pinahiran. Kaya parang hindi naman ganoon kalaki ang malaking pulutong.”
15. Paano patuloy na dumarami ang mga kabilang sa malaking pulutong?
15 Pero nang sumunod na mga dekada, may mga misyonerong ipinadala sa maraming bansa, at unti-unting dumami ang mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos, noong 1968, sinimulan ang isang programa ng pag-aaral ng Bibliya gamit ang aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan. Nagustuhan ng maaamong tao ang simpleng paliwanag nito tungkol sa katotohanan sa Bibliya. Sa loob lang ng apat na taon, mahigit kalahating milyong alagad ang nabautismuhan. Habang humihina ang Simbahang Katoliko sa Latin America at iba pang mga bansa at Isa. 60:22) Nitong nakaraang mga taon, nakagawa ang organisasyon ni Jehova ng marami pang tool para tulungan ang mga tao na matutuhan ang itinuturo ng Bibliya. Maliwanag na ang malaking pulutong—na mahigit walong milyon na ngayon—ay natitipon na.
nagiging malaya ang ating gawain sa Eastern Europe at ilang bahagi ng Africa, milyon-milyon pa ang nababautismuhan. (MAGMUMULA SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO
16. Saan magmumula ang malaking pulutong?
16 Nang isulat ni Juan ang kaniyang pangitain, sinabi niyang ang malaking pulutong ay magmumula sa “lahat ng bansa at tribo at bayan at wika.” May ganiyang hula rin noon si propeta Zacarias. Sinabi niya: “Sa panahong iyon, 10 lalaki mula sa lahat ng wika ng mga bansa ang hahawak, oo, hahawak sila nang mahigpit sa damit ng isang Judio at magsasabi: ‘Gusto naming sumama sa inyo, dahil nabalitaan naming ang Diyos ay sumasainyo.’”—Zac. 8:23.
17. Ano ang ginagawa natin para mapangaralan ang mga tao mula sa lahat ng bansa at wika?
17 Alam ng mga Saksi ni Jehova na para matipon ang mga tao mula sa lahat ng wika, dapat na maipangaral ang mabuting balita sa maraming wika. Mahigit 130 taon na tayong Mat. 24:14; Juan 13:35.
nagsasalin ng mga publikasyon para sa pag-aaral ng Bibliya, at ngayon, nagsasalin na tayo sa daan-daang wika—ang pinakamalaking gawaing pagsasalin sa buong kasaysayan. Maliwanag na gumagawa si Jehova ng himala sa panahon natin—ang pagtitipon sa malaking pulutong mula sa lahat ng bansa. Dahil nakukuha na ang espirituwal na pagkain sa napakaraming wika, na patuloy pang dumarami, ang grupong ito mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagkakaisa sa pagsamba. At kilaláng-kilalá ang mga Saksi sa kanilang masigasig na pangangaral at pag-ibig sa isa’t isa. Talagang nakakapagpatibay iyan ng pananampalataya!—ANO ANG KAHULUGAN SA ATIN NG PANGITAIN?
18. (a) Kaayon ng Isaias 46:10, 11, bakit hindi na tayo nagugulat na tinutupad ni Jehova ang hula tungkol sa malaking pulutong? (b) Bakit hindi nakakadama ang mga may pag-asang mabuhay sa lupa na pinagkaitan sila?
18 Pinananabikan natin ang hula tungkol sa malaking pulutong! Hindi na tayo nagugulat na tinutupad ni Jehova ang hulang iyan sa kahanga-hangang paraan. (Basahin ang Isaias 46:10, 11.) Laking pasasalamat ng malaking pulutong sa pag-asang ibinigay ni Jehova sa kanila. Hindi man sila pinahiran ng espiritu ng Diyos para maglingkod sa langit kasama ni Jesus, hindi naman sila nakakadamang pinagkaitan sila. Sa buong Bibliya, may mababasa tayong tapat na mga lalaki at babae na pinatnubayan ng banal na espiritu; pero hindi sila kabilang sa 144,000. Isa na diyan si Juan Bautista. (Mat. 11:11) Si David din. (Gawa 2:34) Sila at ang napakarami pang iba ay bubuhaying muli sa paraisong lupa. Lahat sila—kasama ang malaking pulutong—ay may pagkakataong magpakita ng katapatan kay Jehova at sa kaniyang soberanya.
19. Paano ipinapakita ng katuparan ng pangitain ni Juan tungkol sa malaking pulutong na talagang apurahan ang gawain natin ngayon?
19 Ngayon lang nangyari sa buong kasaysayan na pinagkakaisa ng Diyos ang milyon-milyon mula sa lahat ng bansa. Ang pag-asa man natin ay mabuhay sa langit o sa lupa, kailangan nating tulungan ang maraming tao hangga’t maaari na mapabilang sa malaking pulutong ng “ibang mga tupa.” (Juan 10:16) Malapit nang tuparin ni Jehova ang inihulang malaking kapighatian na pupuksa sa mga gobyerno at relihiyong nagpapahirap sa mga tao. Isang napakalaking pribilehiyo para sa lahat ng kabilang sa malaking pulutong na mapaglingkuran si Jehova sa lupa magpakailanman!—Apoc. 7:14.
AWIT 139 Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay
^ par. 5 Tatalakayin sa artikulong ito ang pangitain ni Juan tungkol sa pagtitipon sa “isang malaking pulutong.” Tiyak na mapapatibay nito ang pananampalataya ng lahat ng kabilang sa pinagpalang grupong iyan.