ARALING ARTIKULO 39
Suportahan ang mga Sister sa Kongregasyon
“Ang mga babaeng naghahayag ng mabuting balita ay isang malaking hukbo.”—AWIT 68:11.
AWIT 137 Mga Babaeng Tapat
NILALAMAN *
1. Ano ang nagagawa ng mga sister para sa organisasyon, pero anong mga problema ang napapaharap sa marami sa kanila? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)
NATUTUWA tayo na napakaraming masisipag na sister sa kongregasyon natin! Halimbawa, nakikibahagi sila sa mga pulong at ministeryo. May mga tumutulong sa pagmamantini ng Kingdom Hall at nagmamalasakit sa mga kapatid. Siyempre pa, may mga problema sila. May mga nag-aalaga ng kanilang matatanda nang magulang. Ang iba naman ay inuusig ng kanilang mga kapamilya. At may mga nagsosolong magulang na kailangang magtrabaho para mapakain ang mga anak nila.
2. Bakit kailangang suportahan ang mga sister?
2 Bakit kailangang suportahan ang mga sister? Kasi karaniwan nang hindi sila nirerespeto ng mga tao. Bukod diyan, sinasabi ng Bibliya na dapat silang suportahan. Halimbawa, sinabihan ni apostol Pablo ang kongregasyon sa Roma na tanggapin si Febe at ‘ibigay sa kaniya ang anumang tulong na kailangan niya.’ (Roma 16:1, 2) Bilang Pariseo, malamang na mababa rin ang tingin ni Pablo noon sa mga babae. Pero ngayong Kristiyano na siya, tinularan niya si Jesus at pinakitunguhan ang mga babae nang may dignidad at kabaitan.—1 Cor. 11:1.
3. Paano nakitungo si Jesus sa mga babae, at ano ang pananaw niya sa mga babaeng gumagawa ng kalooban ng Diyos?
3 Di-gaya ng mga Judiong lider ng relihiyon noon, nirespeto ni Jesus ang lahat ng babae. (Juan 4:27) Sa katunayan, isang reperensiya sa Bibliya ang nagsabi: “Walang anumang sinabi si Jesus na panghahamak sa mga babae.” Malaki ang respeto ni Jesus sa mga babaeng gumagawa ng kalooban ng kaniyang Ama. Tinawag pa nga niya silang mga kapatid at itinuring na bahagi ng kaniyang espirituwal na pamilya kasama ng mga kapatid na lalaki.—Mat. 12:50.
4. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
4 Laging handang tumulong si Jesus sa mga babaeng lingkod ng Diyos. Pinahalagahan niya sila at ipinagtanggol. Talakayin natin kung paano natin matutularan si Jesus sa pagpapakita ng konsiderasyon sa mga sister.
ISIPIN ANG KAPAKANAN NG MGA SISTER
5. Bakit nahihirapan ang ilang sister na makipagsamahan sa mga kapatid?
5 Kailangan nating lahat ng mabubuting kasama. Pero kung minsan, nahihirapan ang mga sister na makahanap ng ganitong mga kasama. Bakit? Pansinin ang mga sinabi nila. Sinabi ng sister na si Jordan, * “Dahil dalaga ako, hindi ko malaman kung ano’ng papel ko sa kongregasyon; parang hindi ako bahagi nito.” Sinabi ng payunir na si Kristen, na nagpalawak ng kaniyang ministeryo, “Kapag bago ka pa lang sa kongregasyon, pakiramdam mo, nag-iisa ka.” Nakakaramdam din ng ganiyan ang ilang brother. Kapag hindi Saksi ang mga kapamilya mo, baka hindi ka maging malapít sa kanila, at baka maging ganoon ka rin sa mga kakongregasyon mo. Baka nalulungkot naman ang iba dahil may sakit sila at di-makalabas ng bahay o dahil nag-aalaga sila ng may-sakit nilang kapamilya. Sinabi ni Annette, “Hindi man lang ako makapunta sa mga gathering dahil ako ang nag-aalaga sa nanay ko.”
6. Paano tinulungan ni Jesus sina Marta at Maria, gaya ng sinasabi sa Lucas 10:38-42?
6 Nagbigay si Jesus ng panahon sa mga babaeng lingkod ng Diyos at naging isang tunay na kaibigan nila. Naging kaibigan niya sina Maria at Marta, na malamang ay parehong walang asawa. (Basahin ang Lucas 10:38-42.) Dahil sa pagsasalita at pagkilos ni Jesus, naging komportable sila sa kaniya. Hindi nahiya si Maria na maupo sa paanan ni Jesus bilang isang alagad. * At hindi rin nahiya si Marta na sabihin kay Jesus ang nasa isip niya nang hindi siya tulungan ni Maria. Sa pagkakataong iyon, may naituro si Jesus na magagandang aral sa magkapatid. At ipinakita niya ang malasakit sa kanila at sa kapatid nilang si Lazaro nang dalawin niya ulit sila sa iba pang pagkakataon. (Juan 12:1-3) Kaya noong magkasakit nang malubha si Lazaro, alam nina Maria at Marta na makakahingi sila ng tulong kay Jesus.—Juan 11:3, 5.
7. Ano ang isang paraan para mapatibay ang mga sister?
7 Para sa ilang sister, ang mga pulong ang pangunahing pagkakataon nila para makasama ang mga kapatid. Kaya gusto nating gamitin ang mga pagkakataong iyon para kumustahin sila, makipag-usap sa kanila, at ipakita ang malasakit natin sa kanila. Sinabi ni Jordan, na binanggit kanina, “Napakalaking bagay sa akin kapag pinapasalamatan ako ng iba sa mga komento ko, isinasama ako sa ministeryo, o ipinapakitang may malasakit sila sa akin.” Dapat nating ipakita sa mga sister na mahalaga sila sa atin. “Kapag hindi ako nakakadalo sa pulong,” ang sabi ni Kia, “alam kong may magtetext sa akin para kumustahin ako. Talagang may malasakit sa akin ang mga kapatid.”
8. Ano pa ang ibang paraan para matularan si Jesus?
8 Gaya ni Jesus, puwede rin nating bigyan Roma 1:11, 12) Dapat na matularan ng mga elder si Jesus. Alam niyang magiging mahirap para sa ilan kung wala silang asawa, pero nilinaw niya na hindi dahil may asawa’t anak ang isa, masaya na ito. (Luc. 11:27, 28) Sa halip, magiging tunay na maligaya lang tayo kung uunahin natin ang paglilingkod kay Jehova.—Mat. 19:12.
ng panahon ang mga sister. Puwede natin silang imbitahang magmeryenda o mamasyal. Siyempre, gusto nating gawing nakakapagpatibay ang usapan. (9. Ano ang puwedeng gawin ng mga elder para matulungan ang mga sister?
9 Ang mga sister ay dapat ituring ng mga elder bilang mga kapatid nila at nanay. (1 Tim. 5:1, 2) Puwede silang makipagkuwentuhan sa mga sister bago o pagkatapos ng pulong. “Napansin ng isang elder na masyado akong busy, at gusto niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ko,” ang sabi ni Kristen. “Napahalagahan ko ang malasakit niya.” Kapag laging nagbibigay ng panahon ang mga elder para makausap ang mga sister, naipapakita nilang may malasakit sila sa mga ito. * Sinabi ni Annette, na nabanggit kanina, kung bakit maganda na laging nakikipag-usap sa mga elder. Sinabi niya: “Mas nakikilala ko sila, at mas nakikilala nila ako. Kaya kapag may problema ako, hindi ako nahihiyang lumapit sa kanila para humingi ng tulong.”
PAHALAGAHAN ANG MGA SISTER
10. Ano ang nakakapagpasaya sa mga sister?
10 Lalaki man o babae, lahat tayo ay natutuwa kapag pinapahalagahan ang ating mga kakayahan at nagagawa. Pero kapag binabale-wala ang mga ito, nalulungkot tayo. Sinabi ng dalagang payunir na si Abigail: “Kilala lang nila ako bilang kapatid ni ganito o anak ni ganoon. Pakiramdam ko, talagang hindi nila ako kakilala.” Iba naman ang komento ng sister na si Pam. Nanatili siyang walang asawa at matagal na naging misyonera. Nang maglaon, umuwi siya para alagaan ang mga magulang niya. Mahigit 70 anyos na siya at nagpapayunir pa rin. Sinabi ni Pam, “Ang talagang nakakatulong sa akin ay kapag may nagsasabing pinapahalagahan nila ang ginagawa ko.”
11. Paano ipinakita ni Jesus na pinapahalagahan niya ang mga babaeng kasama niya sa ministeryo?
11 Pinahalagahan ni Jesus ang tapat na mga babaeng naglingkod sa kaniya ‘gamit ang sarili nilang pag-aari.’ (Luc. 8:1-3) Hindi lang iyan ang pribilehiyong ibinigay ni Jesus sa kanila; tinuruan din niya sila ng mahahalagang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Halimbawa, sinabi niya sa kanila na siya ay mamamatay at bubuhaying muli. (Luc. 24:5-8) Inihanda niya ang mga babaeng ito, gaya ng ginawa niya sa mga apostol, para sa mga pagsubok na kakaharapin nila. (Mar. 9:30-32; 10:32-34) At kahit tumakas ang mga apostol nang arestuhin si Jesus, ang ilang babaeng naglilingkod sa kaniya ay hindi umalis habang naghihirap siya sa tulos.—Mat. 26:56; Mar. 15:40, 41.
12. Anong gawain ang ipinagkatiwala ni Jesus sa mga babae?
12 Pinagkatiwalaan ni Jesus ang mga babae ng mahalagang gawain. Halimbawa, tapat na mga babae ang unang nakakita sa pagkabuhay-muli ni Jesus. Inatasan niya sila na sabihin sa mga apostol na binuhay siyang muli. (Mat. 28:5, 9, 10) At noong Pentecostes 33 C.E., malamang na may mga babaeng naroroon nang ibuhos ang banal na espiritu. Kung gayon, posibleng makahimala rin silang nakapagsalita ng iba’t ibang wika at nasabi nila sa iba ang tungkol sa “makapangyarihang mga gawa ng Diyos.”—Gawa 1:14; 2:2-4, 11.
13. Ano ang ginagawa ng mga sister sa ngayon, at paano natin maipapakitang pinapahalagahan natin ang ginagawa nila?
13 Dapat lang na papurihan ang mga sister sa lahat ng ginagawa nila para kay Jehova. Kasama sa mga gawaing iyon ang pagtatayo at pagmamantini ng mga gusali, pagsuporta sa mga foreign-language group, at pagboboluntaryo sa Bethel. Tumutulong sila sa mga relief work at pagsasalin ng ating mga publikasyon at naglilingkod bilang mga payunir at misyonero. Gaya ng mga brother, ang mga sister ay nag-aaral sa pioneer school, School for Kingdom Evangelizers, at Gilead School. Tumutulong din sila sa kanilang asawa para magampanan nito ang mabibigat na responsibilidad sa kongregasyon at organisasyon. Mas mahirap sa mga brother na ito na ‘ibinigay bilang regalo’ na makapaglingkod kung wala ang suporta ng kanilang asawa. (Efe. 4:8) May naiisip ka bang mga paraan para suportahan ang mga sister na ito sa kanilang gawain?
14. Dahil sa sinasabi sa Awit 68:11, ano ang dapat gawin ng matatalinong elder?
14 Alam ng matatalinong elder na ang mga Awit 68:11.) Kaya sinisikap ng mga elder na matuto mula sa kanila. Napapatibay si Abigail, na binanggit kanina, kapag tinatanong siya ng mga brother kung ano ang mga epektibong paraan para makapagpasimula ng pakikipag-usap sa mga tao sa teritoryo nila. Sinabi niya, “Dahil diyan, nakita kong mahalaga ako sa organisasyon ni Jehova.” Alam din ng mga elder na ang tapat at may-gulang na mga sister ay malaking tulong sa mga nakababatang sister na may mga problema. (Tito 2:3-5) Oo, dapat nating pahalagahan at mahalin ang mga sister sa kongregasyon!
sister ay “isang malaking hukbo” ng masisipag na manggagawa at karaniwan nang napakahusay nila sa pangangaral. (Basahin angIPAGTANGGOL ANG MGA SISTER
15. Kailan posibleng mangailangan ang mga sister ng magtatanggol sa kanila?
15 Kung minsan, baka mangailangan ang mga sister ng magtatanggol sa kanila kapag napaharap sila sa problema. (Isa. 1:17) Halimbawa, baka kailangan ng isang sister na biyuda o diborsiyada ng magsasalita para sa kaniya at ng mag-aasikaso ng ilang trabahong dating ginagawa ng kaniyang asawa. Baka kailangan ng isang may-edad nang sister ng makikipag-usap sa mga doktor. O baka kailangan ng isang payunir na sister na nagboboluntaryo sa ibang proyekto ng organisasyon ng magtatanggol sa kaniya kapag kinukuwestiyon siya dahil madalas na hindi siya nakakasama sa ministeryo di-gaya ng ibang mga payunir. Paano pa tayo makakatulong sa mga sister? Tingnan natin ulit ang halimbawa ni Jesus.
16. Paano tinulungan ni Jesus si Maria gaya ng sinasabi sa Marcos 14:3-9?
16 Ipinagtatanggol agad ni Jesus ang mga babaeng lingkod ng Diyos kapag hindi nauunawaan ang mga ito. Halimbawa, ipinagtanggol niya si Maria nang isumbong ito ni Marta sa kaniya. (Luc. 10:38-42) At ipinagtanggol niya ulit si Maria nang pagalitan ito ng iba dahil sa ginawa nito. (Basahin ang Marcos 14:3-9.) Naintindihan ni Jesus kung bakit iyon ginawa ni Maria, at pinuri niya ito: “Mabuti ang ginawa niya sa akin. . . . Ginawa niya ang magagawa niya.” Inihula pa nga ni Jesus na ang mabuting ginawa ni Maria ay sasabihin “saanman sa mundo ipangaral ang mabuting balita,” gaya ng mismong nasa artikulong ito. Kapansin-pansin na sinabi ni Jesus ang tungkol sa pangangaral ng mabuting balita sa buong mundo kaugnay ng magandang ginawa ni Maria. Tiyak na napatibay si Maria sa mga sinabi ni Jesus!
17. Magbigay ng halimbawa kung kailan natin dapat ipagtanggol ang isang sister.
17 Ipinagtatanggol mo ba ang mga sister? Halimbawa, tingnan ang senaryong ito. Napapansin ng ilang kapatid na ang isang sister na may asawang di-Saksi ay madalas na late sa pulong at umaalis agad pagkatapos nito. Napansin din nilang bihira niyang isama ang mga anak niya. Iniisip nila na dapat siyang manindigan sa kaniyang asawa. Ang hindi nila alam, ginagawa naman ng sister ang buong makakaya niya. Hindi niya hawak ang iskedyul niya, at hindi siya ang nasusunod pagdating sa mga anak nila. Ano ang puwede mong gawin? Kapag pinuri mo ang sister at sinabi sa iba ang mga pagsisikap niya, baka matigil ang panghuhusga sa kaniya.
18. Paano pa natin matutulungan ang mga sister?
18 Maipapakita natin sa mga sister na nagmamalasakit tayo sa kanila kapag tinulungan natin sila sa praktikal na paraan. (1 Juan 3:18) Sinabi ni Annette, ang sister na nag-aalaga ng nanay niyang may sakit: “May mga kapatid na pumupunta sa amin para palitan ako sa pag-aalaga o magdala ng pagkain. Damang-dama kong mahal ako ng kongregasyon at bahagi ako nito.” Tumanggap din ng tulong si Jordan. Tinuruan siya ng isang brother kung paano magmamantini ng kotse. Sinabi niya, “Nakakatuwang malaman na gustong makasiguro ng mga kapatid na ligtas ako.”
19. Paano pa puwedeng makatulong ang mga elder sa mga sister?
19 Nagsisikap din ang mga elder na maasikaso ang pangangailangan ng mga sister. Alam nilang gusto ni Jehova na pakitunguhan nilang mabuti ang mga ito. (Sant. 1:27) Kaya tinutularan nila ang pagiging makatuwiran ni Jesus at hindi nila iginigiit ang mga tuntunin kung puwede naman silang maging mabait at maunawain. (Mat. 15:22-28) Kapag nagsisikap ang mga elder na makatulong, nararamdaman ng mga sister na mahalaga sila. Nang malaman ng group overseer ni Kia na lilipat siya ng bahay, gumawa agad ito ng kaayusan para makatulong. “Nabawasan ang stress ko,” ang sabi ni Kia. “Dahil sa pagpapatibay at praktikal na tulong ng mga elder, naipakita nilang mahalaga ako sa kongregasyon at hindi ako nag-iisa kapag may problema.”
KAILANGAN NG LAHAT NG SISTER ANG ATING SUPORTA
20-21. Paano natin maipapakitang mahal natin ang lahat ng sister sa kongregasyon?
20 Sa mga kongregasyon sa ngayon, makakakita tayo ng maraming masisipag na sister na karapat-dapat suportahan. Gaya ng natutuhan natin kay Jesus, makakatulong tayo sa kanila kung bibigyan natin sila ng panahon at kikilalanin sila. Puwede rin nating ipakita ang ating pagpapahalaga sa ginagawa nila para kay Jehova. At puwede natin silang ipagtanggol kung kailangan.
21 Sa pagtatapos ng liham ni apostol Pablo sa mga taga-Roma, partikular niyang binanggit ang siyam na babaeng Kristiyano. (Roma 16:1, 3, 6, 12, 13, 15) Siguradong napatibay ang mga babaeng iyon nang marinig nila ang kaniyang pagbati at komendasyon. Suportahan din natin ang lahat ng sister sa ating kongregasyon. Sa gayon, maipapakita nating mahal na mahal natin sila.
AWIT 136 Malaking Gantimpala Mula kay Jehova
^ par. 5 Ang mga sister sa inyong kongregasyon ay napapaharap sa maraming problema. Tatalakayin sa artikulong ito kung paano natin sila masusuportahan sa pamamagitan ng pagtulad sa halimbawa ni Jesus. Matututuhan natin kung paano sila binigyan ng panahon ni Jesus, pinahalagahan, at ipinagtanggol.
^ par. 5 Binago ang ilang pangalan.
^ par. 6 Sinabi ng isang reperensiya: “Ang mga alagad ay nauupo sa paanan ng kanilang guro. Ginagawa ito ng mga alagad bilang paghahanda na maging guro. Hindi ito puwedeng gawin ng mga babae. Malamang na nagulat ang karamihan sa mga lalaking Judio nang makita ang posisyon at kagustuhan ni Maria na matuto mula kay Jesus.”
^ par. 9 Dapat mag-ingat ang mga elder kapag tumutulong sa mga sister. Halimbawa, ang isang elder ay hindi dapat mag-shepherding nang siya lang sa isang sister.
^ par. 65 LARAWAN: Bilang pagtulad kay Jesus, tinutulungan ng brother ang dalawang sister na magpalit ng gulong ng kotse nila, dinadalaw naman ng isang brother ang may-edad nang sister, at isa pang brother, kasama ang asawa niya, ang nagpunta sa bahay ng isang sister at anak nito para mag-family worship.