Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TIP SA PAG-AARAL

Buksan ang Isip Kapag Nag-aaral

Buksan ang Isip Kapag Nag-aaral

Bago tayo mag-aral, baka iniisip na natin, ‘Ano kaya ang matututuhan ko dito?’ Pero kahit may naiisip na tayong posible nating matutuhan, kailangan pa rin nating panatilihing bukas ang isip natin sa gusto ni Jehova na ituro sa atin. Paano natin iyan magagawa?

Manalangin para sa karunungan. Hilingin kay Jehova na tulungan kang makita ang mga gusto niyang ituro sa iyo ngayon. (Sant. 1:5) Huwag umasa sa mga dati mo nang alam.​—Kaw. 3:​5, 6.

Magtiwala sa kayang gawin ng Bibliya. “Ang salita ng Diyos ay buháy.” (Heb. 4:12) Kaya tuwing magbabasa tayo ng Bibliya, puwede tayong makakuha ng bagong aral na magagamit natin sa buhay. Magiging posible lang iyan kung bubuksan natin ang isip natin sa gustong ituro sa atin ng Diyos.

Kainin ang lahat ng espirituwal na pagkaing inihahanda ni Jehova. Itinulad sa “isang handaan ng masasarap na pagkain” ang espirituwal na pagkaing inilalaan ni Jehova. (Isa. 25:6) Huwag iwasan ang mga “pagkain” na ayaw mo. Kung susubukan mo ito, mag-e-enjoy ka at siguradong makikinabang ka!