Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mag-aral sa Kolehio o Matuto ng Isang Hanapbuhay?

Mag-aral sa Kolehio o Matuto ng Isang Hanapbuhay?

Mag-aral sa Kolehio o Matuto ng Isang Hanapbuhay?

SA MARAMING bansa na kung saan maraming kabataang walang hanapbuhay malaki ang kakapusan sa mga trabahador na sanay sa ganoo’t-ganitong trabaho. Sang-ayon kay William Davis, premyer ng Ottawa, Canada, ang “ating saloobin sa mga trabahong pandalubhasa” ang isang dahilan ng puwang sa pagitan ng mapapasukang trabaho at mga dalubhasang obrero. Pinatutunayan ito ng laganap na opinyon na “nagkakamali ang mga magulang” kung hindi nila pag-aaralin sa kolehio ang mga anak nila. Sinabi ni Davis na walang masama kung hihimukin nila ang kanilang mga anak na matuto ng isang trabahong hanapbuhay imbis na mag-aral sa pamantasan para sa isang propesyon. Aniya, “Dahilan sa isa na mag-aral sa pamantasan pagkatapos ng isa ng haiskul, na likha ng hindi gaanong pagpapahalaga sa talento at sa mismong trabahong pandalubhasa, kakaunting kabataan ang nahihilig na gawing karera nila ito.” “Lahat ng trabaho ay ugnay-ugnay,” aniya, at ang mga taong nagiging mahuhusay sa teknolohiya ay may mahalagang naitutulong sa komunidad. Napansin din niya na ang mga kabataang sanay na “matuto ng ugnay-ugnay na pagkadalubhasa” ay natutulungan din nito na “magkaroon ng kasiyahan sa buhay.”