Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagpapawing-Uhaw ng Isang Dambuhala

Pagpapawing-Uhaw ng Isang Dambuhala

Pagpapawing-Uhaw ng Isang Dambuhala

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Mexico

ANG Mexico City, na tinatayang may populasyon na 17 milyon, ay maaaring ito ngayon ang pinakamalaking siyudad sa daigdig. Hindi isang biru-birong gawain ang tustusan ang ganiyang pagkarami-raming tao ng sapat na tubig.

Sa pangkaraniwan, ang bawa’t tao sa lunsod na ito ay gumagamit sa araw-araw ng 360 litro a​—1,520 tasa ng tubig! At naghaharap ng isa pang malaking suliranin, tinataya na pagsapit ng taóng 2000, ang populasyon ng Mexico City ay aabot sa 28 milyon. Kaya naman sinimulan ang masinsinang paghahanap ng mapagkukunan ng tubig para sa kasalukuyan at sa hinaharap na pangangailangan.

Magpahangga noong 1982, ang Mexico City ay tinutustusan ng tubig na nanggagaling sa maraming balon at mga bukal, pati na rin sa mga ilog na ang bukal ay nanggagaling sa mga kabundukan sa timog at kanluran. Datapuwa’t, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig na iniinom ng kabayanan ng lunsod ay dati, at hanggang sa ngayon, ang buhaghag na lupa sa ilalim ng Mexico City. Ang lupang ito ay 85 porcientong tubig. Subali’t higit na tubig ang nagagamit ng lunsod kaysa tubig na ibinabagsak ng ulan. Ang resulta’y ang unti-unting paglubog ng siyudad na iyan. May mga bahagi na lumulubog hanggang 30 centimetro b isang taon.

Para makatulong sa paglutas ng problema, ang Mexico City ay nagmasid sa Cutzamala River at sa mga sanga nito. Subali’t, may dalawang balakid na dapat mapagtagumpayan. Ang isa ay ang kalayuan nito. Ang ilog na iyan ay humigit-kumulang 200 kilometro c ang layo sa Mexico City. Ang isang lalong malaking balakid ay ang bagay na kailangang iyakyat ang tubig sa taas na 2,000 metro! d Isip-isipin lamang na ang tubig ay paaakyatin sa taas na halos makalimang beses kaysa pinakamataas na gusali sa daigdig! e

Ang tubig sa Cutzamala River ay pinaaakyat na sa taas na 900 metro f sa imbakang-tubig ng Colorines. Gayumpaman ay kailangang tumaas pa ng 1,100 g metro ang nararating nito at madagdagan ang dami sa pamamagitan ng tubig na nanggagaling sa mas maliliit na imbakang-tubig hanggang sa makarating iyon sa Mexico City. Sa kasaysayan ng sistema ng pagpapatubig ay ngayon lamang nagkaroon ng proyekto na nagbobomba ng napakaraming tubig sa ganiyang kataas na dako.

Hanggang sa petsa ng pagsulat nito ay tapós na ang unang tatlong yugto ng trabaho. Ngayon sa unang yugto ay umaandar na ang pagsusuplay ng 4,000 litro h bawa’t segundo at ang tubig na ito’y nanggagaling sa imbakang-tubig ng Villa Victoria. Inaasahan na sa Oktubre 1984, ang Mexico City ay tatanggap ng 2,000 litro i bawa’t segundo higit pa kaysa dati, at inaasahan na ang tunguhin na 19,000 litro j bawa’t segundo ay mararating sa 1987.

Ang mga naninirahan sa Mexico City ay may dahilan na magpasalamat hindi lamang sa mga inhenyero ng “Cutzamala System” kundi pati rin sa Diyos na Siyang nagpapangyaring magkaroon ng “ulan galing sa langit” upang may magamit na tubig ang lahat ng tao.​—Gawa 14:17.

[Mga talababa]

a Isang litro ay katumbas ng .26 galon (U.S.).

b Isang kilometro ay katumbas ng .6 milya; isang metro ay katumbas ng 39 pulgada; isang centimetro ay katumbas ng .39 pulgada.

c Isang kilometro ay katumbas ng .6 milya; isang metro ay katumbas ng 39 pulgada; isang centimetro ay katumbas ng .39 pulgada.

d Isang kilometro ay katumbas ng .6 milya; isang metro ay katumbas ng 39 pulgada; isang centimetro ay katumbas ng .39 pulgada.

e Ang Sears Tower ng Chicago, sa Estados Unidos, ay 443 metro ang taas.

f Isang kilometro ay katumbas ng .6 milya; isang metro ay katumbas ng 39 pulgada; isang centimetro ay katumbas ng .39 pulgada.

g Isang kilometro ay katumbas ng .6 milya; isang metro ay katumbas ng 39 pulgada; isang centimetro ay katumbas ng .39 pulgada.

h Isang litro ay katumbas ng .26 galon (U.S.).

i Isang litro ay katumbas ng .26 galon (U.S.).

j Isang litro ay katumbas ng .26 galon (U.S.).

[Mapa sa pahina 22]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

MAPA NG MEXICO

Mexico City

Colorines Reservoir

Balsas River

Cutzamala River

Villa Victoria Reservoir