Badyitin ang Iyong Salapi—Ang Madaling Paraan!
Badyitin ang Iyong Salapi—Ang Madaling Paraan!
SABADO nang gabi noon. Si Ronald at si Sherry, mga may kabataang mga magulang, ay naghahapunan, nag-uusap sa pagitan ng mga subo ng pagkain. Ang kanilang pag-uusap, isang lingguhang ritwal ng, “Hindi ka maniniwala kung gaano kahirap ang aking sanlinggo,” ay gaya nang dati. Binabanggit ni Sherry ang tungkol sa kaniyang mga tagumpay at mga kabiguan sa bahay, si Ronald naman ang tungkol sa kaniyang kapaguran mula sa sanlinggong pag-oobertaim. Sinasagot ang isa’t-isa sa pamamagitan ng mga pagtango at manakanakang, “Oh, talaga,” ang usapan ay kumakalma.
Yaon ay, hanggang sa banggitin ni Sherry ang tungkol sa bagong damit na binili niya.
Mula rito ang pag-uusap ay nagbago at lumalá. “Bakit kailangang gawin mo iyan? Hirap na hirap na ako sa pagtatrabaho sa buong linggo at hindi pa rin natin mabayaran ang ating mga pagkakautang!” sabat ni Ronald. “Kung ganiyan ka kabahala, bakit mo binili ang set na iyon ng mga kagamitan?” sagot ni Sherry.
“Sapagkat kailangan ko ang mga iyon sa trabaho!”
“Bueno, kailangan ko rin ng damit!”
Pamilyar ba iyan sa iyo? Kung gayon, maaaring makadama ka ng ginhawa sa bagay na hindi lamang ikaw ang dumaranas ng problema sa salapi—at hindi lamang ang mga bagong kasal. Ang mga walang asawa, ang mga mag-asawang nagretiro, kahit na yaong mga may malaking sahod ay kadalasang nasusumpungan ang kanilang mga sarili na gumagastos nang higit kaysa kanilang kinikita. Aba, kahit na ang isang propesor sa kolehiyo ay nagkaproblema sa pananalapi, bagaman ang kaniyang sahod ay malaki.
Ang lunas? Ang pag-upa ng isang certified public accountant upang pangasiwaan ang inyong mga pananalapi ay malamang na hindi na kailangan. Gayunman, nasumpungan nina Ronald at Sherry ang isang paraan na napatunayang praktikal. Gaya ng nangyari, sila ay nagkakaroon ng lingguhang pag-uusap sa Bibliya sa isang mag-asawa na buong-panahong mga ministro ng mga Saksi ni Jehova. Ang mag-asawang ito ay namumuhay sa napakaliit na kita, at nais malaman nina Ronald at Sherry kung paano nila napaghuhusto ito. “Mayroon kaming badyet ng pamilya!” ang sagot nila.
Gayunman, ang salitang iyon na “badyet,” ay nagpapahiwatig ng ilang nakatatakot na larawan ng mahahabang mga talaan na punô ng walang katapusang hanay ng mga bilang. Ngunit huwag mong katakutan iyan. Bagaman sina Ronald at Sherry ay tila nag-aalinlangan sa simula, sila ay natulungan na gumawa ng isang payak, gayunma’y praktikal, na badyet na hindi lamang nagbayad ng kanilang mga pagkakautang (nang hindi na kinakailangan pang mag-obertaim si Ronald!) kundi mayroon pang natirang sapat na salapi upang dalawin nila ang pandaigdig na punung-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, kung saan inililimbag ang magasing ito. Narito ang sekreto:
Paggawa ng Isang Badyet
Tunay, ang kinakailangan lamang sa pagbabadyet ay isang talaan ng salaping kinikita at isang talaan ng mga pagkakagastos—at ang pagpapanatili sa mga pagkakagastos ayon lamang sa kinikita. Simple lamang ito. Simulan natin sa kinikitang salapi. Madali ito sa karamihan sa atin, yamang karaniwan nang ilang bagay lamang ang kasangkot dito. (Sahod, interes mula sa mga kuwenta sa bangko, kabayaran para sa ilang mga trabaho, at iba pa.)
Gayunman, ang paggawa ng talaan ng mga gastos ay higit na mapandaya.Maaaring simulan mo sa paggawa (o pagbili) ng isang porma na gaya ng ipinakikita rito. Gumawa ng pangunahing mga pamagat, gaya ng “pagkain” at “pananamit,” ngunit huwag maging lubhang detalyado at sikaping paghiwa-hiwalayin ang mga “pagkain” sa iba pang mga talaan ng pagkain. Tandaan din, magtala para sa “di inaasahan” o “sarisari” na mga pagkakagastos na karaniwan nang dumarating. Ang mga bisita mula sa probinsiya, naplat na mga gulong, o kahit na ang panakanakang udyok na pagbili ay mahirap iplano. Kaya nanaisin mong ibagay ang iyong badyet.
Para sa bawat gastos, sikapin mong marating ang makatotohanang halaga ng salapi na ilalaan mo para rito. Kung ikaw ang klase na nag-iingat ng mga resibo sa groseri at mga resibo ng mga pagkakautang, o ikaw ang nagbabayad sa pamamagitan ng tseke, madali ito. Kung hindi, kailangan mong gumawa ng isang matalinong hula. Nanaisin mo ring tandaan ang buwanang gastos gaya ng upa o mga kabayaran sa pagsanla, at mahabang panahong mga gastos gaya ng mga buwis, seguro, o bakasyon.
Kung ang iyong badyet ay lulubog o lulutang ay depende sa kung gaano kamakatotohanan ang salaping inilaan mo para rito. Sabi ng isang mag-asawa na matagumpay na namuhay sa isang badyet: “Marahil ang pinakamahalagang punto upang gumana ang aming sistema ay ang pagtatakda ng makatotohanang halaga para sa mga pagkakagastos sa bahay. Ang sistema ay hindi gagana kung ang halagang itinabi para sa pagkakagastos sa bahay ay napakaliit anupat hindi mo mapagkasiya sa loob ng isang buwan.”
Samantalang ang asawang lalaki ay tiyak na mangunguna sa pagtatatag ng mga halagang ito, ito ay tiyak na hindi isang proyekto ng isang tao. Ang buong pamilya ay dapat na masangkot upang ang badyet na ito ay maging matagumpay. At natural na ang lahat ay may bahagi sa pagsasabi kung gaano karami ang dapat na ilaan sa bawat bagay. Mangyari pa, ang mga asawang babae ay maaaring nababahala tungkol sa badyet ng pagkain. Ang mga kabataan ay maaaring magtalo para sa higit na salapi sa paglilibang. Sa pamamagitan ng pakikinig sa lahat, maaaring mapagkaisahan ang isang mas timbang at makatotohanang badyet. Gayunman, isang paalaala: Huwag gawin 1 Corinto 13:5) Mabuting payo sa ganitong kalagayan. Sa katunayan, sa isang pamilya nadama ng asawang lalaki ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang asawa ay sumisidhi habang napupuna niya kung gaano kamatulungin at mapagsakripisyo-sa-sarili ang asawang babae habang itinatatag nila ang kanilang badyet.
itong isang mainit na sesyon ng pagtatawaran, gaya ng ginagawa sa mga gobyerno at mga unyon ng trabaho. Doon masakim na itinataguyod ng mga tao ang kanilang sariling kapakanan. Gayunman, ang pag-ibig “ay hindi hinahanap ang sariling kapakanan,” sabi ng Bibliya. (Kapag ang mga Gastos ay Higit sa Kinikita
Ngayong mayroon ka nang burador ng iyong badyet, tuusin mo ngayon kung magkano ang halaga upang ikaw ay mamuhay. Sa ibang kaso para bang kakailanganin mo nang higit na salapi kaysa kinikita mo. Kung ayon, makabubuting suriin mo ang ilan sa iyong tinatayang gastos. Ang ilan ay tiyak na dapat bawasan. Natuklasan ng propesor sa kolehiyo na nabanggit kanina na siya ay gumagastos nang labis sa pagkain. Nasumpungan niya na sa pamamagitan ng pagbawas sa mga pagkain sa labas o mga merienda, maiiwasan niya ang mga kahirapan sa pananalapi. Sa iyong kalagayan, gayunman, ang pagbabawas sa badyet ay maaaring mas mahirap. Maaaring kailanganin mong suriing maingat kung ano ang tunay mong mga pangangailangan sa kung ano lamang ang gusto mo.
Lalo nang kinakailangang isaalang-alang niyaong mga nakatira sa mas mayaman, industrialisadong mga bansa ang salik na ito. Ang karunungan ng mga salita sa Bibliya sa 1 Timoteo 6:7, 8 ay kadalasang niwawalang-halaga sa ating materyalistikong daigdig: “Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman. Kaya, kung tayo’y may pagkain at pananamit na, masisiyahan na tayo sa mga bagay na ito.” Gayunman para sa marami, ang mga salitang ito ay napatunayang sulit.
Kaya mag-isip na makalawa bago magpasiya na kailangan mong dagdagan nang higit ang iyong kinikita upang gawing timbang ang badyet. Ang pagtatrabaho nang mas mahabang mga oras, pagkuha ng isang ekstrang trabaho, o ang paglalagay sa trabaho sa isa pang membro ng pamilya ay maaaring makabawas ng higit sa kalidad ng inyong buhay pampamilya. At kadalasan ang mga pamilya na kumukuha ng ekstrang sekular na trabaho upang matugunan ang ilang partikular na gastusin ay nasusumpungan ang kanilang sarili sa isang materyalistikong silo: Kahit na matapos matugunan ang gastusin sila ay patuloy na nagtatrabaho. Ang karagdagang kitang iyon ay mahirap tanggihan. Kaya suriing muli ang badyet at tingnan kung puwede pa itong bawasan (gaano man kahirap). Narito ang ilang mga mungkahi:
● Paglilibang at Libangan: Sa Estados Unidos mahigit na 6 porsiyento ng kinikita ay ginugugol sa paglilibang at mga libangan. Maaaring napakataas nito para sa iyo. Ang pagbabasa, pagliliwaliw sa mga parke, at iba pa, ay hindi gaanong magastos na gaya ng mga sine, restauran, at mga palakasan.
● Magastos na mga Bisyo: Ang iba ay gumagastos ng $1.25 sa bawat $100 (U.S.) sa tabako. Ang pagsusugal ay isa pang magastos na bisyo. Ang pag-aalis kaya ng gayong mga bisyo ay makadaragdag sa iyong badyet?
● Pagkain at Inumin: Ang mga inuming de alkohol ay kasiya-siya ngunit hindi kinakailangan. Ang mga pagkain, gaya ng hinurnong patatas, ay kadalasang mas mura ngunit higit na masustansiya kaysa kaakit-akit na mga katulad nito (gaya ng French fries). Ang mga pagkaing napapanahon ay mas mura rin. Sa halip na itapon ang mga tira, humanap ng mga paraan sa paggamit nito, gaya sa mga nilaga at mga casserole.
● Utang: Gamitin nang katamtaman, kung kinakailangan. Ang hiram na salapi o ang mga bagay na inutang ay nagkakahalaga nang higit dahilan sa interes.
● Mga tawag sa Telepono: Kung ang mga tawag sa long distance na telepono ay lumilikha ng suliranin sa pananalapi, bawasan ang mga ito. Kung minsan ang mga diskuwento ay ibinibigay sa paggawa ng gayong mga tawag sa ilang mga oras ng isang partikular na araw. Tandaan din, nasisiyahan pa rin ang mga tao na tumanggap ng mga sulat.
● Pananamit: Huwag mataranta sa pagsunod sa mga kausuhan. Ang konserbatibong istilo ng mga pananamit ay kadalasan nang
mas mabuti. Maaaring isaalang-alang ng isang maybahay ang pananahi ng damit para sa kaniyang sarili at sa mga bata.Hindi magtatagal, ang iyong badyet ay gagana. Ang ilang mga pagbabago dito at doon at maaaring maipagmalaki ng pamilya ang kanilang nagawa. Ngunit ngayon ang pinakamahirap na bahagi ay nagsisimula.
Pamumuhay Ayon sa Badyet
Ang halagang naisulat sa papel ay hindi lumulutas sa mga suliranin ng pamilya sa pananalapi. Sa katunayan, ang paggawa ng isang badyet ang mas madaling bahagi. Ang pamumuhay ayon dito ay hindi laging madali. Nangangailangan ito ng tunay na pagpipigil-sa-sarili at disiplina. At nariyan din ang pangangailagan ng isang paraan ng pagtatalaga ng iyong salapi.
Depende ito sa paraan na ikaw ay tumatanggap ng sahod, ito man ay lingguhan, kinsenas, o buwanan. Halimbawa, kung ikaw ay sumasahod nang lingguhan, magagawa mong ugaliin na hati-hatiin sa bawat linggo ang sapat na dami ng iyong sahod upang matugunan ang lingguhang mga gastos, kasabay nito ay nagtatabi nang kaunti linggu-linggo upang matugunan ang buwanan at taunang mga gastos.
Nasumpungan ng ilan na nakatulong ang paggamit ng “envelope method.” Kumuha lamang ng ilang sobre at markahan ang bawat isa sa uri ng gastos na kinakatawan nito, gaya ng pagkain o pananamit, at ang halaga. Sa araw ng suweldo maaari mong hatiin ang iyong sahod sa bawat sobre. Kaya pagdating ng bayaran, ang salapi ay handa at naghihintay. At kung hindi mo naibukod ang sapat na salapi upang bayaran ang isang partikular na gastusin, kailangan mo lamang manghiram ng salapi sa isa pang sobre upang matugunan ang pangangailangan.
Pinipili naman ng iba ang paggamit ng kanilang mga kuwentang tseke upang bayaran ang mga pagkakautang, sa halip na magkaroon ng pera sa bahay. Sa kasong ito maaari mong makita kung paano ginagastos ang salapi sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga talunaryo (stubs) at mga papel ng deposito. Ang iba ay nag-iingat pa nga ng isang bukod na kuwenta sa bangko para sa matagalang mga pagkakautang. Maaaring bayaran nila ang kanilang regular na mga pagkakautang mula sa mga kuwenta ng tseke at pagkatapos ay nagbibigay sa bawat linggo (o buwan, depende sa kung paano sumasahod ang isa) sa iba pang kuwenta upang magkaroon ng mga pondo para sa matagalang mga pagkakautang.
Anumang pamamaraan ang ginagamit, sa katapusan ng buwan dapat mong ihambing kung gaanong salapi ang aktuwal na nagastos sa kung gaano ang ibinadyet. Ang ikatlong hanay sa talaan ng badyet ay maaaring magsilbing panukat kung gaanong salapi ang aktuwal na nagastos. Huwag mataranta sa simula kung ang mga halaga ay hindi timbang. Ang iyong tinatayang halaga ay gayon nga—mga pagtaya. Ang mga ito ay hindi nakaukit sa bato. Sa paglipas ng mga linggo, baka gusto mong gumawa ng ilang mga pagbabago sa iyong mga pagtaya sa badyet hanggang sa ang iyong mga tantiyang halaga ay halos makatotohanan. Ang tumataas na mga pagkakagastos dahilan sa implasyon ay maaaring pumilit sa iyo na baguhin nang palagian ang tinatayang mga pagkakagastos.
Isa pa, sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga gastos masusumpungan mo ang iba pang paraan ng pagbabawas ng gastos. Halimbawa, isang lalaki ang pinakitunguhan ang tumataas na halaga ng bilihin sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga hayop para sa pagkain. Gayumpaman nahirapan pa rin siyang pagkasiyahin ang mga bagay-bagay. Pagkatapos itala ang kaniyang mga gastusin, nakita niya na ang gastos ng pagpapakain at pangangalaga sa mga hayop ay higit kaysa nakukuha nila mula rito. Ang solusyon? Ipinagbili niya ang mga hayop at nakaipon pa ng salapi.
Nasumpungan nina Ronald at Sherry na ang pag-iingat ng isang payak na badyet ay nakatulong sa kanila. At inaasahan namin na makakatulong din ito sa iyo. Tandaan na ang mga kahirapan sa kabuhayan na dinaranas natin ay isang pahiwatig na tayo ay nabubuhay sa tinatawag ng Bibliyang “mapanganib na mga panahong mahirap pakitunguhan,” “ang mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1) Kaya ang tunay na sanhi ng kagipitan sa kabuhayan ay wala sa ating kontrol. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na hindi mo maaaring gamitin ang “praktikal na karunungan” upang matugunan na mas mabuti ang modernong buhay. (Kawikaan 2:7) Ang pag-iingat ng isang badyet ay maaaring siyang bagay na tutulong sa iyo na gawin iyan.
[Chart sa pahina 25]
Talaan ng mga Gastos para sa Buwan ng
Mga Gastos Halagang Binadyet Halagang Ginastos
Pagkain
angla o Upa
Bayad sa Koryente
“Fuel Oil”
Seguro sa Bahay
Mga Buwis
“Maintenance” ng Bahay
Utang sa Kotse
Pag-aayos ng Kotse
Gasolina
Seguro sa Kotse
Telepono
Dentista
Doktor
Seguro sa Kalusugan
Pananamit
Paglilibang
Bakasyon
Paglalakbay sa Asamblea
Mga Abuloy sa Kingdom Hall
Sarisari
Kuwenta sa Bangko
Kabuuan (Ihambing sa kabuuang kita)