Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Araw-Araw Karagdagang 274 na Di-napapanahong mga Kamatayan’

‘Araw-Araw Karagdagang 274 na Di-napapanahong mga Kamatayan’

‘Araw-Araw Karagdagang 274 na Di-napapanahong mga Kamatayan’

Sa ilalim ng pamagat na iyan iniulat kamakailan ng The Journal, isang publikasyon sa Toronto na ang British Medical Association ay gumawa ng isang kampanya laban sa mga pamamaraan ng pag-aanunsiyo ng industriya ng tabako. Sinipi ng artikulo si Dr. John Havard, ang kalihim ng asosasyon, na nagsasabi: “Ang industriya ng tabako ay gumugugol ng milyun-milyong pounds [sterling] sa pag-iempleo ng mga dalubhasa sa pag-aanunsiyo, pakikipag-ugnayan sa publiko, at sa promosyon upang tulungan silang paunlarin ang isang produkto na nalalaman natin​—at dapat ay alam nila​—na tuwirang may pananagutan sa sakit, karamdaman, at kamatayan.

“Ang pag-aanunsiyo, pagtataguyod sa palakasan at sining, mga paligsahan, mga pananamit na nagtataglay ng tatak na mga pangalan, at mga bakasyon ay bahagi na lahat ng pagsisikap ng industriya na linlangin ang kanilang mga mamimili na maniwalang ang paninigarilyo ay kaakit-akit, nakalulusog, at kasiya-siya.

“Ang mga mamimili ring ito ang aming mga pasyente, at alam namin ang katotohanan​—na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng nakatatakot na mga karamdaman at napakaraming di-kinakailangang mga kamatayan anupa’t ang bilang na 100,000 di-napapanahong mga kamatayan isang taon ay halos mahirap maunawaan.

“Ang mga kompaniya ng tabako ay may pananagutan sa malawakang pagkukubli ng katotohanan na isinasagawa sa buong daigdig sa pamamagitan ng isang industriya na walang-awang hindi iniintindi ang medikal na mga katotohanan.”