Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Humiwalay na mga Magulang Ang aking mga magulang ay nagdiborsiyo noong ako ay tatlong taóng gulang. Sa loob ng 36 na taon sinikap kong alamin kung saan dapat lumagay sa aking buhay ang aking tatay, na naging di-tapat sa aking nanay. Ang katapatan ko sa aking tatay at nanay ay kadalasang higit pa sa aking makakayanan. Tinalakay ng inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Pakikitunguhan ang Aking Humiwalay na Magulang?” (Nobyembre 8, 1990) ang bawat aspekto ng bagay na ito. Lahat ng aking damdamin ay nasa kaniyang wastong dako, at nadarama kong para bang inilalagay ni Jehova ang kaniyang maibiging kamay sa akin at sinasabi, ‘Nauunawaan ko.’

G. M., Estados Unidos

Malaking Sakuna sa Eruplano Katatapos ko lamang basahin ang artikulong “Ang Matinding Hirap Ko sa Flight 232” (Disyembre 22, 1990), at hindi ko mapigil ang aking mga luha kapag iniisip ko kung ano ang naranasan ni Lydia, ang mawalan ng asawa. Ang aking nanay ay namatay dahil sa kanser limang buwan na ang nakalipas. Ako’y walang katapusang nagpapasalamat sa ating maibiging Diyos sa paggawang posible para sa atin na makita ang ating mga minamahal sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli.

C. G., Pransiya

Kung Bakit Pinapayagan ng Diyos ang Paghihirap Binabasa ko ang Gumising! mula sa una hanggang huling pahina simula noong 1985, subalit kailanman ay hindi pa ako nakakita ng gayong nagbibigay-liwanag na sagot sa katanungang kung bakit pinapayagan ng Diyos ang paghihirap gaya ng ibinigay na kasagutan sa inyong labas ng Oktubre 8, 1990. Makukuha ng sinumang nag-iisip na tao ang malinaw na mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbasa sa mahusay na naisulat na mga artikulong ito.

E. T. V., Brazil

Mga Trabaho Pagkatapos ng Klase Ang inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Gawin kaya Akong Maygulang ng Isang Trabaho Pagkatapos ng Klase?” (Nobyembre 22, 1990) ay nagbigay sa akin ng ilang kapaki-pakinabang na payo sa tamang panahon. Tinulungan ako nitong timbangin ang mga bentaha at disbentaha ng isang trabaho at tinulungan ako nitong gumawa ng mas mabuting disisyon kaysa maaaring nagawa ko sa ganang sarili. Salamat!

M. R., Estados Unidos

Talagang nasiyahan ako sa artikulo. Ako’y 32 anyos, may dalawang anak, at nagtatrabaho dalawang gabi sa isang linggo sa isang fast-food na restauran. Ang mga batang kasama ko sa trabaho ay nagtatrabaho nang husto. Kaya ang ilan ay maaaring masaktan sa katagang “fast-food-joint.”

C. B., Estados Unidos

Pinahahalagahan namin ang mga damdamin ng ilang mambabasa sa bagay na ito. Gayunman, ang kataga ay sinipi gaya ng pagkakalitaw nito sa “The Wall Street Journal.” Sa artikulo, ginamit namin ang salitang “fast-food restaurant.”​—ED.

Mga Sakit na Kaugnay ng Pagkain Yamang ako mismo ay dumaranas ng panlulumo at anorexia, talagang pinahahalagahan ko na tinalakay ng Samahan ang mahirap ng mga problemang ito sa simpleng mga termino, ipinakikita na ang mga babae ay maaaring makaalpas mula sa mga sakit na kaugnay ng pagkain. (Disyembre 22, 1990) Salamat sa pagtalakay sa bihirang pag-usapan at ipinagbabawal na paksang ito.

C. L., Pransiya

Sistema ng Imyunidad Katatapos ko lamang basahin ang artikulong “Ang Ating Sistema ng Imyunidad​—Isang Himala ng Paglalang.” (Nobyembre 22, 1990) Sa simula, medyo nag-aalala ako sa pagbasa nito, subalit nang masimulan ko ito, binuksan nito ang aking mata sa kung gaano nga kasindak-sindak ang Diyos!

L. Z., Estados Unidos

Ang inyong artikulo ay nakagulat sa akin. Ang ilarawan ang sistema ng imyunidad bilang mga sundalo na may mga sandata ay hindi maganda. Bilang mga Kristiyano, tayo’y laban sa digmaan. O ang paglalarawan ba ay hindi dapat ituring na seryoso?

D. C., Alemanya

Ang paghahambing na ginawa ay hindi pagsang-ayon sa labanan ng tao. Ginamit lamang ito upang tulungan ang mga mambabasa na maunawaan ang napakahirap na paksa. Kawili-wili, ang Bibliya mismo ay gumagamit sa digmaan bilang isang saligan para sa mga ilustrasyon, inihahambing ang mga Kristiyano sa nasasandatahang mga sundalo. (Efeso 6:10-17)​—ED.